Hirap ang grupo na makagawa ng musika na nasa tamang tiyempo na kanilang kailangan upang matalo ang mga kalaban. Ngunit sa pagpupursige ni Zenon na makuha ito ay ipinikit niya ang mga mata at pinakinggan ang dalang instrumento. Pinilit niyang iyon lamang ang kanyang maramdaman. Ang panginig ng tunog nito na siyang kanyang pinakiramdaman na umaagos sa kanyang buong katawan. Sa pagsunod niya sa tiyempo ay nagawa niyang matalo ang mga kalaban pumapalibot sa kanya. Nakita ni Nia ang nagawa ni Zenon. Itinuro niya ito sa iba pang kasama. "Pakinggan ninyo ang pagnginig ng instrumento ninyo!" Hindi man marinig ng lahat at naramdaman naman nila ang nagawa ni Zenon na kanilang sinundan. Hindi nagatagal ang lahat ay nakuha ang tamang tiyempo sa kani kanilang mga instrumento. Unti unti nang mau

