Kabanata 7: Pagliban

2254 Words
7 "B-bakit? A-anong ginawa ko-" "Nagsumbong ka ba sa kanila..." "H-hindi k-kuya...wala akong sinasabi..." "Then why!? Why would they send me back through hell?" "H-hindi kita maintindihan kuya..." Pumangibabaw siya sa akin at napapikit ako sa takot. "Bakit nila ako ililipat?...Bakit ako babalik sa mga doktor..." Marahas akong umiling sapagkat ayokong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa. "W-wala akong kinalaman..." "May nagsumbong. At kapag nalaman kong may pakana ka dito—I will put you through hell," Hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinabi. Halata sa aking pagmumukha na wala talaga akong ideya sa kanyang pahayag kaya mas lalo lamang siyang nagalit. Bilang pagka-klaro, ipinilig niya ang ulo ko upang magkatitigan kami. "Isasama kita sa impyerno ko...Naiintindihan mo ba?" "O-opo kuya," Manginig nginig kong iyak. Buong akala ko ay papakawalan na niya ako pero hindi. Ilang saglit niya akong pinagmasdan, dala ng kanyang gwapo ngunit mailap na mukha at ekspresyon, hindi ko mabasa ang nararamdaman niya. Nanginginig pa rin ako sa takot. Si kuya, labintatlong gulang pa lamang, pero kung magsalita animo'y nakakatanda na ang pagiisip. Bukod sa malawak ang kanyang bokabularyo, ang kanyang emosyon ay hindi rin basta-basta. Kung dati hindi ko maunawaan kung bakit may doktor na bumibisita. Ngayon parang nauunawaan ko na kung para saan. Si kuya...hindi tama ang pag-iisip. Nasa kamalian, nasa dilim, puno ng hinanakit. Kailangan mapawi iyon. Bagamat wala akong alam sa gamot, kailangan niya ng tulong. May kung anong hinugot siya sa kanyang likuran at sa isang iglap, nakita kong sumulyap ang kutsilyong hawak niya dahilan para dali-daling manlaki ang aking mga mata. "K-kuya...w-wag mo akong saktan," Mangiyak-ngiyak kong sambit. Kinapitan niya ang mukha ko, at pinisil ang aking pisngi. Mabilisang kumabog ang aking puso sa pangyayari. Habang tinititigan niya ako, hindi ko mapigilan ang hindi mapatingin sa kanyang matangos na ilong, mahabang pilikmata, at nangungusap na mata na kulay abo kung pagmamasdan. Mura pa lamang ang aking isip ngunit may muang na ako sa mga ganitong bagay. Napalunok ako sa sarili dahil sa talang ng aking buhay sa bahay-ampunan, ngayon lamang ako nakakita ng pambihirang itsura. Tipong nakikita ko lamang sa magazines at telebisyon—mga aktor sa mga palabas, mga models sa mga larawan. Ambang sasaktan niya ako, sapagkat dumiin na ang kanyang kuko sa aking pisngi. Napangiwi ako at napasigaw habang pilit na nagsisipumiglas. "Huwag!" Nanatili kami ng ilang saglit sa ganoong posisyon nang biglaan siyang napabitaw sa akin. Hindi dahil sa ginusto niya pero nang dahil sa tunog ng taong kumatok sa pintuan. Dalawa kaming napalingon sa gawi nito. Sisigaw na sana ako ng tulong, kung si manang man yon o sino man—kailangan ko ng humingi ng saklolo, ngunit hindi nangyari ang nais ko sapagkat mabilis na tinakpan ni kuya ang aking bibig. Inilagay niya ang daliri sa mapula niyang labi at sinenyasan akong manahimik. Bilang panakot, bahagya niya pang diniin ang kutsilyo sa aking leeg, bago tuluyang tanggalin ang mga tali sa aking biyas. "Rose?" Mula sa b****a ng pintuan, nakita kong sumilip si Mrs. De Luca, bakas na bakas ang pagaalala sa kanyang ekspresyon. "Parang narinig kitang sumigaw...ayos ka lang ba?" Napalunok ako—nag-aalangan sumagot. Sa isang sulok, sa lugar kung saan nagtatago si Kuya sa likod ng mga anino, nakita kong kumislap ang mata nito kasama na ang kanyang kapit-kapit na kutsilyo. Bahagyang bumuka ang aking