"Oh, bakit parang hindi ka pa rin masaya? Naikasal na kayo, ah?" Napalingon si Duke sa katabi si Trevor. Subalit imbes na sagutin ito, tinungga niya ang hawak na beer in can at inubos ang laman niyon. Kasalukuyang nasa entertainment room ang apat na lalaki. Pagkatapos ng kasal ay nagkaroon ng kaunting salo-salo sa backyard. Nagpa-catering pa si Duke at nagpapunta ng acoustic band na tumugtog para sa first dance nila ni Mary as husband and wife. Akala niya sa panaginip na lang lahat ito mangyayari. His fantasy turned into reality. Subalit hindi maipagkakaila ni Duke, na hindi buo ang kaligayahang nararamdaman niya— lalo na't habang ikinakasal sila ni Mary bakas ang kalituhan sa anyo ng dalaga. Aminado si Duke na ginulat niya ito sa biglaang kasalan, pero doon rin naman ang punta ni

