Chapter 1

881 Words
AVY POINT OF VIEW ITO na juskoo po! nasa harap nako ng gate ng mansiyon diko ko alam at dito pa talaga ako inasign ng agency ko. pero okay lang kaya ko to para kay nanang. hinintay kung bumukas ang gate grabe yung binyahe ko papunta dito. Para akong natatae na ano hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko humahalo ih parang halo halo. nilagay ko muna sa lupa ang dala dala kung bag na puno ng mga damit at skincare ko. Oh diba! kahit maid lang ang ateng niyo may pa skincare pa. Syempre maglilinis tayong maganda baka may mga shawty tayong makita sa loob. haler! Napasampal nalang ako sa noo sa mga sinasabi ko sa utak ko. limang minuto din akong nakatayo sa labas. Ayos din to ih ano! Lumabas na ang isang manang na nakasuot din ng uniform na pang maid napangiwi nalang ako. pinagmamasdan ko siyang palapit sa gate para pagbuksan siguro ako. alangan namang lumabas lang siya para ipagmalaki ang mukha niya na parang espasol nilaklak siguro ang foundation. mataray niya akong tiningnan hinead to toe pa ako. Loh! siya oh! Hinead to toe ko din siya para patas kami. inirapan niya lang ako saka pinagbuksan. required pala yun bago ka pagbuksan iirapan ka muna? pumasok ako at ngumiti sakaniya mataray parin ang tingin saakin. ang sarap tanggalan ng mata tong manang nato. Dideretso na sana ako ng bigla niya akong hinarangan taka ko siyang tiningnan hinead to toe niya na naman ako. ayos kaya ng suot ko fitted na pantalon at fitted na damit na may nakasulat na Levi's. Oh san kayo niyan! By the way sa tiyanggi ko lang to nabili nice diba. " Avy De Mapili right?" tanong nito saakin nakahalukipkip na ito kung umasta siya para siyang boss. Actually para siyang patay sa itsura niya. "Opo tama po." sabi ko at ngumiti taas noo niya akong tinalikuran at lumakad papasok ng bahay napangiwi ko siyang sinundan. Nang makapasok kami sa bahay sobrang laki ng pinto parang hindi ata tao ang nakatira dito parang kapre oo tama kapre. nilapag ko sa sahig ang bag na puno ng damit ko at umupo sa sofa sobrang lambot parang ang sarap lumukso lukso dito. Tumigil ka Avy hindi kana bata. sabi ko at umiling iling para akong timang sa ginagawa ko. "Baliw ka ba?!" tanong saakin nung manang hindi ko lang siya pinansin at tinigil ang pagiling iling ko umayos nako ng upo ng palapit na saamin si Madam Gorgina. Tumayo ako at nag bow sakaniya, parang reyna lang ang peg. ngumiti lang siya saakin at sinenyasan akong maupo ulit sinunod ko naman at umupo ako umupo din siya sa parang kamay na upuan nasa gilid lang ito ng long sofa. "Okay I'm Gorgina Alemeo." sabi pa nito at inilahad ang kamay saakin kinuha ko naman ito at nakipag shake hands sakaniya. Infairness ang lambot ng kamay ni madam. sabaok madam "Ito yung gagawin mo sa araw nato maglinis at magluto lang naman by the way your salary is 3,000 every 2 months." sabi pa nito at tumayo. "Manang tsongo este Cala samahaman mo po si Avy sa maids quarters." Hala! sige Avy pigilan mo ang tawa mo papatayin ka talaga ng espasol nayan. feeling ko ang pula na ng mukha ko dahil sa pagpigil ko ng tawa si Madam kasi tinawag si manang na tsongo actually bagay sakaniya ang name nayun ang galing palang magisip ng pangalan ni madam. Cala pala ang name niya Cala niya maganda siya mukhang nemeng espesel. Sumunod nako sakaniya malapit lang sa kusina ang maids quarters may ibang busy sa paglilinis may iba din na nagluluto ang bango ng amoy adobong pusit ata ang niluluto nila bigla akong nagutom. binuksan naman ni Manang Cala ang pinto ng maids quarters. Alangan namang isarado hindi panga nabubuksan. Sinenyasan niya kung pumasok mataray parin niya akong tiningnan akala niya parang gagawa ako ng masama hindi naman ako magnanakaw pero pumapatay lang ako ng mga espasol kung makatingin kasi ito parang nilalait ako. "Dito ang kama mo." sabi nito at umupo sa kama. Anim na kama lang ang nandito nasa pinaka dulo yung kama ko may maliit din na cabinet sa gilid. feeling ko hindi magkakasya ang mga damit ko diyan ang dami kasi parang dinala ko na ang lahat ng damit ko sinandiya ko talaga yun para mga one month akong hindi maglalaba. Oo tamad ako, ano naman ngayon? "Ah sige po Manang, Ikaw po saan yung kwarto mo?" tanong ko sakaniya at ngumiti nag iba ang expresiyon nito kung kanina ay mataray napalitan ito ng parang normal na ata na awra niya. Mukha padin siyang timang kahit sa normal niyang awra hindi sa nanglalait sinasabi ko lang ang totoo. "I'm the head maid and 10 years na akong nagtratrabaho dito.." sabi pa nito. Share mo lang? "Kaya iba ang kwarto ko sainyo." sabi pa nito at napahalukipkip at tinaasan ako ng kilay. Okay... parehas naman tayong maid dito kung umasta siya parang special special child ay hindi na pala siya child senior na senior. "Ayusin mo na yang mga gamit mo at tumulong kina Lara at Abiy sa kusina." sabi pa nito at lumabas na ng maids quarters. Sasalita pa sana ako ng bigla siyang lumabas. ang bastos niya grabe! Ang sarap pakyuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD