80 - Broken Yet Found

2354 Words

Agatha looked at Xavier in disbelief. Ipinakita niya talaga sa lalaki kung paano umawang ang bibig niya kasabay ng pangungunot ng kanyang noo. Ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung saan magsisimula. “Why?” Sa dami ng pwede niyang sabihin, ‘yon na lang ang nasabi niya. Naikuyom niya ang kamay niya dahil ramdam niyang sobrang unfair. “Why, Xavier?” “Because I don’t think we will ever work out,” malamig nitong sagot sa babae. Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mga mata nito. Singlamig ng gabi ang mga titig na ipinupukol nito sa kanya. “I…I can’t see myself with you.” “B-Bakit biglaan?” Hindi niya mapigilang mautal dahil sa ragasa ng emosyon niya. “Wala akong makitang rason para gawin mo ‘to. I don’t even remember doing anything that would anger you in any way!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD