Tanaw na ni Nia ang palasyo ni Esul. Katulad ng binaggit sa kanilang pagpupulong ay nasa pusod ng bayan. Hindi kalayuan sa palasyo ay nakatayo ang puno na siyang hinihimlayan ng mga pandinig na ninakaw ni Esul. Sa unang tingin ay payapa ang bayan, ngunit katula ng Hahipa ay walang tunog na maririnig mula rito dahil walang pandinig ang ninuman. "Halina at kailangan nating magmadali," ani Nia. "Sandali! Ang bayan na iyan ay protektado ng musika ni Esul. Sa oras na pumasok tayo ay hindi na tayo makakalabas." Muling pagpapaalala ni Ganzo. "Mabuti pa ay kami na muna ang manguna." Matagumpay na napasok ng grupo ang bayan. Sa unang apak pa lamang nila rito ay agad na dumagundong ang harang. Batid nilang sa pagdagundong na iyon ay malalaman na ni Esul ang kanilang pagdating. "Maging mapagmaty

