Author's note:
This is the edited version, inunpublish ko yung unang chapter naisulat ko dito dahil nagkamali ako ng post.
___
27
Bago pa ako makasagot, nabitawan ko ang aking cellphone sa gulat.
Paano?
Nang makarekober ako ng ilang saglit. Dali-dali akong lumuhod at pinulot ito mula sa sahig. Hindi ko na pinansin ang mga bubog gawa ng ring light, dahil isa lamang ang nasa isip ko ngayon.
"P-paano...nasan ka?" Sa gilid ng aking mata, minasdan ko ang bawat sulok ng madilim na fitting room. "Nasan ka k-kuya..."
Nilingon ko ang aking kapaligiran. Tanging kadiliman lang ang sumalubong sa akin kaya mas lalo kong hinapit sa sarili ang cellphone. Nandito ba siya? Imposible...paano nangyari iyon?...
"Paano mo nalaman na c-contest ngayon...Nasan ka..." Nahihirapan akong huminga habang nililinga ang mata. Sobrang napapraning ako kakamasid sa kapaligiran. Pakiramdam ko ay bigla-bigla na lang siyang susulpot.
Nadinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya. "I'd be here for you...now that you don't have a partner..."
Napasinghap ako ng malakas. Bago pa ako tuluyang mapa-sigaw sa sobrang poot, dala ng aking hinala patungkol kay kuya at kung ano ang nangyari kay Alex, biglang bumukas ang ilaw. At ang bulto ni teacher Hyacinth ang nasilayan ko.
"A-a-anong ginawa mo sa sarili mo!?"
Mabilis ang kanyang yabag, ilang saglit ay tinawid niya ang daan patungo sa akin. Akala ko ay pagsasabihan niya lamang ako ngunit isang marahas na sampal ang natanggap ko. Nanlalaking mata ko siya tinignan.
"Ngayong wala si Alexander! Ayusin mo ang sarili mo!"
Humugot siya ng malalim na hinga, na animo'y hirap na hirap unawain ang itsura ko. Maraming bugbog ang nagkalat, kulay pula ako na parang binahiran ng dugo at sira na ang kasuotan ko. Hindi ko siya masisisi.
"Ano ang gagawin natin!? Malapit na ang talent portion!"
Kung normal lang ito na araw, mananatili akong walang imik. Kaso nandito ang isang taong dahilan kung bakit ako nabubulabog.
"N-nakita mo si kuya?" Wika ko sa aking guro, tuluyan ng kinalimutan ang aking galang.
"Ano!?"
Tuluyang nagsitakasan ang luha sa aking mukha. "Nandito si kuya Damian! Hanapin niyo siya! A-ayaw niya akong tigilan! S-siya rin may kasalanan kay Alex! Kailangan mo maniwala sa akin teacher!"
Halata ang takot sa mata ni Mam Hyacinth. Napaisod siya ng kaunti lalo na nang pilit ko siyang abutin. Hinawi niya ang braso ko.
"W-what is happening to you!?"
"P-please..."
Kumalabog ang malakas na bass speaker. Pareho kaming napitlag ng dumagundong ang malakas na musika.
"We now introduce to you! The contestants of the Aphrodite contest!"
Muli akong nilingon ni mam Hyacinth. Humugot siya ng malalim na hininga bago ako hawakan sa balikat.
"Makinig ka sa akin! The walk...you are given the exception...pero wag na wag mong papahiyain ang klase sa talent portion!"
Hindi ako sumagot sa kanya bagkus nagpatuloy ang aking pagtangis. Sino ba ang nasa tamang isip na makakapag-perform ng ganito? Kung alam lang nila ang dinadanas ko!Kung alam lang nila...na kasalanan ko kung bakit naaksidente si Alex! Kung alam lang nila!
Umiling ako. "H-hindi...kumuha kayo ng iba! Hindi ko kaya!" Hahanapin ko siya. Hahanapin ko siya!
Walang kahit sino ang may karapatan galawin ang mga kaibigan ko! Lalo na si Alex!
"Ayusin mo ang sarili mo Rose! Hindi mo ako pwedeng ipahiya sa principal! Kakaladkarin kita doon sa stage sa ayaw at gusto mo!"
