Nanghihina man ay pinilit ng Hari na makaupo upang makita si Nia. Nilingon ng dalawa ang matanda na agad ring pinuntahan ng dalaga. "Bakit ka umiiyak?" tanong ng Hari na bagamat bigat na bigat na siya sa kamay niyang halos buto't balat na lamang ay pinilit pa rin pahirin ang luha sa mukha ng dalaga. "Nasa bingit ng kamatayan ang mga kasaahan ko. Nakikipaglaban sila ngayon kay Zarlo." Hindi na nagulat pa ang matanda nang marinig niya ang pangalan ng Kusai ng Palasyo na minsan na rin niyang pinagkatiwalaan. "Hindi pa rin pala siya tumitigil sa kanyang kasakiman," bulong nito. "Huwag kang mag alala. Ipapahanda ko ang mga kawal nang sa gayon ay matulungan ka sa pagsugod sa kanya." Agad na lumapit si Leo nang marinig iyon mula sa Hari. "Mawalang galang na po, Mahal na Hari," aniya na bahagy

