NAPANGIWI si Agatha nang maramdaman niya ang pagkirot ng ulo niya. Nangunot ang noo niya bago huminga nang mamalim. She then let out a soft groan, rolling over the bed to hug her pillow pero napakunot ang noo niya nang maramdamang kakaiba ang una—medyo malaki, matigas, at mainit ito. Kinapa-kapa niya pa ito bago niya dahan-dahang binuksan ang mga mata niya. Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat nang bumungad sa kanya ang nakangising mukha ni Alfonso. “Good morning,” pabulong nitong bati sa kanya. “Having fun groping my body?” Agad na nag-init ang mukha niya bago siya mabilis na umatras. “B-Bakit ka nandito?” “Because this is basically my room,” sagot nito kaya napatingin siya sa paligid. “You slept over my place.” “I did?” aniya bago naniningkit na napatingin sa kawalan para alalahan

