10
(THIS BOOK has a lot of Trigger Warnings)
Hindi ako nakausal o nakapagsalita, dala na rin ng takot at kaba.
Ramdam na ramdam ko ang puso kong naghuhumarentado sa aking dibdib. Minsan gusto kong matanong kung pareho lang ba kami ng nararamdaman o sadyang walang pakiramdam si kuya.
Lumapit siya sa akin nang may nakakatakot na tingin sa kanyang mga mata—malalim at may emosyong hindi ko maipaliwanag. Mabilis ang kanyang mga kilos, sa isang iglap, nahiwa niya ang aking damit at malakas itong pinunit. Sinubukan ko siyang itulak pero sadyang mas malakas siya kaysa sa akin.
"Lumalaban ka na," Asik niya sa akin nang nagtangka akong manlaban.
Imbis na sumagot, mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
"K-kuya...wag n-naman g-ganito...akala ko a-ayos na tayo," Nahihirapan kong usal, ngunit walang pinagbago ang kanyang ekspresyon. Parang bato lang, matigas at hindi mabuwag.
"Tumingin ka sa akin..."
At animo'y masunuring bata, nagtapo ang aming mga mata. Subalit hindi nagtagal ang aming titigan gayong naalala ko ang nangyari—sa isang iglap, tinakpan ko ang nakabalandara kong dibdib.
Marahan siyang humalakhak nang makita ang naginv reaksyon ko, samantalang namula naman ako sa kahihiyan. "Wala kang itatago,"
Bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong sa aking tenga. "Pero balang araw magiging dalaga ka na...ngayon pa lang sasabihin ko ng ako lang ang dapat makakita sayo,"
Napalunok ako habang gumapang ang pagtaas ng aking balahibo mula braso hanggang sa aking biyas.
"M-maniwala ka sa akin kuya! W-wala akong sinasabi!"
"Sa ngayon...siguro nga wala...pero oras na malaman-laman kong humingi ka ng tulong sa iba. Babaliin ko buto mo,"
Halos maubusan ako ng hininga sa aking baga.
Bawat kilos niya ay doon lamang ako nakatuon. Kapit-kapit niya pa rin ang bubog sa kanyang kamay, kahit kailan pwede niya akong saksakin. Akala ko nga sasaksakin na ako, pero hindi—impit akong napahiyaw ng sulatan niya ang gitna ng aking dibdib. At ang tanging nagawa ko lamang ay mapakapit sa kanyang braso.
Nang matapos ang pagpapakasakit, madali kong sinulyapan ang aking dibdib. Nakahubad pa rin at nakalantad ito, ngunit naagaw ang aking pansin nang makita ang letrang D na nakaukit doon.
"Para araw araw mong maalala ang mga ginagawa ko sayo," Mahinang bulong ni kuya matapos niyang lumapit sa akin.
"B-bakit mo ito g-ginagawa? A-anong meron s-sa akin para g-guluhin mo k-kuya,"
"I love seeing your helpless eyes...begging for me to save you,"
Hindi ko maintindihan ang sunod-sunod niyang pagiingles ngunit ang sumunod niyang sinabi ay naunawaan ko na.
"Sa akin ka lang dapat tatakbo Rose...ako lang ang meron ka,"
Wala na siyang sinabi matapos non. Tulad ng dati, iiwan niya ako matapos ako saktan, o siraan ng puri.
Naglakad siya palayo sa akin ngunit sinisilip-silip niya ako na tila nagbibigay babala subalit ang atensyon ko ay napunta sa aking damit.
Hindi naman niya ako sinaktan ng husto. Tamang banta lamang at pagpapakasakit, pero wala pa rin akong kasiguraduhan. Kailangan ko pa rin maging mapagmatyag at maingat sa bawat kilos ni kuya.
Nanatili akong nakatulala ng ilang minuto, pero kitang kita ko ang bawat anino at taong dumadaan sa aking pintuan. Wala ni isa ang kumatok, pakiwari ko'y abala silang lahat sa mga ginagawa—at siguro, inakala nilang tulog na ako. Pinikit ko ang mga mata, naaalala pa rin ang mga eksena at memorya ni kuya.
