WALANG mapagsidlan ang sayang nararamdaman ni Agatha. After hearing Alfonso’ story and the efforts he did to make sure that everything is fixed before they get back together, ay mas lalo niyang minahal ang lalaki. She regretted every single second she spent trying to forget him; for thinking that he no longer cares for her and that he’s probably with a new woman. Hindi niya mapigilang madismaya sa sarili dahil gano’n ang naisip niya. But none of those matter anymore. Nandito na si Alfonso sa harapan niya at kasama niya. Pinatunayan sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal and that’s everything that matters. “So my mum knew,” aniya at hindi mapigilang mapangiti. Nakasandal siya sa braso ng lalaki habang nakaupo pa rin sila sa bench sa isang park. “How about my dad and brother?” tano

