Kabanata 9: Huni

2158 Words
9 Hinawakan niya ang aking kamay at iginaya sa piano keys. Napalunok ako nang mas lalo siyang lumapit. Ilang segundo, sinimulan niyang gabayan ang kamay ko sa pagtipa at paggawa huni. At sa kauna-unahang beses, rumehistro ang ngiti sa aking mukha. "Why are you smiling?" "Ahm..." Ginawa ko ang makakaya unawain ang ingles niya, kaso masyadong mabilis at biglaan para sa akin. "Bakit ka naka-ngiti?" "Ahh...wala lang. Unang beses nating magbonding kuya ng walang...sakitan," "Then lose that, tatanggalin mo ngiti sa mukha mo," Natahimik ako sa mabilisang pagiiba ng ugali ni Damian. Imbis na sumimangot at magtanong, ginaya ko na lang ang karaniwang gawain ni kuya. Ang itago ang emosyon sa likod ng ekspresyong hindi mabasa-basa. Tulad ng kanya, ipinokus ko na lamang ang sarili sa pagtugtog. "B-flat...then G," Sinunod ko ang kanyang instrukto. At habang nasa kalagitnaan kami ng E-flat, tinigil niya ang pagbibigay gabay. Kaya parang agos ng tubig, hinayaan ko ang aking kamay sumabay sa ritmo, ngunit gaya ng inaakala, minsan nagkakamali rin ako. Tumayo si kuya mula sa pagkakaupo at may kinuha sa kanyang desk table. Buong akala ko ay may kukuhanin na naman siyang bagay na gagawing panakot sa akin pero laking gulat ko nang makita siyang magsuot ng salamin. Hindi tulad ng mga nakikita kong nagsusuot ng salamin, kay kuya parang iba ang datingan. Animo'y nagmukha pa siyang maangas at nakaka-intimida, bagay na hindi ko inaakalang mas magbibigay depinisyon sa mapupungay niyang mata at sa mapula niyang labi. Kumunot ang kanyang noo nang makita akong huminto, kaya sa pangamba ipinagpatuloy ko ang aking pagtugtog. Nang matapos ko ang una at pangalawang berso, nilingon ko na si kuya—tutal wala akong alam sa susunod na gagawin. Sa pagkakataong ito, sumisimsim na ng kape si kuya habang may hawak na pamphlet sa kanyang mga kamay. Hindi ko mapigilan magtaka kung bakit ang bata-bata pa lang niya ngunit umiinom na siya ng kape. "Kuya...bakit mo ako tinuturuan?" Nagtataka kong ani, gayong biglaan ang kanyang pag-anyaya sa akin sa musika. Saglit niya akong dinungaw bago ilapag ang iniinom. "Husayan mo pa," Malamig niyang baling. Nagbuga ako ng hangin bago ipokus ang sarili sa piano keys. "Seniorito?" Naputol ang aking pagtugtog nang biglaang may suminggit. Maya-maya, unti-unting bumukas ang pintuan sa kwarto ni Damian. Mula sa kamay ni manang, masisilayan ang tray na hawak-hawak. "R-rose...nandito ka," Nagpabalik-balik ang tingin ni manang sa aming dalawa, kay Damian na umupo sa aking tabi at magsisimulang magtugtog muli, at sa akin na nakaupo sa harapan ng piano—nakatitig sa kanya. Binaba ni manang ang hawak na tray ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang panginginig ng kanyang kamay.  "Rose...halika dito," Aniya sa akin habang minumwestra ang kamay. Tumango ako at dahan-dahang umangos sa aking pagkakaupo nang biglang magsalita si kuya. "We are busy as you can see," Untag ni Damian sa malamig na boses, ang tingin ay nasa daliring nakahudyat maglaro sa piano. Kumunot ang aking noo sapagkat walang galang ito sumagot kay manang. "Pasensya na senorito...pero may g-gagawin pa si Rose..." "Then make it quick. I want to spend time with my little step sister," May kung anong kumalabog sa aking dibdib sa paraan ng kanyang pagkakasabi—may diin at parang