Kabanata 30: Phantom

2529 Words
30 "R-rose! You finally conquered your fear! Proud na proud ako sayo!" Nabigla ako sa bungad ni Mari nang yakapin niya ako sa kalagitnaan ng masikip na daan. Medyo pasuray-suray siya kaya malamya kong hinaplos ang likuran niya. Isa-isa kaming pinasadahan ng tingin ng kanyang mga kasamahan. Alam kong naiinis sila sa akin, at hindi ko rin alam ang rason, ang tanging nasisigurado ko lang ay nasanay na rin ako sa ganitong trato. Matapos ang ilang minutong yakapan, sa wakas ay binitawan niya rin ako. "P-Parang di ako makapaniwala nandito ka nga!" Mapait akong napangiti. It's not that I was complaining. Medyo hindi lang ako sanay sa amoy ng kanyang sigarilyo. Nakakatawa nga isipin na sensitibo ako sa amoy ng sigarilyo pero heto ako ngayon sa isang nightclub, nagbabaka-sakali ng trabaho. A place filled with men, liquor, cigarrettes—vices. Bakit nga ba ako pumayag ulit? Hindi naman sa pinupuna ko ang mga taong tulad nila, sadyang hindi lang ako nasanay sa ganitong set up. Sana hindi nila mapansin ang nararamdaman ko, ayokong isipin nilang judgmental ako. Malamang hindi rin sila sa sanay sa gaya kong mahinhin. "Medyo lasing ka na ata," Puna ko sa kanya habang pabirong inipit ang aking ilong. Medyo sanay naman ako sa paninigarilyo niya, pero may parte rin sa akin ang gusto siyang pagsabihan. "Di pa ako lasing! I'm just getting started!" Umapir pa siya sa akin at napailing na lang ako. She's drunk and she's denying it. "Hmmm...a-alika! Dadalhin kita kay Madam Juls! Siya manager namin!" Walang sabi niya akong hinigit paalis habang ang ilang kasamahan niya napaismid sa gawi ko. "Don't tell me magiging bar girl din siya? O escort?" Usapan nila na alam kong sadya nilang pinaparinig sa akin. "Wag siyang mangarap...loyal sa akin ang clients ko," Gusto ko silang patulan kaso sa isip lang ako matapang. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nakarating kami sa isang maliit na kwarto. Base sa mga papeles at iilang cabinet, opisina ito ng tinutukoy niyang Madam Juls. Medyo makalat nga lang. May mga upos ng sigarilyo sa ash tray. May iilang bote ng alak, at isang maliit na single couch sa gilid na parang isang dekada nang hindi nalalabahan. Mukhang hindi nga rin nadaanan ng walis ang looban. Nakikita ko na ang matindi nilang pangangailangan ng cleaner. At hindi lang part time ang kailangan nila... "Antay ka lang dito! N-nasa floor pa ata siya," Ngumiti na lamang ako. "Hindi mo na kailangan sumigaw Mari. Rinig na rinig kita," "Ha?" "Wala," Sumenyas siya sa akin ng okay bago umalis sa maliit na espasyo. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Kung titignan maigi, hindi mo aakalain na ganito ang itsura ng kanilang tanggapan. I mean, the place looked elegant and luxurious outside. Baka pang-front lang nila iyon, o baka sadyang ganito talaga ang realidad. They will hide the uglies in them and show the beauty instead. Masyado ko nang inaalisa ang bagay sa paligid ko para mapagtantong kailangan ko na rin ayusin ang akin. Ilang saglit dumating na ang manager na sinasabi ni Mari. She was a decent looking woman, filled with tattoos and minimal makeup. Pakiwari kong may itsura siya noong kabataan niya base pa lamang sa tangos ng kanyang ilong. Tumayo ako at inilahad ang kamay para makipagkamayan ngunit pasuray-suray akong nilagpasan ng babae. "So...you're the cleaner escort 4 told me about," Aniya bago sumindi ng sigarilyo. "O-opo..." Iminuwestra niya ang kamay sa pintuan, hindi pa rin nakatingin sa akin. "Go on. Tanggap ka na. Pwede ka ng magsimula," Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. "Really? Wala po bang kontrata? Usapan? Uhm...tungkol sa sahod at off ko?" Tinatamad niya akong pinagmasdan at nang dumapo ang kanyang paningin, tila nabuhayan ang kanyang mukha. "On second thought...why don't you become one