29
White ceilings, busy corridors, and the smell of disinfectants. Iyon ang bumungad sa akin pagpasok ko sa medical center kung saan naka-admit si Alex hanggang ngayon.
"Rose, I appreciate your presence as always," Nginitian ako ng nanay ni Alex bago haplusin ang aking buhok. "Simula mangyari ito sa anak ko...h-hindi mo nakalimutan bumisita,"
I returned the gesture. Hinaplos ko rin ang kamay. "Tita, wag po kayong mahiya. Atsaka, nandito lang po ako—mananatili palagi sa tabi niyo hanggang sa magising si Alex,"
Bahagya siyang natigilan sa aking sinabi. Puno ng lungkot ang kanyang mata at parang kaunting untag na lamang, bibigay na ang kanyang luha. "But Rose...it has been years. Sa tingin mo ba kapag nagising ang anak ko, gugustihin niya pang mabuhay?"
Napalunok ako sa sarili. "A-ano pong gusto niyo sabihin?"
Kinakabahan ako sa narinig. Parang may gusto siyang iparating na hindi niya rin maiulat. Somehow, I got her point. She was slowly losing hope for her only son. Ayokong isipin na ganoon na nga ang realidad.
"I-I would—"
Agad ko siyang punutol. Ayoko marinig ang susunod niyang sasabihin. "Palagi tayong maging positibo. Magigising siya," Sinalubong ko ang kanyang mata. "Malay niyo po ngayong papalapit na pasko, pagbibigyan niya tayo,"
Imbis na sagutin ako, binigyan niya lang ako ng makahulugang ngiti, bagay na ikinabahala ko.
Ilang oras akong nagantay sa labas ng ICU room ni Alex. Bagamat pwedeng pwede ako pumasok sa loob, parang hindi ko ata kakayanin na makita siyang nakahiga pa rin, walang malay at kamuang-muang sa nangyayari sa kanyang kapaligiran.
I want to tell him many things. Gaya ng 'I miss you' at 'Thank you'... I want to say thank you for helping me get through those hard days. Matagal ko na gusto iparamdam sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat sa saglit na oras na iyon. At linggid sa aking kaalaman na aagawin siya sa akin nang wala pa akong napapatunayan bilang kaibigan.
Isa-isang nagsibagsakan ang luha sa aking pisngi. Walang kahit sino man ang nakakaalam na may malaking parte ako kung bakit siya nagkaganito. Hindi iyon alam ng kahit sino. At araw-araw akong nilalamon ng pagkakasala ko.
Hinapit ko ang hawak na bulaklak, at malamya itong iniwan sa harap ng pintuan, like what I always do.
Saglit ko siyang sinilip mula sa aking kinaroroonan at hinawakan ang salaming namamagitan sa aming dalawa.
"Babalik ako Alex, gising ka na," Pabulong kong sabi bago umalis.
Hindi na ako nagpaalam kay Tita. Tuwing makikita ko ang malungkot niyang mukha, parang gusto ko saksakin ang sarili.
_____
Matapos kong pumunta sa hospital, buong magdamag naman akong nanatili sa simbahan. I've been a religious person since I can remember. Sa pananampalataya ako kumukuha ng lakas. Lakas para mabuhay, lakas para magpatuloy. Habang may misa, paminsan-minsan napapasulyap ako sa hilera ng mga madre.
I can't help but think of Mother Elena, and my friends.
Hope orphanage, minsan ko na silang hinanap.
Naisipan ko sanang dumalaw sa bahay-ampunan, at makibalita sa kasalukuyang kinalalagyan ng mga kaibigan ko. Kung nasaan na sila...at kung nakamit na ba nila ang kanilang mga pangarap. Ngunit, imbis na masayang balita ang bumungad sa akin, nagulantang ako nang malamang matagal na itong napasarado.
Karamihan sa aming mga ulila ay may kinikimkim ng mga sikreto. Mga sikretong masakit at mahapdi. Mga lihim na mahirap ungkatin.
Some were asaulted, some were beaten to death... And I was one of them. One of those children. Bleeding. With excess pain to carry.