Nilamutak niya ang pintura sa aking gown at mas lalo iyon kinalat sa ibang parte ng aking kasuotan. "Sabihin nating c-costume mo to...Oo! Costume!"
Hinawakan niya ng isang kamay ang aking pisngi. Alam kong kalat na ang aking mascara at lipstick, ngunit mas lalo niya iyong ginulo.
"Kahit ayaw mo, sinasabi ko sayo...I will do everything in my power so that you can perform on that stage!"
Kumuha rin ako ng pintura sa aking kamay at marahas iyong pinunas sa kanyang mukha. Kung dudungisan niya ako, dudungisan ko rin siya...kung ayaw niyang makinig para kay Alex! Hindi ko rin siya pagbibigyan.
"T*nginang bata ka!" Asik niya matapos ko malagyan ang kanyang salamin. "Halika dito!"
Tuluyan ko siyang iniwan sa looban, nangangapa matapos kong dungisan ang kanyang mukha at salamin. Hawak-hawak ko ang gown ko habang tinatawid ang maimot na daanan ng backstage. Samu't saring dancers ang nadaanan ko, lahat sila nacucurious matapos makita ang kasuotan ko, pero hindi ko na sila pinansin. Hinahanap ko ang taong iyon...ang taong may pakana kung bakit ako pinapahirapan...kung bakit ang aga-aga akong minulat sa karahasan at sa bayolenteng kapaligiran.
Kuya...matagal na kitang hinahanap...Ako lang ang nakakaalam sa tunay mong pagkatao...
Hindi ko mabilang kung ilang oras ako paikot-ikot sa eskwelahan. Dumating sa punto na nalibot ko na ang lahat, maliban sa mga audience o manonood ng Foundation event. Para lang akong umikot, muli akong dinala ng mga paa pabalik sa venue kung saan ito tinatanghal. Dumaan muli ako sa stage, at sisilipin ko na sana ang row at columns ng mga manonood nang bigla akong hatakin ng isang kamay.
"Sa ayaw at sa gusto mo! Magpe-perform ka doon!"
"Mam!"
"Ano ba ang nangyayari sayo Rose!? Para kang baliw! Napapagod na ako sa inaasta mo! Hindi kita maintindihan!"
Inagaw ko ang braso sa kanya.
"I-ikaw ang baliw! Teacher ka ba!"
Nanlaki ang kanyang mata. Tinaas niya ang kamay. Bago niya pa ako masampal ulit, biglang nagsalita ang emcee.
Tama naman siya sa sinabi. Hindi niya ako kahit kailan maiintindihan...
Isang taong kayang kaya pumatay sa kanyang kagustuhan ang humahabol sa akin.
Ang mga estudyante niya—sinasaktan ako at minamaltrato...
Tinatanggap ko iyon lahat, dahil akala ko nararapat ito sa akin. Nararapat akong pahirapan dahil isa lang akong anak sa labas.
Kaya ako iniwan sa bahay-ampunan...kaya nagpakamatay si mama, ang tunay kong ina...
At gaya ng sabi sa akin ng tunay kong ama. Isa kang pagkakamali, isa kang salot...
Nababagay daw ito sa akin.
Pero kahit kailan, hindi ko inasam madamay ang mga minahal ko sa kasalanan ko. Ako lang ang nararapat masaktan, hindi sila.
"Matagal akong nanahimik! P-pero...a-ang mga kaibigan ko h-hindi ko pwede pabayaan!"
"What are you trying to say!?"
"May sumalbahe kay Alex! Teacher Hya! Bakit ayaw mo ako pakinggan! Isumbong natin to sa pulis...isumbon—"
Niyugyog niya ako sa balikat. "Kahit maging emosyonal ka o mag-breakdown ka ngayon..." Napatingin si Mam Hyacinth sa audience, at parang loka-loka na napangiti sa sarili. "Kilala kita...anuman ang gawin nila sayo para kang aso. At alam kong susunod ka sa utos dahil ang tanga mong bata ka!"
"And now ladies and gentlemen, candidate number 15!"
Marahas akong tinulak ni Teacher Hyacinth patungo ng stage. At halos mapunit ko ang kurtina dala ng aking pagkakabagsak. Samu't saring paghabol hininga at pagsinghap ang narinig ko, lahat ay gulat na gulat sa naging entrance ko.