of my girls?" "Ano po uli?" "Paniguradong magiging patok ka sa mga kalalakihan," Tumayo siya at lumapit. Inikutan niya ako ng may mapanuring mata, bawat hithit niya ng sigarilyo ay ramdam ko. "Alam mo...ang ganda mo hija. May balakang ka at pang-model mukha mo. Sigurado ka bang janitress ang papasukin mo?" "Sigurado po ako," "Pero mas bagay ka kung magiging..." Hindi niya tinapos ang kanyang salita at sa halip, mabilis itong nilihis. "You'll be very valued by our VIP clients. I'm sure you can make tons of money," "Ahh...salamat na lang po madam. Pero hindi ko po kasi talaga linya iyon. Hindi po ako komportable—" "Hindi mo naman kailangan samahan sila sa kwarto. Itable mo lang sila...or you can serve drinks. No harm to that. Alam mo sayo ko lang ito inooffer dahil pang-Class A ang mukha mo," Bahagya akong nasura sa ranggong binanggit niya. Babae ako at nasisigurado kong walang kahit sino ang pwedeng magbigay ng label sa akin, not unless I give them consent. "I'm really sorry mam but I'm happy with this job," Humithit siya ng sigarilyo, may panghihinayang sa kanyang mukha. "Hanggat nandidito ka hindi kita titigilan sa offer na iyon. It's open anytime for you to decide and accept," "Sigurado na po ako," "Then...suit yourself. I'm just saying...nandito lang ang offer naka-antabay sayo," Pinasadahan niya ako ng huling tingin bago bigyan ng gusot-gusot na kontrata kung saan ako pipirma. Medyo kulang sa formality aaminin ko ngunit janitress lang naman ang papasukin ko kaya hindi na masyadong kailangan. _____ THE MUSIC WAS LOUD AND EAR DEAFENING. Kung hindi lang ako nabighani ng pera, tiyak na kanina pa ako umalis para lang makaiwas sa malakasang tugtugan. Come to think of it. I never did enjoy life. Siguro mahuhumaling ako sa ganitong kasiyahan kung nagkaroon ako ng tsansang maging malaya sa buhay. Kaya kahit anong gawin ko, hindi talaga para sa akin. The glam and luxury, it's very enticing. Kaso kung wala akong makakasama sa ginhawa, what's the point of this? "Agad agad ka na maglilinis?" Nabulabog ako sa biglaang nagsalita. Isang mestisang babae na may berdeng buhok ang sumalubong sa akin. "Hi! Sorry to disturb you. Nabanggit ka sa akin ni Mari. And girl, totoo nga ang sabi niya," Napataas ang aking kilay. "Na?" "That you're VIP level!" "VIP level?" "Alam mo na," Bigla niyang nginuso ang taas na palapag. Halos nababalutan ng glass panel door ang ikalawang palapag kaya naman kitang-kita ko kung paano kumilos ang mga naka-tuxedo at mask na mga lalaki, gayundin ang mga babaeng nagseserve sa kanila ng drinks. They were dress neatly. Act nicely. And seem...so far. Kilos mayayaman, but at the same time, they look like sin. Napahigpit ang aking kapit sa mop. Samu't saring mamamahaling pagkain ang inaakyat sa taas habang nakapila ang mga babae sa baba. Isang panauhin ang namukhaan ko matapos niyang matabig ang maskara—si Mayor Legazpi. Para siyang hindi public servant habang paakbay-akbay sa grupo ng kababaihan sa table niya. And I felt nauseated by the sight. He was one of the persons I voted during election. Ngayon parang naglaho ang pagasa kong maibabangon niya ang aming bayan. Balik panaog ang mga waitress samantalang nagwawala sa kalasingan at kasiyahan ang mga bisita. Hindi ko mataim kung paano pagsilbihan ng mga empleyado ang mga kalalakihang nasa taas lalo na't mukhang napapaypayan ang kanilang mga ego. Then again, money can buy everything, even respect. Gaya ngayon, nabili nila ako kapalit ng malaking sweldo. It's a good job, just not in the right place. Bago ko pa makabisado ang kanilang mga kilos, nakaramdam ako ng lamig. Yung tipong ramdam mong may nakatingin sayo. At gaya nga ng nasa isip, isang lalaking naka-phantom mask ang nakatitig sa akin. Parang tumigil bigla ang mundo ko. Humina ang tugtugin at animo'y may kumakatok sa aking damdamin. Pain? Fear? Curiosity? I