Suot ang uniporme at kipkip ang dalawang libro, bumaba si Mary ng hagdanan. Alas nueve ang unang session ng mga bata sa art class kung saan on the job training si Mary. Madali lang naman ang trabaho niya. Tumatayo lang siya bilang teacher aide, na nag-aassist sa mga bata kasama ng art instructor. It was actually fun and enjoyable. Mahilig kasi si Mary sa bata. Lalo na’t noon pa niya gusto ng kapatid na hindi nagkaroon ng katuparan dahil nga naghiwalay ang mga magulang niya. Thinking about her parents… Masaya si Mary para sa Mommy niya dahil natagpuan na nito ang taong gustong makasama habang buhay— may kirot pa rin sa dibdib niya kapag naalala ang namayapang ama. Hindi man lang kasi nito naranasang mag-mahal at mahalin ulit. She feared that for herself too. Paano kung hindi na rin n