Sa lalim ng aking iniisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Bandang alas-onse ng gabi nang magising ako dala ng mga ingay na nadidinig ko—nalaman ko ang oras base sa malaking orasan na nakasukbit sa itaasan ng aking pintuan. Habang patuloy pa rin ang ingay na kumakalampag, tumayo ako sa aking kama at binuksan ang aking pintuan. Sinilip ko ang mahabang corridor, mula sa dulo, kung saan natutulog sina Mr. at Mrs. De Luca, nakita kong bukas pa ang ilaw.
Napalunok ako sa sarili nang marinig na doon nanggagaling ang animo'y kaguluhan.
Tuluyan akong lumabas mula sa aking silid, subalit hindi ako umabante o lumusong sapagkat nanlaki ang aking mga mata sa nasilayan. Si Mrs. De Luca—si mama, kitang-kita kong kinaladkad ng kanyang asawa at pagkatapos ay malakas na sinikmuraan.
Napasinghap ako sa sarili.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari...ito ang kauna-unahang beses kong maka-saksi ng karahasan. Si Mr. De Luca ay sinimulan ng tanggalin ang kanyang sinturon. Dala ng aking pagkabigla, para akong natuod sa kinatatayuan.
"Wag mo ng tignan kung di mo kaya,"
Isang kamay ang pumiring sa aking mata. Malamig ang palad na iyon. Boses pa lamang, kilala ko na ang taong nagsalita—si kuya Damian.
"Sinabi ko sayo...mali ang pinangarap mo,"
Hinarap niya ako sa kanya, at tinanggal ang kanyang kamay sa aking mata.
Pinagmasdan ko siya. Bahagyang sumakit ang sugat sa aking dibdib habang naaalala ang mga ginawa niya.
"Alam mo nangyayari? Sinasaktan ni p-papa si m-mama..."
"I know,"
"B-bat wala kayong ginagawa?"
"What do you want me to do then?"
Base sa sinabi ni kuya, halata kong wala siyang balak manghimasok. Nagpabalik-balik ang aking tingin. Bawal ito diba? Bawal ang magbuhat ng kamay sa mga babae? Hindi ko alam...tuluyan na akong inaatake ng aking pagka-nerbyos. Mananatili ba akong tahimik sa nangyayari? Magbubulag-bulagan ba ako?
Walang pag-aalinlangan akong pumanhik pababa ng hall. Sumilip-silip ako sa kapaligiran—walang katao-tao. Sunod kong dinako ang daan patungo ng kusina. Mula sa gitna ng lamesa, nakita kong may mga pagkaing nakatakip, pakiwari kong para sa akin iyon.
"Nay!" Bigla kong bunggad nang mamataan siyang kumuha ng tubig.
"Nay! Si m-mama! Sinasaktan ni p-papa!"
Imbis na balingan ako, laki gulat ko nang magpatuloy lamang si manang sa ginagawa, ang kumuha ng baso, at masalin doon ng tubig.
"Nay?"
"Alam ko Rose...hindi mo na kailangan ulitin," Aniya sa akin.
"P-pero...bakit niyo hinahayaan—"
"Problema iyon ng matatanda nak. Wag ka ng manghimasok. Matulog ka na lang," Payo niya sa akin bago ako dalhin palabas ng kusina.
Hindi ko na siya nakasama pa sapagkat dumiretso na siya sa second exit ng mansyon na matatagpuan sa likod ng kusina.
Sa gitna ng aking pagkabagabag, napatingin ako sa dako ni kuya, na manghang nakadungaw sa akin pabalik.
Ngayong sinabihan ako ni manang na manahimik na lamang. Hindi ako mapakali.
Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na hiyaw at kalupitang nangyayari. Tinakpan ko ang aking tenga at umupo sa kalagitnaan ng malawak na pasilyo. Ayokong nakakarinig ng ganito. Ayokong makakakita ng mga taong nasasaktan.
Si Dianna—naalala ko ang nakaraan niya. Mga hirap at sakit na dinanas niya sa kanyang mga magulang...
