Bago pa man muling bumaba sina Nia ay siya namang paglabas nina Leo at Rava. Bakas ang saya sa dalawa nang makitang ligtas si Nia. Ngunit nawala ang kanilang mga ngiti nang makita nila ang lungkot sa mga mata ng dalaga. Sumenyas si Konad na huwag na munang magtanong na agad namang nakuha ng dalawa. "Mabuti nalang at nakalabas na kayo. Pabalik na sana kami para hanapin kayo," ani Zenon na sinadyang magsalita. "Muntikan na kaming hindi nakalabas. Napakamot ng ulo si Leo na sandaling tinignan si Rava. "Mabuti nalang at maliksi si Leo." Nagtatakang nagtinginan sina Zenon at Konad. Batid nilang mayroon hindi pagkakaintindihan ang dalawa ngunit sa kanilang nakikita ay tila ba magkaibigan na sila ngayon. "Mabuti pa at bumalik tayo sa Orerah nang magamot ang mga sugat natin at nang makapagp