may pinapahiwatig. Inilahad ni manang ang kamay, at magawad ko iyong sinalubong, ngunit hindi pa kami tuluyang nakakaalis, muli kong nilingon si kuya Damian. "Kuya salamat sa pagtuturo. Sana turuan mo pa ako," Hindi sa akin sumagot si kuya sa halip, muli itong nagtugtog sa malamyang mga nota. Nang tuluyan kaming makalabas sa silid nito, tsaka lamang ako kinilabutan sa pagbabago ng tunog. Ibang piyesa ata ang tinutugtog ngayon ni kuya. Hindi tulad ng kanina, masidhi at may tulis na ngayon ang musika, bagay na nakakapag-patindi ng emosyon. Si manang na kanina'y walang imik, bigla na lamang magsalita sa aking tabi. "Diba sinabi ko lumayo ka muna sa kuya mo Rose," Bahagya akong natakot sa tono ni manang. Kadalasan, ang tawag niya sa akin ay 'nak, minsan Rose din, ngunit ngayon ko lamang siya nadinig na magsalita ng may diin. Napalunok ako sa sarili. Alam ko ang dapat gawin kaso hindi ko talaga mapigilan ang katigasan ng ulo ko. Kung bakit ba para akong gamo-gamo na hindi makaiwas sa liwanag na taglay niya. Kung bakit ako dikit ng dikit kahit alam kong bawal? Hindi ko rin mawari sa sarili ko... ____ "Ayan Rose...nagtanim na kami ng bulaklak mo," Napangiti ako sa sinabi ni Ate Trina. Kasalukuyan akong tumutulong sa pagbubungkal ng lupa sa hardin ng mga De Luca. Si Mang Cardo na tagatak na sa pawis ay panay pa rin ang pagkayod. Hindi ko maiwasan mamangha sa lakas at enerhiya niya. Ilang taon, noong nasa bahay ampunan ako, buong akala ko ay magiging katulong na lang ako, katiwala, o mapupunta ako sa mga trabahong hindi kinakailangan ng edukasyon kundi ang lakas ng katawan. Aaminin kong natakot ako sa ganong kinabukasan...dahil mahirap umahon sa ganoong klase ng hanap-buhay. May pagasa man, ngunit napakaliit na tsansa. Alam kong masama mag-isip ng masama sa ganong klase ng nga trabaho pero bilang bata, kung saan palagi naming pinapangarap ang lipad ng mga taong mararangya, hindi ko mapigilan ang umasa. "Hindi ako mahilig sa rosas, ate," "Bakit naman?" "Matinik eh," "Pero napakaganda...tignan mo, ang pula pula. Parang ikaw lang Rose...ang pula kaya ng labi mo. Bagay nga sayo pangalan mo," "Salamat ate..." "Seryoso ako ha. Mukhang maganda ka paglaki," Sa pagkakataong iyon, nagpunas pawis si Mang Cardo at may galak akong tinitigan. "Sumali ka pageant pag laki mo Rose. Malay mo," Napasimangot ako sa nadinig. "Pero wala akong utak eh," Natawa sa akin sina Ate Trina at Mang Cardo. Totoo naman talaga. Sabihin na nating masipag ako, pero kahit anong pilit ko, iba pa rin talaga yung pinanganak ka ng may angking talino at galing. Tipong tulad ni Dianna... Dianna...kamusta na kaya ang kapatid kong iyon? Bagamat hindi kami tunay na magkapatid, siya ang una kong tinuring na pamilya. "Ate...kailan ba ako aalis dito," "Ba't ka naman aalis?" Natatawa niyang wika. "Hindi...ipagsabihin ko. Gusto kong bumisita sa bahay ampunan," "Hmm sa totoo lang hindi ko alam. Pero madalas mag-outing sina madam. Siguradong kasama ka doon," Wala akong naging ibang sagot kundi ang pagtango.  "Ahh..." "Mukhang malungkot ka," "Wala kasi akong kalaro ate," "Ako kalaro mo naman ako," "Pero ate palagi kang busy—" At gaya ng aking sabi, ganon nga ang nangyari... "Saglit lang," Putol niya sa akin nang tawagin siya ni Mang Cardo upang tumulong sa pagbubunot ng mga tinanim. Wala akong ideya kung nadinig niya ba ang aking sinabi, pero sigurado ako sa pahayag kong wala ako masyadong makausap o makasama ng matagalan sa mansyong ito. Totoo pala ang sinasabi nilang aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago. Hindi ko mapigilan mapatingin sa ikalawang palapag, bandang kwarto ni kuya. Nakabukas ang bintana ngunit hindi siya masilayan. DUMAKO ANG ALAS-SAIS y media ng hapon. Makulimlim ang kalangitan, tila  nagdadalawang isip ang atmospera kung bubuhos ba ng ulan o hindi. Sa pagkakataong iyon, nakaupo ako sa harapan ng mansyon. Pinapanood ang iilan sa mga katiwala ng mga De Luca samsamin ang iilan sa kanilang gardening tools. Bagamat gusto kong makatulong, tinanggihan nina manang ang aking alok. At ngayon ko lang nalaman kung bakit sila tumanggi. Kitang-kita ko kung paano pumarada ang isang itim na sasakyan sa malawak na driveway. Walang pasubaling lumabas si Mr. De Luca mula sa backseat, habang ang driver ay abala sa back trunk ng sasakyan, animo'y may hinuhugot doon. Nagsimula ng maglakad si Mr. De Luca, sa ilalim ng kulimlim Nang dumako ang tingin niya sa akin, galak akong binalingan ni Mr. De Luca ng ngiti. "Rose, bakit ka nandito? Hapon na, baka magkasakit ka," "Ahh sanay naman po ako Mr—D-dad..." Biglang bawi ko sa kanya. "Nasan mama mo?" "Ahm...nasa loob po," Bahagya niyang hinawakan ang aking ulo. "Nagaaral ka ba ng maigi," Tumango ako sa kanya—masyadong natatakot sa kanyang presensya. "Si Dhang at Liezel ay kilalang guro ng mga prestilsyong mga pamilya. Malamang ay marami ka sa kanilang matututunan," Ngumiti ako bilang responde. Suminggit si manang sa aming usapan. "Sir, tulungan ko na kayo sa suitcase niyo," "No need, I can manage. Where's Evangeline?" "Ahh sir—" Sa kalagitnaan ng kanilang konbersasyon, buong sayang lumabas mula sa entrance hall si Mama. "Hon...I'm glad you arrived safely," Ani ni Mrs. De Luca bago halikan ang kaliwang pisngi ni Mr. De Luca. Kasalukuyang inaadjust nito ang necktie sa leeg, at tila kinalimutan na balingan ang asawa ng halik sa pisngi. Naiilang akong tumingin sa kanila. "Nasan si Damian? I heard he has arrived," Malalim na wika ni Mr. De Luca. "Oh...well he's doing good. He passed the evaluation," Masayang tono ni mama. "Keep him in check. I don't want anyone ruining the banquet," "Hon...you should understand—" "Let's not talk here Evangeline," Nagulat ako ng mapa-sulyap sa akin si Mr. De Luca. Dala ng pangyayari, dali-dali akong kinabahan samantalang mabilis na nanahimik si mama. Ngayong natauhan na ako at nahinto ang kanilang diskusyon, labis na naagaw ang aking pansin sa kawalan ng tao. Simula ng magharap sina Mr. and Mrs. De Luca, nagsialisan na ang kanilang mga katiwala, animo'y naiilang sa presensya ng dalawa—maliban sa akin na nanatiling tuod sa gitna ng tensyon. Naunang umalis si Mr. De Luca, kasunod naman ay si mama. Saglit akong nilingon ni mama bago niya ako senyasan na pumasok na sa loob, at bilang baling, tumango ako sa gawi niya. Tahimik ang looban. Medyo madilim pa nga kung tutuusin. Bagamat pinagbubukas ni manang ang mga ilaw, tila makulimlim pa rin ang kabuuan ng mansyon, lalo na ang atmospera sa pagitan ng dalawang bulto na pumapanhik pataas. Kasunod lang nila ako, ngunit sadya kong dinistansya ang sarili sa mga papaakyat nilang bulto. Tutungo na rin sana ako sa aking kwarto upang makapagpahinga, pero