"O-okay! Candidate 15!" Nawiwirduhang banggit ng emcee bago bumaba ng stage.
Unti-unting nagdim ang ilaw. Lahat inaasam at inaantay ang magiging reaksyon ko. Balak ko sanang lumayas, ngunit nang masilayan ko ang stage, ngayon ko lamang nakita ang oportunidad na ito. Kung saan kaharap ko na ang manonood, isa-isa ko na silang masisilayan. At sana, makita ko si kuya...
"Anong gagawin niya?"
"Bakit ganyan suot niya?"
"Ano yan dugo?"
Habang minamasdan ko isa-isa ang bawat mukha nila, iilan mga pamilyar na mukha ang nahinuha ko. Kabilang na ang mga magulang ng dati kong mga kaibigan. Miski na ang mga Villanueva, kasama si Ethan na nakatagpuan ko ng mata.
Nang magkatinginan kami, bahagya akong nahimasmasan. Ano ba itong pinasok ko? Ano ba itong ginawa ni kuya Damian sa akin? Hindi ako ganito...
Hindi ko tipo ang talikuran ang responsibilidad ko, ang kalimutan ang matagal ko ng inensayo, ngunit kakayanin ko pa ba gayong wala na ring tutugtog sa akin? Wala ngayon si Alex...at may isa pa akong pinoproblema.
"Ano ba nangyayari?"
"Hello?" Tawa ng isang manonood sa akin.
Minasdan ko siya, bago ako pumihit papaalis, ngunit hindi pa ako tuluyang nakakahakbang palayo. Biglang tumunog ang piano. Nagsipalakpakan ang tao nang madinig nila ang piyesa ng Nocturne Op. 9: No.2 in E-flat minor. Habang sila'y namangha sa intro, ako naman ay nanginginig na napatingin sa dako nito. Si Alex ang dapat nakaatas tumugtog, ngunit wala siya...
Kuya...anong ginagawa mo dito?
Itong tugtog. Ang musikang tinuro niya sa akin.
Naestatwa ako ng ilang saglit, sa harap ng mikropono kung saan rinig na rinig ang malalim kong paghinga.
Nagpatuloy ang huni. Parang kailan lang nang turuan niya ako nito. Hinding hindi ko makakalimutan. Ito ang piyesa para sa aming dalawa...
Nacurious ang iba. "What's going on?"
Dahan-dahan kong nilingon ang lugar ng piano. Madilim ang kabahagian banda doon. Walang pag-asa makita ang taong tumutugtog. Bagama't walang kaide-ideya ang mga manonood sa identidad ng nagpia-piano. Ako naman, hindi ko na kailangan pang kumpirmahin at alamin.
"B-bakit ka nandito?" Hindi ko mapigilan magsalita kahit marami ang nanonood.
Nagbulungan ang mga audience ngunit sa pagkakataong ito, ang pagprapraktis ko sa loob ng aking kwarto ay tuluyang nangibabaw. Parang kaming dalawa lang ang nasa stage wala ng iba pa.
"B-bakit mo ako sinasakal," Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko. Si Alex, dinamay niya at para saan!?
Para saan at bakit niya kailangan saktan ang kaibigan ko.
"B-bakit mo siya sinaktan?" Tumulo ang luha ko. "Ano ba ang gusto mo gawin ko?"
Naging marahas at mabilis ang tugtog mula E-flat, naging C-sharp minor ito. Sinasagot niya ako gamit ang kanyang tugtog.
"Matagal na kitang g-gusto kausapin. A-alam kong naghihiganti ka dahil galit ka sa akin...dahil pinilit ko ang sarili sa pamilya niyo! P-pero...bakit naman ganito? B-bakit kailangan p-pang may masaktan?"
Walang habas ang malumanay na musika. Animo'y sinasabayan ako ng emosyon.
Ngayong nandito ang mga tao...
"Makinig kayo...ang taong tumutugtog ay si kuya...matagal na siyang nawawala... Pero nandito siya!" Nilingon ko ang emcee at iginaya ang aking braso. "Kailangan niyong ilagay sa hospital ang kuya ko! Ipapulis! Ano man!"
Bago pa niya makasakit ng iba. Bago pa lumala.
