Kabanata 28: Unang Kabanata

2504 Words
28 "Miss, baka naman pwede ka mamaya? Do you have time?" Nagbungisngisan ang mga kasamahan ng lalaking customer na kaharap ko ngayon. Kalmado kong inabot sa kanya ang kape niya, nagpapanggap na wala akong naririnig. Malamya niyang hinaplos ang aking kamay nang abutin niya ang kape, at halos matupanan ko ang sarili sa gulat. "Wag kang kabahan, baka masaktan ka," Ani ng lalaki bago ako kindatan. Kumabog ang dibdib ko, lalo na nang di pa rin naalis ang hawak niya sa akin. Pilit kong inagaw ang kamay ko sa kanya, ngunit mas lalo niya akong hinapit. "Hoy! Wag mo ngang tinatakot ang mga empleyado ko! Umalis ka dito! Layas!" Nagulantang ang lalaki nang suminggit ang boss kong si Mam Vivien. Hindi na sila naka-porma pa sa halip ay nagmamadali silang nag-silayasan. Kilala si Mam Vivien sa pagiging bungangera kahit sabihin na nating may pagkaya ang ginang. Binalingan ko si Mam Vivien ng matipid na ngiti bago ako bumalik sa trabaho. "Ikaw nga, Rose. Wag kang matakot kapag binulabog ka na naman nila. Naku! Palagi na lang to everytime may bagong customer eh ginugulo ka...eh di ko naman din maitatanggi, maganda rin sa business ko," Sinupil ko ang ngising gusto tumakas sa aking mukha. Dahil nga kilala ako dito, lalo na ng mga kalalakihan, pilit kong ginagawang blangko ang ekspresyon ko. Mas gusto ko nang isipin nilang masungit ako kaysa naman tratuhin ako ng basta-basta lang. "Okay lang po, mam. Hanggang dito lang naman sila," "Eh mabuti kung ganun. Nag-aalala ako sayo. Ang ganda ganda mo pa naman tas kung sino sino lang magtatangka sayo manligaw. Naku! Ako nagsasabi sayo, Rose. Kung ganyan mukha ko, mangingibang bansa ako at doon maghahanap," Ani ng boss ko, nakapamewang, habang ako naman ay abala sa pag-roroast ng coffee beans. Tipid na lamang akong ngumiti sa kanya. "Nga pala. Bakit mo ako hinihingian day off? May gagawin ka ba?" Bigla akong natigil sa ginagawa. Hinarap ko ang aking employer, bago kagatin ang loob ng aking pisngi. Nagdadalawang isip ako kung papayagan niya ako o hindi. Pero malaking bahagi naman sa akin ang naniniwala na mapagbibigyan niya ako. Sa talang ng buhay ko, ngayon lang ako nanghingi ng day off, pero kahit ganun ang kaso, kabado pa rin ako. "M-may bibisitahin sana ako mam sa hospital," "Eh sino ba yan?" "Dalawa sila," Ani ko sa kanya. "—mahalagang tao sa buhay ko," "A-ahh ganun ba...sige lang hija. Papayagan naman kita sa kahit anong rason. Antagal mo na sa akin nagtrabaho at never kang pumalya sa gawa mo," Bahagya siyang natigil para huminga, hindi ko tuloy mapigilan ngumiti. "Nacucurious lang naman ako dahil hindi ka naman nanghihingi ng day off. Miski Christmas eh available ka lagi," Ang ngiti kanina sa mukha ko ay unti-unting napawi. Tuwing maaalala ko ang malulungkot kong karanasan tuwing pasko, para akong nanlulumo sa mga nasayang na oras. "Wala naman po kasi akong masyadong bisita tuwing pasko," Pag-amin ko sa kanya, bagamat lagi na niya itong naririnig sa akin. "Nasan ba pamilya mo? Hanggang ngayon wala akong kaalam-alam sayo," Gusto ko rin itanong yan sa sarili ko. Nasaan na nga ba pamilya ko. It's not like Liezel treats me as her own. Step-mother ko siya, pero si mama Evangeline ang kinikilala kong ina. Saglit lamang kaming nagsama pero minahal ko siya sa panandaliang iyon. "Busy po sila trabaho. Mahirap ng kumayod kaya kahit holiday, mas gusto ko na lang rin sana magtrabaho," Tumango sa akin si madam, datapwat may pagtatanong pa rin sa kanyang mata. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Dahil malapit na rin ang pasko, hindi niya siguro mapigilan na usisain pa ako. "Sige Rose...pero lagi ko naman sinasabi sayo. Welcome ka sa Christmas party namin. Magsabi ka lang at wag mahiya. Alright?" "Sige mam, salamat po," Baling ko sa kanya, kahit pang-ilang beses na niya itong alok sa akin. Winasiwas niya ang kamay. "O siya, magsara ka na lang ng maaga para bukas may lakas ka," "Pero mam—" "Wag ka ng mahiya. Minsan ka nga lang nanghingi sa akin pabor," Tumango ako. "S-sige po mam," Nahihiya kong ani sa kanya. Hindi ko alam kung narinig niya ba ako dahil kasabayan ng pagsasalita ko ay ang pagpasok ng mga kaibigan niya sa munting bakery at coffee shop na pinagtata-trabauhan ko. "Mare! Naku may bago akong rendition ng milk bans!" Bungad ng boss ko sa mga ka-amiga niyang nagsipasukan. Nang makalayo-layo si madam, tsaka lamang ako nakakilos ulit. Pinokus ko ang sarili sa ginagawa ko. Mamaya-maya ay paniguradong sandamakmak na cupcakes at crinkles na naman ang iiuwi ng mga kaibigan ni madam kaya dapat mabilis ko itong matapos. "Rose! Alam mo na yung order," "Opo," Baling ko bago muling hugasan ang aking kamay. Kadalasan ay gabi kami nagsasarado, mga bandang alas-otso y media, ngunit dahil pinilit ako ni Mam Vivien magsarado ng maaga, wala na rin akong nagawa kundi ang magpasalamat sa kanya at tumugon sa request niya. Kaya pagpatak ng takdang oras, sinarado ko ang shop ng dapit hapon. Base sa aking alaala ay strikto kami pagdating sa closing time, kaya paniguradong maraming magtataka kung bakit ang aga namin nagsara. But for today, hindi ko muna iyon iisipin. I needed rest as well. Kaninang umaga ay nag-asikaso ako ng aking requirements para sa college, at tanghali naman, nagpaka-sasa ako sa coffeeshop. Pagkalabas ko, agad akong sinalubong ng malamig na hangin bagama't hapon pa lamang. Tag-lamig na kasi ngayon at panay ang pag-ulan. Matagal ko ng alam ang kalagayan ng klima ngunit di ko ba alam sa sarili kung bakit ko pa kinalimutan magdala ng payong gayong napapadalas ang makulimlim na kalangitan. Tinignan ko ang relos ko. Good thing, I wasn't late yet. May bus pa ng ganitong oras. Pumunta ako sa bus terminal, at doon nag-antay. Ilang saglit lamang, dumating na rin ang bus. Sumakay ako at pumunta sa bandang dulo kung saan ako madalas dumungaw sa bintana. Gaya ng dati, nakakaramdam ako ng iilang titig mula sa ibang mga tao. I just chose to ignore them. Work wasn't tiring at all. Sa totoo lang, napakaswerte ko na sa pinasukan kong trabaho sa coffee shop ni mam Vivien. I think it's about 4 years ago, since I started working for her. At grade 8 9 ako ng mga panahong iyon. The day she found me, loosely hanging around the streets, hindi mapigilan ni mam ang maantig sa itsura ko. I was miserable at that time. Aaminin kong di ko naman kaya labanan ng basta basta ang mga nambubully sa akin noon, isama pa ang problema ko sa bahay patungkol kay Liezel. Matapos niyang malaman na matagal na palang nasa hospital si mama, at halos hindi na ito matino mag-isip, hindi man lang siya nahiya pumasok sa eksena at palayasin ako sa sarili naming pamamahay. Of course, papa was in London, blindly looking for Damian, kaya hindi niya alam ang nangyari sa akin. Wala rin naman akong lakas magsumbong, but maybe this year, he would know since he would be returning after his futile attempt on retrieving Damian. Hindi ko ba alam sa mga tao. Sinubukan ko namang sabihin sa kanila kung nasaan si kuya pero walang naniniwala. Isa pa, wala akong ebidensya na magpapatunay sa sinabi ko. In a way, my big brother was still one step ahead of me. Kung makikinig lang sana si papa. Baka naiwasan pa itong lahat. Napabuntong hininga ako. Papa was nicer as compared to Liezel and mama. He was supportive of everything I do. Willing to give and spend all his luxury on me. Dumating pa nga sa puntong, naniniwala akong mas mahal niya ako kaysa kay Damian. I knew it was stupid to think