Hanngang ngayon, hindi naman ako gumaling sa trauma ng nakaraan. Hanggang ngayon, wala namang bumuo sa akin, kundi ang sarili ko lang din.
"Kailan ko kaya makukuha ang dapat sa akin?" Mapait akong nanalangin. Kasalanan ito, kasalanan ang manisi ngunit kahit kailan wala akong nagawang masama.
I wanted to come home, but I couldn't. Walang araw na hindi ko naisip ang umuwi, sa tahanang akala ko matatawag kong akin.
Matagal na akong pinagbawalan ni Papa bisitahin si mama. He said she was already insane, already hard to talk to. But I didn't care. Alam na alam ko kung paano tratuhing baliw. Sa eskwelahan walang naniniwala sa akin sa mga sinasabi at sinusumbong ko. They treated me like I was unable to express myself. And so, I just learned to embrace what they thought of me.
Alam ko sa sariling may parte din dito si mama. Kung hindi siya nagmahal ng tulad ni papa, baka maganda pa ang buhay niya.
Hindi ako tulad niya. Kung magmamahal ako, hindi tulad ni papa...
_____
NAGAAYOS ng kilay si Mari nang sa harap ng aking maliit na salamin. Laging ganito ang kanyang gora tuwing dadatnan ko siya, namumutok na labi, makapal na kilay, mahahabang pilik mata at ang flashy niyang kasuotan. Kaso hindi pangkaraniwang araw ngayon dahil tulad ko, nasira ang kanyang pumps.
Minsan naiisip ko kung bakit halos parehas kami ng kapalaran. Kung minsan magkakatrangkaso siya, gayundin ako. Kapag naman nawalan siya ng tubig sa bahay, tyempo na ganon din sa akin. Ngayon naulit na naman ang pangyayari. Wala siyang choice kundi manghiram sa akin ng gamit kong pumps, ang malungkot nga lang ay pareho kaming nangangailangan.
"Wala talaga akong maipapahiram sayo Mari baka kay Nena meron,"
Bahagya niya akong nilingon. "Wala ka talagang kwenta naku, kailan ka ba kasi gagastos para sa sarili mo. Mas kawawa pa itsura ng sapatos mo kaysa sa akin,"
Napasilip tuloy ako sa natutuklap kong pumps, at agad nakaramdam ng hiya. Nakita kaya ng boss ko?
Kahit papaano, ayoko magmukhang kaawa-awa. She was paying me a nice sum of money. Pasok sa minimum wage, and yet, tinitipid ko ang sarili.
"Tell me, mayaman naman kayo. Manghingi ka lang pera sa step mother mo at masosolve na lahat ng..." Iminuwestra niya ang kamay sa kabuuan ng aking silid. "—itong nakakalungkot mong flat,"
"Mas nakakalungkot ang sayo," Ani ko sa kanya bago kunin ang inaabot niyang pumps. "Di bale pupunta rin naman ako sa sapatero, papagawa ko na lang rin ang iyo,"
"Pero anyway...keri naman na magflat shoes muna ako, kaso di muna ako kukuha customers,"
"Anong koneksyon ng heels sa pagkuha ng customers?"
Tinignan niya ako ng may simangot sa mukha. "Aba! Mga foreigners ang madalasan kong kliyente. At medyo wala kang appeal kung di ka matangkad. Ikaw. Pasalamat ka at pasok height mo sa mga modelling agency,"
Nagbuntong hininga ako. "Tigilan mo ako Mar. Kung ako papipiliin mas gusto ko maging cute ang height ko,"
Inirapan niya ako. "Ewan ko ba sa ating dalawa," Nagpatuloy siya sa pagkikilay, kahit nakailang tapyas na siya ng mga kalat na buhok.
"Bakit kaya gustong-gusto natin ang mga bagay na hindi sa atin?"
Hindi ako sumagot. Dahil miski ako, tinatanong ko yan sa sarili.