Nagpabalik-balik ang atensyon ko mula sa guwardiya at mga event organizers. Lumakad pa ako ng kaunti para ipamukha sa kanila ang seryoso kong mukha.
Bakit walang pumapansin?
Pakinggan niyo ako, utang na loob.
Maniwala kayo.
Bahagyang tumigil ang tugtog at sobra akong natrauma. Parang dati, tuwing titigil siya.
Ilang saglit bumalik siya sa pagkumpuni ng huni.
"Sasabihin ko! Papaalam ko sa kanilang lahat ang krimeng ginawa mo!"
Napahawak ako sa ulo ko nang bigla kong maalala ang mga sinabi ko sa kanya—na may pag-asa pa siya, na may pagkakataon pa bumawi...
Umiiyak na ako sa puntong ito dahil gulong-gulo ako. Nag-iisa lang ako sa problema kong ito, at walang may balak umintindi sa sinasabi ko.
Nanlalaki mata ko silang pinagmasdan. "Makinig kayo sa akin! Bat ayaw niyong kumilos! Hanggat nandito pa siya!"
Nakita ko ang ibang audience, nakaawang ang kanilang labi. Habang lumalakas ang tugtog. Hindi ko mapigilan maiyak ng walang hikbi. Isa-isang nagsitakasan ang luha sa aking mata. "Ayaw niyong maniwala..."
Huminga ako ng malalim. Ako na lang ang kikilos, dahil walang may pakialam. Ipapakita ko sa kanila.
Humakbang ako palusong, sa bawat yabag, tila aatakihin ako sa puso. Ang tagal ko na siyang di nakita. Matagal na. Muling bumabalik sa akin ang mga nakakatakot kong alaala sa kanya, bagay na gusto kong kalimutan.
Bago pa ako tuluyang makalapit. Biglang namatay ang sindi ng ilaw. Nakarinig ako ng mga reaksyon. Ilang sandali muli itong bumukas, at nang tuluyang maliwanagan ang lugar pati na ang madilim na kabahagian ng stage.
Wala na si kuya sa piano.
"N-nasaan?—"
Tuluyang naudlot ang pagtatanong ko sa sarili nang magsitayuan ang mga audience. Lahat sila pumapalakpak, ang iba tila naging emosyonal pa.
"Bravo!"
"Artistic!"
Sumimangot ako miski nang salubungin ako ng Emcee gamit ang kanyang yakap. Habang ako, naiwang tuliro sa sarili. Nilibot ko ang paningin sa kapaligiran. Nakangiti ang mga manonood, at lahat manghang-mangha. Miski si Teacher Hyacinth ay nakikisabay sa palakpakan.
Hindi ko mapigilan libutin ang kabuuan ng stage, hinahanap kung nasaan si kuya Damian. Minsan naiisip ko ang dahilan kung bakit niya ako pinaglalaruan sa kanyang daliri. Kung bakit niya ako ginugulo...
Sa gilid ng piano, nakita ko may rosas. Gaya ng mga pinapadala niya sa akin.
Natapos ang pagtatanghal at ang kabuuan ng event dakong gabi. Hindi ako nanalo gaya ng aking inaasahan. Mga highschool ang naka-bingwit ng mga awards at trophies. Wala akong problema doon, pero ang higit na nakakagulat ay nabalitaan kong nanalo ako sa talent portion. Maraming nagsasabing isang memoir performance daw para sa kuya ko ang pinakita ko. Sinasalamin daw ang kagustuhan kong makita siya muli. Hindi naman sila nagkamali doon, totoong hinahanap ko si kuya, pero linggid sa kanilang kaalaman kung ano ang nangyayari sa likod.
Behind the scenes, we were hunting each other. I was like his prey, and he was my predator. Natatakot ako kung kailan siya susulpot, at kung ano na namang kaguluhan ang gagawin niya.
Habang ang iba'y nagpatuloy sa kanilang normal na buhay, taliwas naman ang sitwasyon ko sa kanila. Palagi akong alarma. Palaging ma-obserba—miski ngayon...
Halos pitong taon na ang nakakalipas, simula ng nangyari kay Alex, at sa contest.
Hindi ko lubos akalain na iyon na pala ang huling pagkakataon kong makita pa si kuya… Sa tinagal ng panahon, hindi na siya muling nagparamdam sa akin.
