Skye Alvarez's POV: Nandito kami ngayon ni Ash sa paborito naming arcade na pinupuntahan lagi. Naglalaro kami ng 2 players wherein we shoot and kill zombies. Ito ang paborito naming laruin sa arcade especially pag stress kami. "Whoo! Dämn! At last, we finally survived this stage!" Masaya n'yang sabi at napataas pa ng kamay. Napailing na lang ako at natawa dahil sa reaksyon n'ya. Nakaramdam din ako ng saya dahil sa wakas ay nalagpasan na rin namin ang stage na ito sa laro. Dati kasi ay hindi kami makaalis dito. Lagi kami agad nanamatay. "Don't be too happy. Hindi pa tapos. May last stage pa," paalala ko sa kan'ya. "Right," bigla s'yang sumimangot. "I'm taking my time here being happy about our achievement and you're ruining it, Skye." Halata sa boses at mukha n'ya na nasira ko ang

