ALFONSO couldn’t hide the smile on his face as soon as he heard it from Agatha’s mouth. Magdaramdam na sana siya dahil akala niya’y heartbroken ito sa mayor, but he didn’t expect that it was something more like frustration and disappointment. Malungkot siya para sa babae dahil malungkot din ito, pero hindi niya rin maitago ang ngiti sa labi niya lalo na’t narinig na rin niya sa wakas ang mga salitang gusto niyang sabihin nito. “Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” maangas na tanong sa kanya ng babae. Mas lumapad lang ang ngisi niya dahil natatawa siya sa ugali nito sa tuwing nalalasing. Malayong-malayo sa maarte nitong ugali. “I’m just happy,” sagot niya rito. “Does that mean tayo na?” pagbabakasakali niyang tanong. Masamag tumingin sa kanya ang babae. “You haven’t even started courting