Dati ay isa akong batang walang muang at walang kalaban-laban.
Tinotoo ni kuya ang sinabi niyang sisirain niya ang buhay ko, at ang tanga ko para hindi maniwala.
7 years ago, my world came crashing down. Sa sobrang hapdi ng sakit na naidulot, halos hindi ko na namalayan ang bilis ng oras. Alex went into a coma at walang araw na hindi ko siya binisita. Wala namang nagbago sa eskwelahan dahil nabubully pa rin naman ako at binaboy pa nga pagkatao. Kaso hindi tulad ng dati, di ko na tinatakbuhan ang pagmamaltrato nila. I learned how to hit as well. Ang pamilya ko? Parang isang blankong family photo na lang.
Si mama Evangeline ay baldado na, at si papa may bago na—si Liezel, ang kinamumuhian kong tutor.
Paano pa ako mabubuhay kung wala na akong babalikan?
Pinapahirapan mo ako kuya ng walang kaide-ideya kung bakit kailangan nating manatiling magkapatid. Inipit mo ako kaliwa't kanan.
Hindi ako makakilos. Halos di makahinga. Gusto kong mamatay noon. Gustong magpakalunod ngunit hindi ko iyon ginawa, dahil alam kong may kailangan pa akong gawin. At iyon ay isiwalat ang katotohanan.
Minasdan ko ang sarili sa harap ng maliit na batsang may tubig. Marumi at malabo ang repleksyon ko, pero sapat na para makita ko ang sarili, at ang sumasalaming hirap na dinanas ko.
Habang unti-unti mong sinunog ang mundo ko, nagpakalunod ako sa sarili kong dagat.
"Kuya..." Tignan natin ngayon
Dahil sisiguraduhin kong wala ka ng masisira sa akin, ngayong tuyo na ang nilalangoy kong hirap at kalungkutan, ikaw naman ang magugulat sa bala ko.
_____
HANGGANG NGAYON, sariwa pa ang memorya sa akin. Habang ang iba abala sa papasukang kolehiyo, ako naman ay nagpaka-sasa sa maraming tungkulin. Ang pera, trabaho, ang nakaraan, pati na ang hinaharap.
Ethan was right, he needed to prepare for battle. But I was also doing the same behind my facade.
It took me years, bago ko mapagtanto ang iilang mahahalagang bagay. It took me years to finally make sense of everything. Why I lied and why I acted clueless.
They all thought that I was just a little girl who was honest about everything. I am honest though, but not entirely. Gusto ko ng pamilya—pamilyang matatawag kong akin, that's a truth. Pero hindi lahat ng pinakita ko ay katotohanan. Wala dapat makaalam kung paano ako tinapon, kung paano ako tinuring na basura, dahil natatakot akong gawin na naman iyon sa ikalawang pagkakataon.
Naalala ko ang mga panahong nagpapanggap akong hindi ko lubos kilala ang totoo kong magulang. Miski sa ampunan, palagi kong sinasabi na hindi ko kilala ang magulang ko.
Nagsinunggaling ako at pinaniwala ang ibang may magulang pa akong kailangan hanapin.
Hindi naman pawang kasinunggalingan iyon, dahil hinahanap ko ang totoo kong ama. At hindi iyon ang taong nambubugbog sa akin.
There's one thing I do learned of, nalaman ko ito pagtungtong ko ng highschool. Iris, ang escort name kung saan kilala ang totoo kong ina. At kanino ko nga ba narinig ang pangalang iyon?
Kay Mr. De Luca...my step-father and Damian's father.
I didn't know it was possible. But I was right all along, ang hinala kong minsan nang nagtagpo ang landas ni Iris at ni papa.
And somehow we were connected by fate.
"Miss Rose, ito ba ang mga pinapahanap mo? Hospital records...ni Mr. Bernard Tuazon?"
Tumango ako sa nakausap kong hospital assistant. At tinanggap mula sa kanyang kamay ang mga papeles.
Minasdan ko ng maigi ang papeles sa aking kamay. Kung tama ang aking hinala, si kuya at ako ay magkapatid sa ama.
"Maiintindihan mo ako kuya...at kung bakit kita hindi kayang bitawan..."
Damian De Luca...this is our dead end. The answer that I wanted you to know.
And why I will never be yours...