Nagmamadaling tinungo ni Mary ang balcony nang mula sa labas ay marinig ang maingay na tunog ng makina. Natanaw niya sa dalampasigan ang helicopter na sinakyan ni Duke kaninang umaga. Bumalik si Mary sa loob, saka nagtuloy-tuloy sa main door palabas ng villa para salubungin si Duke. “Madam!” Tawag sa kaniya ni Nina na sumunod pala palabas ng villa. “Saan po kayo pupunta! Malilintikan na naman kami kay Sir!” Nilingon niya ito. “He’s here!” Aniya saka tumalikod at binaybay ang pababang trail patungo sa dalampasigan. Nagliwanag ang mukha ni Mary nang makitang bumaba si Duke mula sa passenger seat ng helicopter. “Duke!” She shouted, running towards him. Ikinulong siya nito sa mga bisig at hinalikan sa noo. “I’m home.” He whispered. Tumingala si Mary at kahit bakas ang kasiyahan s

