HINDI na nawala sa isipan ni Agatha ang nakuhang text mula sa isang unknown number. Ilang beses pa niya itong tinawagan pero hindi niya itong nagawang i-contact. Wala rin siyang maisip na posibleng mag-text nito sa kanya. Hanggang sa makauwi siya ng mansyon ay ‘yon pa rin ang nasa isip niya. Hindi niya magawang makapag-focus kaya ilang beses din siyang pumalpak sa paghahanda ng hapunan nila ni Alfonso. Nang makauwi ang nobyo ay hindi niya mapigilang mapatitig dito. She wants to ask him about it. She wants to know kung ano ba talaga ang nakaraan nito. Matagal na niya itong gustong malaman kaso hindi lang siya makahanap ng tamang tiyempo para tanungin ito dahil natatakot din siya na baka ito lang ang pagmulan ng pag-aaway nila. May ideya na siya na hindi naging maganda ang childhood ng no

