ILANG araw na mula nang dalhin ni Agatha si Margarett sa bahay ng nobyo niya. Matapos ng araw na ‘yon ay pansin niya ang pagbabago sa kilos ng lalaki. Hindi niya maipaliwanag pero ramdam niyang may pagbabago talaga. Paminsan-minsan ay napapansin niya ang madalas na pagtahimik nito at pagtingin sa malayo, at kapag tinatanong naman niya kung may problema ba ito ay tanging wala lang ang sagot nito; na ayos lang ito at wala siyang dapat ipag-alala. Tingin niya’y hindi nagustuhan ni Alfonso ang kaibigan niya. Pansin niya kasi na hindi ito kinakausap ng nobyo ng araw na dalhin niya ito sa mansyon. At sa tuwing ikinukwento niya ang araw niya kasama ang babae ay iniiwasan ni Alfonso na pag-usapan ito. Kaya kahit hindi sabihin ng boyfriend niya ay alam niyang hindi ito komportable sa bago niyang k