"Get up,"
Tiningala ko si kuya na ngayon ay nakayuko at nakatingin sa aking pigura. Marahan kong pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisngi. Bilang tugon, mahinhin akong tumango at tumayo.
Hindi na nagsalita si kuya. Sa halip, hinawakan niya ang aking pulsuhan at iginaya patungo sa labasan.
"Anong gagawin natin?"
Ang gusto kong sabihin ay saan tayo pupunta, pero naunahan na ako ng aking bibig bago makapag-isip.
Kinailangan ko pa atang madampian ng sariwang hangin ng gabi bago tuluyang magising sa huwisyo. Ano ba itong pinapasok ko? Minsan ka ng tinanggalan ni k-kuya ng d-damit...Bakit ka papayag maulit ang dati?
Hinugot ko ang lakas ng aking loob sa kaibuturan ng aking sarili at marahas na inagaw ang aking kamay mula sa kanyang kapit. Narinig ko ang kamunting pagtikhim niya ngunit nang salubungin niya ang aking mata, isang emosyon lang ang nakita niya doon. Walang iba kundi ang takot...
"I am not going to hurt you this time Rose,"
Napalunok ako sa kanyang sinabi.
"Trust me. I always keep my words,"
Bagamat hindi ko masyadong maunawaan ang kabuuan ng kanyang sinabi. Nauulinagan ko naman ang pinapahiwatig niya sa iilang salitang nabanggit. May pagaalinlangan akong tumango, kumakabog pa rin ang puso.
****
MAPAYAPA ANG GABI, ngunit naririnig ko ang nagbabadyang ulan dala ng malakas na kulog. Paminsan ay napapa-igtad ako sa malakas na dagundong.
Kasama ko ngayon si kuya Damian habang binabagtas namin ang madilim na daanan. Tanging buwan lamang ang aming ilaw kasama na ang kanyang flashlight na dala-dala. Saglit kaming tumigil sa masukal na talahiban bago niya ito hawiin.
"Anong lugar to?" Takang tanong ko.
"Be quiet,"
Agad kong tinikom ang aking bibig.
Saglit kaming binalot ng katahimikan nang bigla na lamang niya sirain ang pintuan ng isang maliit na bahay. Medyo marupok at naagnas na ang kahoy nito kaya madali itong baklasin. Hindi na ako sumunod sa looban subalit naghihintay lamang ako habang yakap-yakap ang sarili. Ilang saglit lumabas is kuya Damian na may dalang bungkos ng yerbabuena at dahon ng bayabas—kilala ko ang halaman sapagkat pinag-aralan namin ito sa bahay-ampunan.
Kumunot ang aking noo. Ngayon ko lang makikita si kuya na may dalang mga dahon. Hindi ko ito inaasahan sa kanya.
"Let's go back. Baka tumigil na sila," Malamig niyang wika, bago maunang maglakad.
"Para saan yan kuya? Diba para sa sugat yang dahon ng bayabas?" Wika ko sa kanya nang bigla kong naalala ang sugat sa dibdib ko.
Hindi siya sumagot sa aking tanong. Napaubo na lang ako sa sarili.
Sa aking pagkakaalam, gamot ang dahon ng bayabas para sa mga sugat at ang yerbabuena ay para maibsan ang kasukasuan. Wala sa aking pansin, napatingin ako sa kabuuang katawan ni kuya. Liban naman siya ng kahit anong sugat sa biyas, pero ang nakaagaw ng aking pansin ay ang tila maliit na hiwa sa kanyang leeg. Masyasong madilim para maaninagan ko ng maigi. Tatanungin ko na sana nang maunahan na ako ng kanyang sumunod na pahayag.
"Aalis na ako,"
Nagulat ako sa nadinig. Aalis si kuya?
"Bakit?"
At para saan? Gusto ko sanang idugtong.
"Ba't parang hindi ka masaya..." Aniya na tila nangungutya pa.
