Skye Alvarez's POV: Na-discharged na din ako sa hospital at ngayon ay nasa bahay na ako. Maayos na ang sala. Tinapon na nila yaya ang mga nabasag na flower vase habang ang mga frame naman na basag ay kinuha ko ang litraro sa loob at hawak-hawak ang mga iyon ngayon habang nakaupo ako sa kama. Pinagmasdan ko ang mga ito. Puro ito litrato namin nila Mommy and Daddy. Simula baby pa lang ako ay mahilig na sila mag-pictures kaya naman napakarami kong pictures noon. May mga litrato din ako dito na bata pa lang ay nagdo-drawing na, painting, sculpture at iba pa. Mayroon pa ritong iba na pictures ko kasama ang mga medals at trophies na napalanuhan ko sa mga contest. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga ito. Sobrang bilis ng panahon. Ngayon ay heto ako, college student at Arts student ng