hindi ko aakalaing maiilang ako sa dalawang panauhing kaharap ko. "Rose, may gagawin ka pa ba?" Tanong sa akin ni mama nang lingunin niya ako. "Wala naman po mama...tataas lang sa kwarto," "Sige...kumain ka na lang kung nagugutom ka," Ani sa akin ni mama sa tuktok ng hagdanan bago sila lumihis sa taliwas na direksyon sa akin. Minasdan ko lamang ang bulto nilang unti-unting lumiliit habang binabagtas ang mahabang corridor. "Wag mo na silang tignan," Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Sa aking kanan, nakahilig si kuya Damian sa dingding, habang naka-krus ang dalawang braso. "Hindi naman ako nakikiusi kuya...papasok na rin ako sa kwarto ko," Sinimulan ko ng pumihit patungo sa aking silid subalit hindi pa ako lubusang nakakalayo, nakita ko ang bulto ni kuya na humarang sa aking dadaanan. "Bakit hindi ka na natatakot sa akin..." "A-ano?" Nabigla ako sa binanggit ni kuya, pero mas nakakagulat ang sunod niyang ginawa sapagkat hinawakan niya ang aking pisngi at pinisil iyon. Pagkatapos ay tinulak niya ako sa pader dahilan para manlaki ang aking mata. "A-ano g-ginagawa mo kuya..." "Wag mo ako ma-kuya...kuya. Hindi ako madadala ng bait-baitan mo," Sa puntong iyon, nagsimula ng magtubig ang aking mga mata. Mula sa aking harapan, ang malamlam at mapupungay na mata ni kuya ay parang nag-ala hayop, nag-mala demonyo, bagay na bumabangungot sa aking panaginip gabi-gabi. Itong katauhan ni kuya ang pinaka-ayokong balik-balikan—ayokong makasalamuha. Ang ang taong may matinding kagustuhang saktan ako ano man ang mangyari. Masyado akong naka-pokus sa aking mga iniisip, kaya hindi ko namalayang kinaladkad niya ako sa aking kwelyo patungo sa aking kwarto. "Subukan mong humingi ng tulong...makakatikim ka sa akin," Sa buong pasilyo, rinig ang aking hikbi. Hindi ko nga alam kung bakit parang walang nakakarinig sa akin. Nakarinig ako ng marahang pagbubukas ng pintuan. Ngayon ko lamang napagtantong kwarto ko iyon. Marahas akong pinasok ni kuya sa looban. Pagkatapos ay ni-lock niya ang pinto. Tulad ng nakaraan, muli umusbong ang takot at kaba sa aking kabuuan. "K-kuya...wala akong ginagawa...wala talaga akong kinalaman," "Nagsumbong ka ba," "K-kuya ilang b-beses ko bang uulitin...wala akong pinagsasabihan," "Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang mga pang-gulo—lalo na pag kasama kita," Bahagya akong napaisip sa kanyang sinabi. Nang damputin niya ang vase sa gilid ng aking study table at itinapon iyon sa sahig, tsaka lamang ako natauhan kung sino ang tinutukoy ni kuya—si Manang Cindy na kanina'y nangistorbo sa aming pagsasama. "K-kuya nagaalala lang si manang atsaka pinatulong ako sa h-hardin kaya ako p-pinatawag," "Ganyan ba ang turo sa simbahan...ang magsinunggaling," Umiling ako. Ilang sandali, rumehistro ang ngisi sa mukha ni kuya. Hindi pangungutya kundi sa ibang pamamaraan, ang ngiti ng taong animo'y walang takot. Dinampot niya ang piraso ng bubog mula sa sirang vase. Kapagdaka, nanlaki ang aking mata at dahan-dahang napausog. Sa kakausog ko, hindi ko namalayang napatid na ako sa katawan ng aking kama dahilan para mahiga ako doon—ngunit ang mata nakatutok pa rin sa bulto ni kuya. Ang eksena dati, parang naulit sa aking alaala. Pero sa pagkakataong ito, parang wala ng tao ang kakatok sa aking pintuan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD