“Finally…” Iyon ang mga salitang bumungad kay Agatha nang makalabas siya ng banyo. Kita niya ang nakakunot na noo ng lalaki habang naka-krus ang mga braso sa matikas na dibdib. “Akala ko ba five minutes lang?” angal nito at napailing pa. Tumayo na ito pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang puting roba pero tinanggihan na niya. “Hindi na kailangan ‘yan,” nakangisi niyang sagot bago kumapit sa braso niya. “Huhubarin mo rin naman mamaya,” dagdag niya bago pinadausdos ang kamay sa maskuladong dibdib ng lalaki na sumisilip mula sa suot nitong puting roba. “I’m sorry if I made you wait. Hindi ko talaga kayang maligo nang mabilis.” “Nakaya ko ngang maghintay nang anim na buwan,” tugon naman ng lalaki bago hinaplos ang mukha niya. “A few minutes is nothing to me,” dagdag nito bago siya dinampian ng