"Nga pala, Rose. Yung offer. Wag mo sanang kalimutan,"
Nananabik kong iniwas ang paksa. "Wag mo akong dinadaan sa usapan,"
"Rose naman! Magisip ka nga at maging praktikal! Mas malaki kita dito kaysa sa pinagmamalaki mong coffee shop. Besides, alam kong nagiipon ka ng pera para pambili mo ng laptop in case magcocollege ka na,"
"Pero hindi sa gaanong paraan,"
"Alam mo church girl. Napakaconservative mo. Hindi ko naman sinabing bumukaka ka don at makipagusap sa mga lalaki. What I'm saying is...tumulong ka maglinis sa impyernong lugar na iyon,"
I didn't respond for a while. Kahit nakaka-tempt ang kanyang offer, nandon pa rin ang kaba sa akin. I mean, the place is infested with males. And I am traumatized by them, especially males who can't understand the word 'No'.
Men who abuse women...Men who just don't know the word consent.
Man hater na kaya ako? Hindi naman siguro... sadyang natatakot lang akong makisalamuha kung kani-kanino.
Hanga nga ako kay Mari at natatagalan niyang magtrabaho sa high-elite bar kung saan bali-balitang dinadayo ng kung sino-sinong mga sindikato at corrupt na opisyales. Chismis lang, pero alam ko namang may basehan ang mga chismis.
"I can't. Natatakot ako,"
"Hindi ka naman magsusuot ng pangsexy. Kahit magslacks ka lang at polo, ayos na. Takpan mo na lang mukha mo kung ayaw mo mabastos,"
Sumimangot ako. "You mean magmask?"
"Oo, why not? Atsaka I swear malaki payout dito. Di ka magsisisi. Kaya nga lang nabuksan ang posisyon dahil nabuntis ang cleaner don. Ang swerte nga at nakajackpot siya sa isang milyonaryo,"
"Pero kung malaki ang sahuran...paniguradong maraming tao ang magaapply, don't you think that I will be waitlisted?"
Iniling niya ang ulo. "Wag kang mag-alala. Mas gusto nila ang mga konserbatibong mga babae, para di magaya sa last cleaner nila. Natrauma rin si Madam Juls dahil sa pangyayari. Muntik na ngang magka-kasuhan dahil ang sabi'y nalasing lang yung mayamang lalaki, sinulot naman nung babaitang iyon,"
Sa wakas natapos din siya sa pagkikilay.
"—Sabi mga nila, when the opportunity presents itself, grab it. Kaya ikaw kunin mo na at wag ka ng magaalala. Madre-madre ka dyan, matagal ka ng iniwan ng mother mong iyon,"
Malumanay akong napasalampak sa aking kama. Minsan masakit din itong si Mari magsalita, ngunit pawang katotohanan lang naman ang sinasabi niya. Kung malandi ka, o kaya naman ay tamad, harap-harapan niyang sasabihin sa iyo ng walang pakundangan. Kung ayaw ka niya, ipaparanas niya sa iyo kung paano ka niya kinamumuhian. Ito ang dahilan kung bakit ko siya kaibigan.
After everything that happened, I would prefer someone who was honest with me. Malaking red flag pala ipagsiksikan ang sarili sa lugar na hindi ka naman nababagay. Iyon ang maling pagkakamali ko nang bata pa ako.
Malaking character development ang pagtanggap kong hindi lahat ng tao ay magugustuhan ako.
"So...what's your decision?"
"Bukas, babalitaan kita,"
Isa-isa niyang sinupot ang dalang makeup at ang aking doll shoes. "Bilisan mo magdesisyon dahil baka nga maunahan ka. Magaling ka maglinis alam kong malilinis mo yung nakakasurang amoy ng sigarilyo na dumikit sa mga dingding,"
Nginitian ko siya. "Oo na, huwag kang magaalala. Sasabihin ko naman sayo agad,"
Nginitian niya ako ng huling sandali bago magpaalam. Madalas kaming magbeso-beso kaso asahan mo nang kapag nakamakeup na siya, hinding hindi ka na niya lalapitan.
Katulad ng sinabi ko sa kanya, pagiisipan ko talaga ang alok niya.
Nang sumunod na araw, buong magdamag ata akong natutulala sa gitna ng aking trabaho. I was weighing the pros and cons. Nagising lang ako sa aking pagmumuni-muni nang makarinig ako ng hiyawan sa loob ng coffee shop. Nagulantang akong naki-singgit sa eksena at nang makarating, nabigla ako sa sumunod na pangyayari.