bibig. "Anak?" Sinubukan kong magsalita ngunit bumubukas at sumasara lamang ang aking bunganga sa takot. Hindi ko alam pero ang pangambang iyon ang pumipigil sa akin magsumbong at makapagsalita. Alam ko kung ano ang dapat gawin pero nahihirapan akong makabuo ng kahit anong salita. Napansin ni Mrs. De Luca ang aking pagkabahala kaya naman bumakas ang ngiti sa kanyang mukha. "Ahh—pasensya na anak. Mukhang inaantok ka pa nga...Hindi na kita aabalahin pa, tulog ka na," "P-pero—" Mahina at natatakot kong sambit, subalit hindi iyon nadinig dala ng nauna nang makaalis si Mrs. De luca. Naramdaman ko ang bahagyang pag-usod ni kuya mula sa karimlan ng dilim. Nilakad niya ang daan patungo sa akin at hinila ang isang bangkuan sa isang tabi. Maya-maya'y umupo siya doon habang mapilyo akong pinagmamasdan. Ang mga gawi at asta niya, sadyang nakakataas balahibo. "Diba sinabi ko wag ka magsalita," "K-kuya hindi naman ako nagsumbong..." "Kung mahalata tayo..." "H-hindi...h-hindi k-kuya," Napabuntong hininga siya tsaka hinagod ang maitim na buhok. Kitang-kita ko ang bawat depinisyon ng kanyang mukha sa ilalim at sinag ng malimlim na buwan. Bagama't liban ang kanyang mukha ng ekspresyon, ramdam na ramdam ko ang pagtitimpi niya sa bawat hagod ng kanyang paghinga. Gayundin ang kabang namumuo sa akin habang hinihintay ang mga gagawin niya. "Subukan mo pang suwayin ako...hindi lang ito ang ipapatikim ko sayo," Nabigla ako sa sinabi niya, at bago ko pa mapagtanto kung ano gagawin niya. Naunahan na ako ng aking pigil na sigaw nang sugatan niya ang aking palad. Walang ni isang boses ang tumakas sa aking bunganga nang busalan niya ako gamit ng kanyang ikaliwang palad pero napapikit ako sa pagpintig at sakit nitong dala. "Tignan mo maigi ang dugo mo...pakiramdaman mo..." Nanginig ako nang yakapin niya ako mula sa harapan, at nilagay niya pa ang aking palad sa kanyang dibdib na animo'y pinapakiramdaman ito. "Mainit...at dating may buhay," Halos manginig ako sa malamig at nakakatakot niyang tono. Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking palad kaya nahirapan akong magsalita. "B-bakit k-ka ganito kuya..." Sa puntong iyon, hindi ko na mapigilan ang humikbi. Sino ba naman ang hindi mabibigla sa nangyayari sa akin? "Gusto ko lang iparanas sayo...kung ano ang pakiramdam ng hindi ka tanggap...walang nagmamahal," Bakit? Ano ang mapapala niya sa gagawin niya? Alam ko naman ang bagay na iyon...kabisadong-kabisado ko kung ano ang pakiramdam na itapon at walang magmalasakit. Ang ampon na gaya ko, ang mas maalam sa ganitong pakiramdam. "—alam n-na alam ko ang pakiramdam kuya...P-parehas l-lang ta–" Naputol ang aking sasabihin dala ng marahas na pagtulak sa akin ni kuya. "Hindi tayo pareho!" Sa gitna ng aking mga luha, nagawa ko pa siyang silipin. "B-bakit h-hindi?" "Ikaw! Hinahanap mo ang pagmamahal! Nagpapanggap ka...pinipilit maging katanggap-tanggap. Kapalit ng tinatawag niyong pamilya..." "P-pero kahit sino...gustong makaramdam ng pagmamahal–" Tulad ng kanina naputol ang aking sasabihin sapagkat marahas niya akong hinawakan sa aking leeg. "K-k-ku-ya..." Naduwal ako ng todo. Mahigpit at marahas. Akala ko kamatayan ko na. Kinapitan ko ang kanyang kamay at matapang na sinalubong ang kanyang mata, umaasang may katiting na awang makikita roon. Sa panandaliang nagkatitigan kami, tanging ang naduduwal kong boses ang nadidinig sa katahimikan, may kislap na awa at realisasyon ang sumilip sa kanyang mala-abong mata ngunit pilit nitong binalik ang pagkawala nito ng ekspresyon. "P-pa-tawad," "...Bakit...ano ba ang