SINUSUNDAN ni Duke ng tingin si Mary na paroon at parito sa kaniyang harapan. Nakadikit sa tainga nito ang cellphone habang hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya. He couldn't do anything but gave in to her. Kayang tiisin ni Duke ang lahat ng tao sa paligid niya— even his dad but not Mary. Hindi niya ito kayang nakikita na malungkot lalo na ang umiiyak. "Hello, Daddy Francis." Natuon ang atensyon ni Duke sa mukha ni Mary nang huminto at magsalita ito. Nanatili siyang pinagmamasdan ito habang nakikipag-usap sa daddy niya sa kabilang linya. "I'm fine." She said calmly. "You don't have to worry about me. And please stop the search. Maayos po ang lagay ko." Kagat ang ibabang labi na sumulyap ito sa kaniya. "H-He's here..." Of course, cellphone niya ang ginamit ni Mary kaya alam

