“Mary!” Kasabay na napalingon ni Mary ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway ng Arts building sa malakas na boses na tumawag sa pangalan niya. Natigilan siya at napakunot ang noo nang makita si Kate na kumakaway, patakbo sa kinaroroonan niya kabuntot ang boyfriend nitong si Nate na nagkukumahog bitbit ang mga gamit ng dalaga. Yes. Magkasintahan na ang dalawa. Right after ng highschool graduation nila, finally sinagot na ni Kate si Nate. Though palaging nagtatalo na parang aso’t pusa, going strong pa rin ang dalawa. Sa katunayan ay mag-aapat na taon ang mga ito. “Hay, salamat! Naabutan ka namin!” Hinihingal na sabi ng kaibigan sabay kumapit sa dibdib. “Kanina ka pa namin hinihintay sa last subject mo! Grabe ka na! Nakakalimutan mo na kami, ah!“ may hinampong dugtong nito. Napa