meron sa tinatawag mong pamilya? Ano ba ang nakikita mo sa harapan at pagpapanggap nila..." Nang sa wakas ay binitawan na niya ako. Tuluyan kong inapuhap at hinabol ang hangin. Akala ko talaga ay katapusan ko na. Sa pamamaraan ni kuya, nahalata at naramdaman ko ang galit niya sa akin. "A-ang pinakamagandang pakiramdam sa m-mundo ay ang alaga at pagmamahal ng magulang..." Naghihingalo kong sabi sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. At marapat na nilebel ang kanyang mukha sa akin. "Paano mo nalaman na ganon ang pakiramdam kung mismong sayo ay tinapon ka?" "H-hindi lang naman sa tunay na magulang nararamdaman iyon...kaya kayo nandito...handa niyo akong mahalin," "Sino may sabing handa ka naming mahalin? Hindi mo ba naisip na pangharap ka lang?" Natameme ako sa nadinig.  "A-ano?" Hindi ko maunawaan ang kanyang sinabi. Imbis na linawin ang kanyang pinapahiwatig. Tumalikod na si kuya. Nakita ko ang pagbaba at pagtaas ng kanyang balikat na animo'y humiinga rin ng malalim. "Kung dito hindi rin ako mahal. Ikaw pa kayang dayo lang," Mahina niyang wika, ngunit sapat na para maabot ng aking pandinig. Nanghihina akong ngumiti. Sinubukan kong tumayo sa kama at siya'y matapang na harapin. "K-kuya kaya naman kita mahalin...h-hindi naman mahirap iyon...pero sana huwag mo akong tinatakot..." Hindi siya nakapagsalita sa aking sinabi. Ilang saglit siyang nanatiling nakatayo habang ako'y naiiyak sa di malamang dahilan. Panay ang agos ng aking luha sa mata at tuluyan ng nanlalabo ang aking paningin. Nasasakal ako at naninibago—natatakot at nalulunod sa kanyang presensya. Akala ko magsasalita pa siya ngunit wala siyang naging imik habang lumabas sa aking silid. May parte sa akin ang nauunawaan kung bakit ako umiiyak. Sa rebelasyon at usapang namagitan sa amin, napagtanto kong halos pareho kami ng sitwasyon. Dalawa kaming iniwan sa dilim... Nauunawaan ko ang sinasabi at pinaparating niya. Hindi dapat ako maniwala at mag isip na porke tunay nga siyang anak—nakakaramdam na siya ng pagmamahal at aruga. Malamang ay baka hindi ito naipaparating sa kanya ng maayos ng kanyang magulang. ___ ISANG LINGGO makalipas, halos hindi ko na nakita si kuya. May parte sa akin ang masaya sapagkat hindi na nga kami nagkikita. Tuwing magkasama kami, palagi niya akong sinasaktan. Laking pasasalamat ko at hindi humahantong sa malalang sakitan. Gayunpaman, may parte din sa akin ang nagaalala. Kahit papaano, si kuya lang ang madalas kong nakakasama—sa bayolentang pamamaraan—ngunit kasama ko pa rin. Minunulat niya ako sa ibang bagay na hindi ko dati maunawaan. Gaya ng sakit sa pag-iisip. Kasalukuyan kaming nag-aasikaso sa kusina. Maraming isda, gulay, karne ang binabalatan. Nakikitulong din ako. Hinuhugasan at nililinis ko ang mga pinagbalatan ni manang. "Nay, nakita niyo po ba si Damian..." Ani ko kay manang. Dala ng aking tanong, bahagya siyang nagulat, muntik pa nga niyang mabitawan ang kutsilyong hawak. "Nak, bakit mo pa siya hinahanap?" "Hindi ko po kayo maintindihan..." "M-matapos n-ng nangyari...hindi ka pa ba nadadala?" Nagulat ako sa nadinig. Pilit kong winasiwas sa isip ang dahilan kung bakit ganun ang naging dating ni Manang ngunit talagang nababahala ako. "Ano po?" Umiling na lamang siya sa akin. "W-wala...wala, balewalain mo na lang nak," Tumango ako bilang baling ngunit hindi pa rin ako nasisiyahan sa naging kinalabasan. Paminsan-minsan sumisilip ako kay manang, umaasang magbago ang kanyang isip at sabihin na sa akin kung nasaan na nga ba si Kuya. Pitong araw, napakalaking agwat para siya'y mawala