Marahas sa aking binuhos ang kape ng isang matandang babae, at base sa kanyang mga burloloy sa katawan, nahinuha kong siya ang tipikal na taong nagyayaman-yamanan.
"Bakit may nuts ang kape ko! Alam mo bang allergic ako!? Nakakahiya sa mga amiga ko at ito ang klase ng serbisyo mo!"
"Pero mam, wala po kayong nabanggit na allerg—"
"Nasan ang manager mo!"
Sinupil ko ang aking labi. Customers are always right. Yan ang mantra ko dito sa loob ng coffee shop kung kaya't tumagal din ako dito kahit minsan nakaka-baliw maging cashier, cleaner at barista at the same time.
Times like this made me wonder, made me think.
Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang apron at marahas iyong binato sa kanya.
"Matagal ka na ring umoorder ng hazelnut coffee and all of a sudden ayaw mo ng nuts? Wala kang binabanggit na allergy o ipatanggal. Hindi ako mind-reader at higit sa lahat—" Tinignan ko siya kasama ang kanyang mga soscialite friends. "Hindi ako feeling social climber at sinunggaling,"
Kung hindi pa ata ako magigising ng kanyang maligamgam na kape, baka hindi ko na mga kinonsidera ang alok ni Mari. Baka tuluyan na akong nabulok dito sa paulit-ulit na cycle sa aking trabaho.
Nang umalis ako sa coffee shop ng walang paalam para akong nakahinga ng malalim. Hindi ako rebelde o pala absent. Masipag ako pero sagad-sagaran na ito.
There's so much I can only take. In the end, I finally agreed to the offer.
When night came, as I held the paper in my hand, minasdan ko ang dagat ng tao sa labas ng sikat na bar sa gitna ng main city. Kung ang ibang bar ay animo'y amoy pawis, ito naman ay kabaliktaran. This place was a rave.
Everything smelled rich.
Blinding lights streaming in multiple colors, loud, booming music, and of course, ang namumukadkad at mga yayamaning sasakyan na ginawang showroom ang parking lot—lahat ng ito ay nahihirapan kong unawain. Naiintindihan ko na ang sinabi ni Mari na walang papansin sa akin dito. Unang una, nakakaakit nga naman ang mga babae dito. Ikalawa, mukha akong katulong ng isa sa mga bisita dito.
Ang instruksyon sa akin ni Mari ay dumaan sa likuran ng bar kung saan makikita ang employee's entrance. Doon, may nakastation na table ng isa sa mga floor manager.
Nilakad ko ang daan patungo sa likod. Sa isang gilid, may dalawang magpartner ang naghahalikan. Maya-maya halos atakihin ako sa puso nang sinimulan ng hubaran ng lalaki ang kahalikan niyang babae.
Dali-dali kong iniwas ang tingin at nagmamadaling pumunta sa employee's entrance and exit. May kalakihan ang building ng bar, kaya naman ang ilang minuto lang dapat na lakad ay animo'y aabutin ng kalahating oras.
Habang tinatahak ang daan, hindi lang isa ang nakita kong naghahalikan. May iba ngang gumagawa ng milagro.
Sa katunayan niyan ay gusto ko ng umatras, ngunit kung aatras ako, wala rin namang magbabago. I still had to witness the s****l tension in here. At hindi na iyon mabubura sa aking alaala.
I was innocent and naive, I knew that. Pero minsan sa ganitong pagkakataon, mapapalabag ka na lang sa iyong mga moral at prinsipyo. Like what I thought before, Mother Elena isn't here, Dianna isn't here. Father as well.
Sino pa ba ang pipigil at gagabay sa akin kung ang tadhana'y pinipilit akong pinapasok sa ganitong mundo?
Mula sa distansya, nagsihiyawan ang mga tao dahilan para mapahinto ako.
May isang itim na Bugatti ang bumungad sa malawak na freeway patungo sa VIP parking lot ng elite bar. Halos mabingi ako sa hiyawan at tilian, kaya imbis na magtagal sa labasan, naglakas loob na akong lumapit sa backdoor kung saan may bouncer na naka-abang.