Napaisip ako ng ilang saglit. Maraming pagkakataon at bagay na ang nangyari. Kung aalis man si kuya, malamang ay mabibigyan ako ng kapayapaan sa pang-araw araw kong gawain. Pero tuwing titignan ko si kuya, hindi ko mapigilan ang hindi umiwas. Kung may sakit siya, ito naman ang sakit ko.
"Pero isang linggo lang diba? Gaya ng dati?"
"Maybe...maybe not,"
Sunakit ang ulo ko sa mga pala-isipan niya.
"Dapat masaya ka...magkakaroon ka ng mahabang pahinga sa akin,"
Ayaw kong sabihin na ganun nga. Gayunpaman, hindi ko maitatanggi ang naging dating niya sa buhay ko. "I-ikaw lang ang nakakasama ko...atsaka kuya pa rin kita...kahit hindi tayo magkadugo," Nakayuko kong wika.
Imbis na magsalita, nagpatuloy si kuya sa paglalakad. Wala akong ideya kung pinag-iisipan niya ba ang mga sinabi ko. Ang tanging alam ko ay yun ang katotohanan, kaya naman mapapatanong na lang din ako sa sarili kung totoo nga ba ang kanyang sinabi—ang pag-alis niya...
Walang imik kaming nakabalik ng mansyon. Kanina habang pabalik, napaisip ako kung bakit pa ako sinama ni kuya—malamang sa malamang, iniiwas niya lang ako sa nangyari kanina. Hindi ko alam bakit bigla-bigla siya kung magmalasakit, o kung pagmamalasakit nga ba ang tawag dito.
Dala ng hindi ko pagtingin sa aking harapan, tuluyan akong nabunggo sa matigas na likod ni kuya.
"Kuya?"
Nakita ko siyang natigilan. Sinilip ko ang direksyon kung saan siya nakatingin at nasilayan doon si Mr. De Luca na nandidilim ang paningin.
"Mr. De L—D-dad," Nanginginig kong banggit. "S-sorry po!" Agad kong bawi.
Alam kong mapapagalitan ako nito. Hindi lang ako kasama na si kuya Damian. Kinagat ko ang aking labi. Parang nangangabayo ang aking puso sa sobrang bilis ng pagpintig nito. Sa halip na pagalitan at sermunan ako gaya ng aking inaakala, nabigla ako sa reaksyon ni Mr. De Luca.
Ngumiti siya sa aking direksyon, bagay na ayaw kong paniwalaan matapos kong masaksihan ang ginawa niya kay Mrs. De Luca.
"Rose...anong ginagawa mo at lumabas ka pa ng ganitong oras?"
Nag-aalinlangan akong napa-sulyap kay kuya Damian nang lagpasan siya ni Mr. De Luca.
"M-may kinuha lang po!" Mabilis kong wika.
Pinagmasdan niya ako ng ilang saglit. Pinagpapawisan ako datapwat may hangin na bumubulong sa amin.
"Pumasok ka na sa kwarto mo, mag-uusap kami ni Damian," May awtoridad niyang utos sa akin.
Napalunok ako dala ng takot para sa kanya. Walang sabi akong tumango, ngunit bago ako umalis, tinapunan ko ng nagaalalang tingin si kuya. Hindi kaya?
"D-dad...ako po ang kusang sumama kay kuya..."
Bumalik ang tuon sa akin ni Mr. De Luca. "Bakit mo ito sinasabi sa akin?"
Kinurot ko ang kamay kong nakatago sa aking likod. "B-baka po kasi pagbintangan niyong si kuya ang may pasimuno,"
Ginantihan niya ako ng malawak na ngiti. Gaya nga aking sinabi, hindi ko mawari kung tunay nga ba iyon o hindi.
"I know Rose...at alam kong di ka rin gagawa ng ganoong bagay,"
"Ano pon—"
Pinutol niya ang aking sasabihin.
"Rose. Pumasok ka na,"
Sa huling pagkakataon, nilunok ko ang tila namumuong bukol sa aking lalamunan.
"Opo, pasensya na po," Wika ko, bago pumihit ng alis, subalit hindi nakatakas sa aking mata, ang titig na ipinukol sa akin ni kuya.