Malakas na paghalakhak ni Esul ang bumalot sa malungkot na paligid sa pagitan ni Lara at Ganzo. Hindi na napigilan pa ni Nia ang sarili sa galit na kanina pa niya ipinagtitimpi. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang Karisma. Huli na nang makita ng kanyang mga kasamahan ang kanyang pagsugod kay Esul. "Magbabayad ka, Esul! Mapapa sa akin ang Karisma mo!" Sa lakas na ipinamalas ni Nia ay nagkalamat ang harang na pumuprotekta kay Esul. Na aligaga man si Esul ay hindi ito nagpahalata. "Nia Olivia, alam kong darating ang araw na ito na maghaharap tayo. Bilib ako sa tapang mo. Mula sa pagiging probinsyana ay nakikita kong lumakas ka na. Nakakamangha!" Idiniin ni Esul ang harang sa pamamagitan ng kanyang Karisma. "Mas makakabuti kung sasanib ka sa pwersa namin. Handa akong gawin kang reyna. H