that way, pero yun ang nararamdaman ko. Although he was a good dad to me...hindi ko pa rin makakalimutan ang nasaksihan ko dati. Ang ginawa niyang pambubugbog kay mama. Hanggang ngayon naniniwala akong may kinalaman din siya kung bakit ganoon na ang pag-iisip ni mama Evangeline. Every night I would hear them fighting. At sa isang iglap, ang sigawan ay matitigil. I know he was hitting her, that's why, I never wanted to mess with him, nor tell him what I know. Kaya naniniwala akong matagal na akong magisa, bago pa ako maampon, siguro nga nang isinilang pa ako—I was cursed to be alone. Being alone, made me feel powerless and hopeless. Si Alex ang dati kong pag-asa at lakas tuwing papasok, pero lahat ng iyon ay nawala sa isang gabi lamang. Kinagat ko ang aking kuko at muling ipinokus ang sarili sa labas na eksena, pero kahit anong pilit kong kalimutan ang nakaraan. Nasasaktan pa rin ako ng sobra. A girl like me did dream once. Akala ko magiging perpekto na ang buhay ko, pero laking pagkakamali ko dahil nangarap agad ako. "Tignan mo. Chicks. Tabihan mo nga," At least 3 foot away from me, dalawang lalaking estudyante ang narinig kong nagbubulungan. Hindi ko alam kung bulungan nga ba dahil mukhang sinasadya pa nilang marinig ko. Ito lang ang di ko maintindihan minsan. Bago pa ako malapitan ng lalaking naka-uniform. Tumayo na ako sa silya at tinangkang lumipat ng upuan, pero di pa ako tuluyang nakakalagpas sa kanila ay bigla akong hinarang sa gitna ng kasamahan niyang lalaki. "Hi!" He opened up, na parang wala lang. "Pwede ba umalis kayo," "Ano pangalan mo miss?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo ba ako naririnig? Sinabing umalis ka sa dadaanan ko," Kahit dalawa silang kalalakihan, wala akong takot na banggain silang dalawa. Nilagpasan ko sila at nasanggi ang kanilang mga balikat. I continued walking amidst the narrow bus corridor, bago ako umupo katabi ng isang matanda. Iilan lang kami na nasa loob, halos pito lang kasama ang nagtiticket. Minata ako ng ticket man. Alam kong napansin niya ang kaguluhan kanina kaya umaasa akong pagsasabihan niya ako. Lumapit siya sa akin. Hinanda ko agad ang pera ko ngunit laking gulat ko nang pigilan niya ako. "Miss wag na, ako na bahala sa bayad mo," "Hindi na kuya...tanggapin mo na," "Wag na," Tawa niya bago ako abutan ng ticket. Panandalian niya akong pinasadahan ng tingin bago umupo sa katapat naming hilera ng upuan. Hindi ko na siya nginitian pa o tinignan. Pilit ko na lang iniwas ang tingin sa kanya. Buong biyahe, ramdam ko ang paminsan-minsan niyang sulyap, kaya imbis pahalata ang pagka-ilang ko. Mas lalo kong hinapit ang aking bag habang nagbibilang ng segundo sa isipan. Dalawang oras makalipas, dala ng sobrang traffic, dumating na kami sa Paradiso terminal kung saan din ako bumaba. Ilang metro pa ang lalakarin ko para makapasok sa barangay namin kaya nagmamadali din akong kumilos. Madilim na rin kasi at ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang maglakad tuwing gabi. Maraming tambay kasi at alam kong tinatarget ng mga magnanakaw ang mga tulad kong galing sa trabaho. Pagbaba ko ng bus, laking gulat ko nang makitang nagsibabaan din ang dalawamg estudyanteng nanghaharass sa akin kanina. Despite my heart pounding in fear, I tried calming my mind. Hindi ko naman kasi inaasahan na dito rin sila bababa. Kung alam ko lang, di na sana ako nagsalita. "Miss ang sungit mo naman kanina," Nagpatuloy ako sa paglalakad, kinakalma ang sarili. My hands were sweaty by now. Binilisan ko ang lakad and to my surprise, they also did the same. "Kinakausap ka namin miss. Di mo ba alam na pinahiya mo kami?" Kumabog ang aking dibdib sa kanilang sinabi. "Pasensya na! Mainit ulo ko at may pupuntahan pa