Skye Alvarez's POV: Pagkadating ko sa parking area ay mabilis akong sumandal sa kotse ni Rika. Sunod-sunod na bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang nanghina na rin ang tuhod ko kaya naman napaupo ako sa sahig. Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak nang umiyak. Why, Ash? Nagkulang ba ako? May problema ba sa akin? Bakit mo 'yon nagawa sa akin? "Skye.." Napatingala ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Ang paborito kong tunog sa mundo ko. Ang boses na nagpapakalma at nagpaparamdam sa akin na mahal ako.. noon. "Skye, please stop crying." Marahan s'yang lumuhod at pinunasan ang luha ko. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa mukha n'ya. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Sobrang na-miss ko s'ya. Yung presensya n'ya na lagi kong hinahanap ay na

