Ibinuka ni Kyaka ang kanyang bibig na siyang ikinagulat ni Nia. Akma namang dating ng kanyang mga bituwin na siya ring nakita ang nangyari sa bibig ni Kyaka. "A-ang bibig niya! Nasunog ang bibig niya!" Takot na takot na itinuro ni Vexx ang kanyang nakikita. Halos magtago naman sina Konad at Zenon sa takot sa likod ni Rava at Ayaki. Agad ring isinara ni Kyaka ang kanyang bibig. Sa kanyang pagyuko ay muli itong nagsalita sa pamamagitan ng kanyang isip upang kausapin si Nia. "Ito ang nangyari sa akin. Binusalan ako ng mainit na bakal at pinutol ang dila ko ng mga taong iyon." "S-sino?! Sinong gumawa ng karumal dumal na ito sa 'yo?!" Hindi makapaniwala si Nia sa kanyang narinig at hindi na napigilan pa ang sumigaw. "Pinagtaksilan at pinagkanuno ako ng mga pinagkatiwalaan kong kaibigan