can't tell. All I know is that I was wonderstruck. Tinatapik tapik niya ang gilid ng magarang na sofa. Tipong inaalisa ang aking reaksyon. Sa kaliwang kamay niya, may babaeng panay ang haplos sa kanya. Ang ibang kababaihan ay nasa paanan ng lalaki—parang asong nagaantay ng haplos. Nakakababa ng tingin bilang babae, pero bakit ako nahihigop ng kanyang mapangakit na mata? "Pwede ka doon. Matangkad ka at malaman ang dibdib mo. Ako kasi nakulangan...pero pag may pera papa-ayos ako," Nakalimutan kong may kumakausap sa akin. For a second, I was engrossed with this enigmatic man. Wala na akong ibang ginawa kundi umiwas ng tingin. Baka mamaya'y ipatawag pa ako sa taas at mautusan. "You know... alam kong medyo iwas ka," Pinasadahan niya ako ng tingin. "—pero di mo ba alam sinasayang mo assets mo? Alam mo sayang ka rin talaga sabi ni Mari," "Ano ano ba ang sinasabi niya tungkol sa akin dito?" "Wala. Sinasabi niya lang maganda ka," Tango na lang ang naibaling ko. "Akala ko may sinasabi na siya... Ayoko kasing may kumalat na maling balita sa akin," "Bakit naman? Di ka ba sanay sa chismis?" Hindi ko mawari kung ano ang sasabihin. Sa huli, umamin ako. "May nakaraan ako tungkol sa ganyang bagay. At hindi pa rin magaling sugat ko doon," "OA mo ha," Gusto kong umirap sa inis. Making fun of someone's trauma and making light of it isn't it. Kung akala niyang cool siya sa sinabi niya, nagkakamali siya. Sa halip na sumagot, ibinabad ko na lang ang hawak na mop sa cleaning solution. "O siya, aalis na ako. Dumating na ang regular customer ko," Mabuti nga. "See ya!" Paalam niya bago tunggain ang isang shot ng alak mula sa dumaang waiter. Isang hilaw na ngiti ang binaling ko bago bumalik sa paglalampaso. She was nice and friendly I have to say. Hindi ko ba maintindihan sa sarili ko kung bakit ako nabubugnot. Is it because of the cafe? The customers? Or do I feel comfortable? Sa huli, wala akong naging sagot. Nagising na lamang ako sa iniisip nang may nabasag na wine glass. Mula sa aking kinatatayuan, natanaw ko ang isang lalaking nakabulagta sa gitna ng dance floor. Napauwang ang aking bibig at agad na rumesponde. "Excuse me!" Ani ko habang hinahawi ang tumpok ng mga tao. My voice drowned with the loud music. At habang natatangay ng animo'y dagat ng mga tao, ramdam ko ang mga nagbabagang katawan. "Patulong please!" Ani ko sa malapit na guest. Imbis na tumugon, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago umismid. "Excuse me! Patulong po pwede?" Again, it fell on deaf ears. Pinoproblema ko ang lalaking naka-lumpasay samantalang sila'y aliw na aliw. I heaved a sigh. Wala talagang tutulong? Isang minuto ang lumipas pero walang pagbabago. Nilukot ko ang manggas at sleeves at sinimulan itong tiklupin. Kinapitan ko ang lalaki sa dalawang paa at naghandang hilain, ngunit hindi ko pa ito tuluyang nauusog, nakaramdam ako ng kapit sa aking braso. "Rose! Hayaan mo na yan! May tao kami para dyan!" Bumungad sa akin si Mari na animo'y nasa huwisyo na. "Hahayaan niyo lang siya dito?" "Oo hayaan mo na!" Gamit ang kanyang lakas, pilit niya akong nilabas sa dance floor. Ako naman ay nagpatangay na lang. "—Magagalit mga customers pag nakita nilang pakalat kalat ka sa lugar nila," "Bakit naman?" "Some of them are influencers while others are socialites. Mababa tingin nila sayo dito," Kumunot ang aking noo bago hilain ang kamay. "Paano kung mastampede yung tao?" Napahilamos si Mari sa kanyang mukha. Ilang saglit siyang tumingin sa kaliwa't kanan bago ako hatakin sa isang sulok. "Look Rose, pasensya na at hindi kita naorient. But crimes happen here and someone dying or falling unconscious is the least of your concerns—" Sa nabanggit niya, hindi ko na napigilan maghimutok. "Teka anong crimes?" Tumango siya. "Believe it or not. Ang unang batas dito ay tumahimik ka," Sinenyas