Itinulak ni Vexx ang kanyang karisma upang makalundag palayo kay Zarlo. Ngunit hindi pumayag si Zarlo na makalayo ang kanyang kalaban. Gamit ang kanyang karisma ay inutusan niya ang buhangin na maging makapal at umangat sa kanilang dalawa palabas ng kanyang teritoryo. Natigilan si Nia at Konad sa kanilang pagtakbo nang makita ang makakapal na buhanging umangat palabas ng teritoryo ni Zarlo. Maging si Iban ay napatingala nang makita niya ang kapangyarihan ng kanyang kamahalan. Sa tuluyang paglabas ng dalawang magkalaban ay lumundag sila sa patag upang doon magtuos. Itinaas ni Vexx ang kanyang karisma upang umpisahan ang laban. "Oras na para ialay mo ang karisma at kaluluwa mo sa akin, Zarlo!" "Huwag kang mayabang dahil lang nakuha mo na ang iyong karisma, Vexx." Itinaas ni Zarlo ang kan

