“A-Ano pong ginagawa niyo rito? Paano niyo natunton itong isla?” Tanong ni Mary nang matauhan siya. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa ama-amahan at apat na unipormadong kalalakihan na palagi nitong kasama kapag may mga event na kailangang puntahan. At lahat ng mga ito ay kayang kumitil ng buhay masiguro lang kaligtasan ng amo. “It’s doesn’t matter how we got here, Mary. Ang mahalaga ay sumama ka sa min.” Matatag na umiling si Mary. “I’m sorry daddy francis, but I’m not going with you.” Nagsalubong ang kilay nito’t matiim na tumitig sa kaniya. “You didn’t want to go with us, even if it cost your mother’s life, Mary!“ Umawang ang labi ni Mary. At binundol ng kaba ang kaniyang dibdib. “What do you mean?” Nagtagis ang panga nito. “So, Duke didn’t tell you?” “Tell me what?” “That y

