NAPAIRAP na lang si Agatha bago niya inihagis ang cellphone niya sa kama niya. Malinaw na malinaw ang usapan nila ni Alfonso na huwag siyang istorbohin pagkauwi nila dahil gusto niyang magpahinga. Pagod na pagod ang katawan niya dahil sinamahan niya itong maglibot sa buong hacienda. Oo, nag-enjoy naman siya sa ginawa nila pero pagod lang talaga siya. Ang totoo niyan ay nagsinungaling siyang may date sila ni Xavier at nang hindi na siya bulabugin nito. Bukas pa ang napagkasunduang araw nila ni Xavier para magkita. Miss na raw kasi siya ng mga pamangkin nito, lalo na ni Vivi. At dahil gusto niya ring makasama ulit ang bata ay pumayag na siya. Naaawa kasi siya sa mga ito dahil wala na pala itong ina. She couldn’t imagine the feeling of growing up without a mom. Speaking of moms, tumawag ang

