Skye Alvarez's POV: "Let's all congrate Skye Alvarez for getting the perfect score!" Inabot sa akin ni Ms. Bianca ang yellow pad ko. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko habang nakatingin sa akin. Dati ay gusto kong nasa akin ang mga atensyon nila pero ngayon ay kabaliktaran na. Mas gusto ko na lang maging normal student. Mabuti na lang at nag-advance reading ako kahit konti. As usual matapos mag-lesson ay nagsu-surprise quiz kasi. Kabisado ko na si Ms. Bianca. Ganito lagi ang ginagawa n'ya. Sakto at patapos na rin ang klase n'ya. Pagkatunog ng bell ay nagpaalam na si Ms. Bianca sa amin, "Goodbye class!" "Good-bye Professor Bianca!" Mas rinig na rinig ang boses ng mga lalaki. Pagkalabas ni Professor Bianca ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Habang ginagawa ko ito ay hindi ko