niya ang kamay sa bibig at umaktong zini-zipper ito. "Ayoko maging parte nito!" "Look Rose, napirmahan mo na. Wala kang magagawa para bawiin ang kontrata," "Mari... Wala kang nabanggit na ganito... kaya hindi mo ako masisisi kung bakit gusto ko na agad umalis," She sighed. "Yes...yes... Gets ko naman ikaw. Pero wag naman ngayon please. Kailangan namin ikaw. Plus mamaya pa dadating mga kahalili mo," "Magagawan mo paraan?" "I can talk to Madam. Pero... bigyan mo ako time," Marahan akong napatango. "Out of everything to say. Ito pa talaga ang nakalimutan mong banggitin," Hindi siya sumabat sa akin. "You know I'm wary of crimininal behavior," Medyo mahina ang huli kong sinabi. She shrugged her shoulders and smiled sheepishly. "It isn't too bad here... I mean, kung di ka mangingielam," Kahit anong apela niya, malabong maging panatag ako. "Who's those people? Are they...?" Bagama't hindi ko tinapos ang sinasabi, alam kong naintindihan niya ang pinapahiwatig ko. Palihim siyang sumulyap sa tinutukoy kong palapag. Napainom muna siya ng alak sa dumaang waiter at marahang tumango. Napabuntong hininga ako, pilit pa ring tinatanaw ang mga nagsasayawang panauhin. The two of us sat there in silence while the music kept pounding in our ears. Iniisip ko ang mga sinabi niya samantalang siya'y sinusukat ang reaksyon ko. Pakiwari kong may parte sa kanya ang nahihiya sapagkat siya ang nangumbinsing mamasukan ako dito. Madalas niya akong alukin ngunit madalas lumipad sa aking isipan ang paksa. "Mari... may tinatago ka ba sa akin?" Dala ng aking sinabi, agresibo siyang napabalikwas at napatunganga. "Anong sinasabi mo?" "Bakit mo ako pinilit dito?" "Anong pinilit? Hindi kita pinilit ha, wag mo akong niloloko Rose..." Napaangat ang gilid ng aking labi, at sa huli hindi ko na rin mapigilan ang mahinang pagtawa. "Binibiro lang kita, kinabahan ka naman," Imbis na sumabat, inirapan niya lang ako. Palihim akong napasulyap sa aking relos. Hindi naman siguro mahirap ang trabaho, kailangan ko lang palipasin ang oras. At gaya ng sabi niya, kailangan ko lang manahimik. That's what I do best. I've been a silent observer for too long. Maglinis ka lang. Umiwas ka lang. Gayahin ang dati—papabayaan ka nila. "Tell me about this place. I know the rumors were somewhat true. Pero... ano ba ang dapat kong tandaan?" Nilingon ako ni Mari, may galak at gulat sa likod ng kanyang mata. "You're seriously reconsidering?" Tumango ako, bagama't may pagaalinlangan. "Wala kang dapat ikabahala maliban sa mga lasing. Di ka naman magseserve ng drinks o mageentertain. Wag mong isipin masyado ang mangyayari," "Alam ko naman yon, naninigurado lang..." Ilang segundo akong natigilan bago muling magsalita. "Paano yung mga krimeng nabanggit mo?" "Everything here is legal. Except for external negotiations and underground work made by guests. Minsan di mo iyon maiiwasan sa kahit anong establisyemento. You can choose clients, but you're bound to get bad ones too," Maya-maya'y nginuso niya ang ikalawang palapag. "But one thing I can relay is that you need to be wary of that man...Yung naka-phantom mask..." Sa narinig, bigla akong napatuwid ng tayo. "Anong meron?" "—pinuno siya sa pinakailalim," "Pinaka-ilalim?" Inirapan niya ako bago bulungan. "Underground organization," Bahagya akong napasinghap. "Pero teka...hindi ba delikado? Paano kung sangkot sila sa dr*ga?" "Rose...kaya nga sinabi ko sayo magingat ka sa kanya. Nasa ibang caliber ang kapangyarihan nila. No one knows. Kakaunting info kaya delikado. And I doubt that their illegal activities would be found out. May nakita ka nga ditong politiko diba?" Hindi ako naka-imik. Tama siya. Wala ng imposible ngayon pagdating sa pera. Napamasid uli ako sa lalaking pinaguusapan namin at saktong nagkatagpuan ko ang kanyang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD