ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Agatha bago siya pabagsak na umupo sa sahig ng kama niya. Ramdam niya ang pagod at pananákit ng kanyang mga braso kakahila sa lalaki. Kanina pa niya ito sinusubukang paalisin pero nagmamatigas ito. Sa tuwing hinihila niya ito paalis sa kama ay mabilis itong kumakapit sa headboard at kapag kinakausap niya naman ito ay nagtatalukbong ito ng kumot at nagkukunwaring tulog. Pagod na pagod na siya dahil bawat subok na paghila niya rito ay nangangailangan ng labis-labis na lakas. Kakaligo niya lang pero heto siya't namamawis na naman. Malapit nang mapigtas ang pisi ng pasensya niya. Ramdam na niya ang unti-unting pagkulo ng dugo niya dahil naiirita na siya sa ginagawa nito. “Tell me what’s your deal, Alfonso. Please lang, huwag mong sirain ang

