IMBES umiwi, nagyaya ang Mommy niyang kumain sa labas. Napili nito ang italian restaurant, malapit lang rin sa condo. Namangha si Mary pagpasok nila sa loob ng restaurant. Ito kasi ang unang beses kasing makapunta sa ganitong kainan. Ano ang tawag rito... ah, fine dining! Kumikinang ang mga chandelier na nakalutang sa kisame. May touch of gold ang interior at mga utensils maging upuan at lamesa. Karamihan rin ng mga kumakain roon, naka-formal attire. Ang iba, nakasuot pa ng long gown. Samantalang siya ay amoy na nga sa maghapong klase, nakauniporme pa. "This way," magalang na sabi ng waiter na nagpapatiunang lumakad. Hinatid sila nito sa dulong bahagi. Hindi niya maintindihan ang mga nakasulat sa menu kaya ang Mommy niya ang um-order sa kaniya. She also ordered wine for them. Lal