ako," Paumanhin ko habang luminga-linga sa kapaligiran, kaso kahit anong paglingap ko, wala akong makitang tao maliban sa amin. Alam kong nahalata iyon ng dalawang binata. "Hey. Kung di ka titigil at makikipagusap sa amin...baka ano magawa namin sayo," Hindi ko alam kung may laman ba ang kanilang banta pero hindi ako magbabakasakali. Imbis na balingan sila, pinili ko na lang ang maging ligtas. Dali-dali akong tumakbo palayo sa kanila. "You can't run! Mabilis kami tumakbo!" Panakot ng lalaking nagtangkang humarang sa akin, habang ang kasama niya'y bahagya pang natatawa. Bagamat sanay na ako sa ganitong setup at pangyayari. Hindi pa rin mawala ang kaba sa akin. Malapit na ako sa tinatayong subdivision, at oras na malagpasan ko ito, makakapunta na ako sa barangay namin. Konting tiis na lang. Habang patuloy akong tumatakbo, natapilok ako matapos magkamali ng hakbang. Tinignan ko ang aking sapatos na dalawang pulgada ang laki bago mangapang tumayo. Just turn to the left corner, and you'll be okay. Just turn and run...you will lose them. Kaya mo yan. Pagpapakalma ko sa sarili bago lumiko sa kaliwang kanto. Matapos ko lagpasan ang inaabangang kanto, tuluyan akong nakahinga ng maluwag, nakaka-siguradong wala na sila, gaya ng dating mga nangyari. Hindi kalayuan sa akin, natanaw ko na rin ang tindahan ni Aling Marimar. Alam kong delikado kapag madilim na, lalo na sa mga babaeng tulad ko na madalas kung pagtripan ng kung sino-sinong lalaki—pero minsan, pakiramdam kong ligtas din ako tuwing kinagabihan. Hinihingal kong tinanggal ang sapatos at ininspeksyon iyon. Nakakatatlong sapatos na akong nasisira, at lahat yon nabili ko lang sa murang halaga. Siguro pagdating ni papa, tsaka ko lang gagastusin ang ibinigay niyang ATM card sa akin. Bibili ako ng maganda at quality na para sa susunod na pangyayari, hindi na ako madadapa. Although I don't want that to happen again, maganda ng handa ako. Muli kong tinignan ang malungkot na kalye sa gitna ng mga walang laman na kabahayan, kinukumpirma kung talaga bang wala na sila. They're gone, like always... I heaved a sigh. Ilang beses na itong nangyari sa akin. Laking pasasalamat ko at kahit kailan hindi ako napapahamak. Naglakad ako patungo sa looban ng barangay. May mga sumisitsit sa aking tambay ngunit di tulad ng iba, hanggang tingin lang sila at hindi naman ako sobrang tinatakot. Nang makarating ako sa maliit kong apartment. Agad akong sumalampak sa aking kama. Today was one of those instances. Instances that make me question sometimes. Nilingon ko ang aking dresser at kinuha ang hospital records ng tunay kong ama. My fingers traced the paper. This was my gateway and salvation. The answer if in case he comes back. May parte sa akin ang natatakot, dahil hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam kung nasaan si kuya. Hindi ko mapigilan kabahan kung nandyan lang ba siya. Naka-aligid sa tabi-tabi. Pero malaki ang hinala kong nandyan nga lang siya, nakamasid sa akin. Simula elementarya hanggang high school. Lahat ng lalaking nagtangkang kaibiganin ako gaya ni Alex ay napapahamak. I know that it isn't coincidence. At kahit sabihin ko pa ito sa iba, alam kong walang maniniwala. Oras na bumalik si kuya, ipagtatapat ko sa kanya ang aking hinala. Bagamat matagal niya sa aking tinatanggi na hindi niya ako kapatid, may parte sa akin ang tinataliwas siya. Kung dumating man sa punto na napatunayan kong hindi nga kami magkapatid, hindi ko alam ang gagawin. Naniniwala kasi akong titigilan niya ako kung magkapatid kami...pero kung hindi...wala talaga akong susunod na plano. For now, I am blindly hoping to find my own family... Hoping to be treated like his sister for once...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD