Sa tuluyang pagbaba ni Vexx sa hagdan ay bumungad sa kanya ang isang palasyong hinahawakan lamang ng ugat ng isang malaking halamang lumilipad sa ere. "Malaking karangalan para sa akin na narito ngayon ang kamahalang Zarlo," humagikgik ang babaeng kusai na nakasunod sa kanyang pagbaba sa hagdan. Alam ni Vexx na maaaring patibong lamang ang nakalaan para sa kanya sa lugar na iyon ngunit handa siyang suungin iyon para lamang makuha ang kanyang karisma. Nang marating nila ang malaking pinto papasok sa palasyo ay naiwan ang babae sa labas. Binuksan niya ang pinto. "Ang karisma mo ang naghihintay sa loob ng pintuang ito," malambing niyang sabi. Bagamat nananatiling nakapalupot sa kanyang katawan ang mga ugat ay lakas loob na pumasok si Vexx sa loob ng palasyo. Bumungad sa kanya ang isang m

