Ash Flores' POV: "I'm done eating." Kumuha ng tissue si Skye at pinunasan ang gilid ng labi n'ya sabay tumayo sa kinauupuan. "Here's the payment for my ice cream." Kumuha s'ya ng pera sa bag n'ya sabay nilapag ang bayad sa lamesa nang hindi ako tinatapunan ng tingin kahit saglit. "Thank you for spending time with me, Ash. This will be the last time," mahina n'yang sabi sabay mabilis nang naglakad palabas ng ice cream parlor. Hindi na ako lumingon pa dahil naintindihan ko at nararamdaman kong kailangan ni Skye mag-isa. Kabisado ko na s'ya. Kailangan n'ya muna mapag-isa at mag-isip isip bago makausap muli. Pinagmasdan ko lang s'ya na papalayo sa akin hanggang sa makalabas na s'ya ng ice cream parlor. Pinanood ko s'ya na napapalingon sa mga puno, halaman at tao na nadadaanan n'ya. Eve

