"Masakit?" Nag-alalang inilayo ni Mary ang idinadamping cotton balls na may betadine sa gilid ng labi ni Duke nang mapansing napangiwi ito. Silang dalawa lang ang naiwan dito sa unit dahil nagprisinta si Kate at Nate na bibili ng dinner nila sa katapat na mall. At kasalukuyang ginagamot nga niya ang mga galos at sugat tinamo Duke. Kanina pa niya ito pinipilit na pumunta ng hospital para makasigurado silang wala itong malalang injury. But he refused. Iginiit nitong simpleng galos lang naman raw 'yon na magagamot ng mga over the counter medicine. "Hindi naman masyado. Medyo mahapdi lang," pag-amin nito't hinawakan ang kamay niya at muling nilapit sa gilid ng labi. “Sige na gamutin mo na ako." Napanguso si Mary at mas maingat na dinampi-dampi ang hawak na cotton balls sa sugat nito. “