na lamang bigla. Napansin ni Ate Trina ang aking pagkabahala kaya napabuntong ito ng hininga bago itigil ang ginagawa. "Kung gusto mo talaga malaman Rose...nasa Manila si Damian. Dinala nila sa therapist niya," "Therapist?" "Basta parang doktor din ata Rose. Wala akong pinag-aralan kaya di ko alam pinagkaiba nila," Napauwang ang aking bibig. Magandang balita kung tutuusin. Habang kami'y naguusap, nanataling tahimik si Manang sa isang tabi. "Para saan pala tong hinahanda natin Ate," Mausisa kong tanong, dala siguro ng pagkayamot kaya ko natanong at dahil wala masyadong ginagawa bukod sa paghahanda ng pagkain. "Ayun na nga kaya ko sinabi...dadating si Damian ngayon," Nanlaki ang aking mata. Masyado atang biglaan. Ngayon ko lang rin nalaman ang dahilan kung bakit ito nawala ng ilang araw tas ngayon ko rin malalaman ang kanyang pagdating. Parang ang hirap pa tanggapin at unawain. Nagising ako sa aking malalim na iniisip nang masugatan ko ang aking kamay nang dumaplis ang pagkakahawak ko sa kutsilyo. "Naku Rose...wag ka na kasi tumulong sa paghihiwa. Tignan mo...baka mapagalitan pa kami," Humingi ako ng pasensya nang magsalita si Ate Trina. Hindi naman ako ganito kung tutuusin. Magaling ako maggayat at magbalat ng mga prutas at gulay nang ako'y nasa bahay ampunan. Sadyang naagaw lang aking pansin dala ng mga iniisip. Si manang na kanina'y nananahimik lang ay tuluyang tumayo at kumuha ng iilang kagamitan upang linisin ang aking sugat. "Halika ka dito Nak," Untag niya sa akin. Tumango ako at lumapit. Hindi siya nag-aksaya ng oras at kaagad na nilinisan ang aking sugat. Paminsan-minsan napapangiwi ako. Ang huling pagkikita namin ni Damian ay nang pumuslit siya sa aking silid. Naalala kong sinugatan niya ako ng gabing iyon, at naalala ko rin na si Manang ang gumamot ng aking sugat ng umaga matapos mapansin ang nakabalot na tela sa aking palad na punong puno ng dugo. "Nak, wag ka na masyadong lumapit kay Damian. Nawala sa isip kong pagsabihan ka...akala ko kasi..." May kuriosidad sa aking mukha ng marinig ang kanyang sinabi. "Ano po yun nay? Ano po gusto niyo sabihin?" May kutob kong ani. "Alam mo namang may problema ata yan si Damian...mabait siyang bata sa iilan, ngunit pinipili niya ang mga taong pumupukaw ng kanyang interes. At mukhang ikaw ang taong iyon Rose...ang masasabi ko lang sayo ay wag ka masyadong lumapit sa kanya. Mukhang inaatake na naman siya ng ugali niya," "Ano po ba ang ugali niya?" "Hindi ko rin mawari nak. Pero maniwala ka sa aking mabait yan at may galang sa iba. Yun nga lang, may mga tao rin siyang pinag-iinitan. Mag-iingat ka palagi. Tayo-tayo lang magtutulungan dito," Tumango ako sa kanya dahil naiintindihan ko ang nais niya ipahiwatig. Ilang saglit, bumalik na kami sa inaatupag. Ang mga kumukulong kaldero ay nagsiapawan na sa kalan. Habang nagmamadali kaming maglinis ng mga kalat, dumating si Mrs. De Luca sa kusina.  "Nasaan si Rose?" Bungad niya sa amin.  Napatingin ako bago magsalita. "Bakit po m-mama?"  Nang dumako ang tingin niya sa akin, rumehistro ang ngiti sa mukha ni Mrs. De Luca. "Dumating na tutor mo anak," May ligaya niyang banggit sa akin.  Oo nga pala, naalala ko na. Nakatakda pala ang araw na ito para sa tutor lessons ko gayong sa pasukan ay mag-aaral na ako. Hindi ko mapigilan ang biglaang saya na bumalot sa aking kabuuan. Kung kanina nagaalala ako, ngayon ay parang may kislap ng pag-asang bumangon sa akin. Bahagya akong sumulyap kina manang at ate Trina, at bilang baling, nginitian nila ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD