Chapter 83

1027 Words

Nakarating sina Leo at Rava sa mas malalim na parte ng teritoryo ni Zarlo. Naririnig nila ang malalakas na pagyanig ng lupa ngunit hindi nila mahanap ang daan pabalik sa kanilang binabaan. "Tumigil na ang pagyanig ng lupa. Tapos na ba ang laban?" ani Leo. "Hindi tayo sigurado kung sino ang mga lumaban. Pero malakas ang kutob ko na hindi si Nia iyon." Sandaling tumingala si Rava sa katiting na butas na kanilang nasisilayan mula sa ibaba. "Maaaring nakuha na ni Vexx ang kanyang karisma." "Mabuti kung ganon. Mas mabuti pa kung natalo na niya si Zarlo nang matuon na ni Nia ang atensyon sa mas mahalagang bagay," ani Leo. Hindi nagsalita si Rava kaya naman sandali itong tumigil sa paglalakad upang harapin ang kasama. "Magtapat ka nga sa akin, interasado ka ba sa posisyon?" Bahagyang napauron

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD