Skye Alvarez's POV: Dumiretso ako sa contest after ng class ko. Ngayon ang sculpture at ang lahat ay busy ngayon. Apat na oras lang kasi ang binigay. Ang ginagawa ko ngayon ay dalawang tao na naka-blindfold at naghahalikan. Medyo nahihirapan ako sa details lalo na't konting oras lang ang binigay pero susubukan ko parin. Wala na rin kasi akong ibang maisip na design pa. Matapos ang apat na oras ay pasimple kong nilingon si Ash sa dulo. Nakita ko sa mukha n'yang hindi s'ya satisfied sa gawa n'ya. Hindi ko rin gaano makita ang sclupture n'ya dahil natatakpan iyon ng contestant sa harap n'ya. "Alright, time is up! Everyone's hand at the air!" Tinaas ng babaeng host ang kan'yang kamay at ginaya namin s'ya upang ipakita na tumigil na rin kami sa ginagawa namin. "Thank you everyone! Just

