AVY POINT OF VIEW
BINUKSAN ko na ang cabinet ko may uniform na ito na pang maid may toothbrush nadin at toothpaste nasa plastic ang mga to. kinuha ko yun at nilagay sa kama pinasok ko na ang mga damit ko ultimo mga damit ko hindi pa nakatupi.
Ultramega tamaders!
Nagmamadali kasi ako baka malate ako sa work pero ako pala ang pinaghintay sa labas ng tatlong minuto. tama nga ako hindi magkakasya ang damit ko nilagay ko nalang yung mga una kong nilagay syempre magaganda naman yung mga damit ko. nilagay ko nalang ang malaki kung bag sa ilalim ng kama ngayon ko lang napansin may aircon pala kami.
Tumingin ako sa salamin may salamin kasi sa gilid ng kama ko pinagmamasdan ko ang itsura ko nakabun ang buhok ko at ang pangit pala tingnan ng suot ko para akong wala pwet. nakakahiya hayss..
Binuksan ko ang pinto at lumabas limang hakbang ko lang ay kusina na si Lara at Abiy siguro tung dalawang to naramdaman siguro nila ang presensiya ko kaya inangat nila ang ulo at tumingin saakin. ngumiti lang ako sakanila sinuklian din naman nila ito ng matatamis nilang mga ngiti.
Bigla nalang lumapit saakin ang babae hindi ko alam kung sino sakanila si Lara at Abiy kaya babae muna.
"Hi Avy diba ako pala si Lara siya naman si Abiy." sabi pa nito at ngumiti.
Mukhang magkaedad lang ata kami.
"Ano ang gagawin ko?" tanong ko sakaniya.
"Maghiwa ka lang ng mga onion at garlic then.. sorry napapaengles ako." sabi pa nito at tumawa ng malakas awkward din akong tumawa para akong plastic sa tawa ko baka kasi pag yung tawa kung literal natawa baka marindi sila kaya wag nalang.
Hiniwa ko yung onion napapaiyak ako sa bawat hiwa ko dapat nag sun glasses nako. bwesit na sibuyas to pinapaiyak ako wala naman akong kasalanan, bakit ginaganito niya ko?
Ang sakit niyang hiwain sobrang sakit!
"Ayos ka lang ba?" tanong saakin ni Lara dahilan para mabitawan ko ang kutsilyong hawak ko.
Muntik nakong mawalan ng daliri.
"Nanggugulat ka naman Lara." sabi ko at ngumiwi.
"Bat ka umiiyak? inaway kaba ng sibuyas?" tanong nito saakin ayus to hindi lang ako ang baliw may kasama pa pala ako.
Bigla nalang kaming nagtawanan dalawa sa pinagsasabi namin. binalingan ko ng tingin si Abiy na masyadong seryoso na nagluluto don parang may birthday ata ang dami kasing naming niluto.
Bigla nalang kaming may narinig na sumigaw nakakabingi yung sigaw niya. yung eardrum ko lalabas na ata sa tenga ko dahil sa sigaw na yun lumaki yung mata ko ng makita ang lalaking walang damit at kitang kita ang abs.
Punyemas! Jusko po!
Tiningnan niya ko habang nakakunot ang mga noo nito tumungo ito sa ref at kumuha ng fresh milk at baso binalingan ko ng tingin si Abiy pero seryoso parin nagluluto habang si Lara naman natatawa sa reaksyon ko.
"Who is this?" tanong ng lalaki kina Lara.
"Ah sir si Avy po new maid." sabi ni Lara at bumalik sa ginagawa niya.
"Okay ayusin mo ang trabaho mo at wag kang tumunganga lang diyan." sabi pa nito may pahabol pa siya bago umalis.
"Stupid woman." bulong nito pero rinig naman.
Stupid na kung stupid maganda naman, tsk!
Nang makaalis na ito tumingin ako kay Lara na namumula anong nangyari sakaniya bakit biglang namula. siniko ko siya mahina lang naman para tumingin siya saakin ngumuso ako na parang nag sesenyas na sino yun. nakuha niya naman agad kaya nag 'Ah' pero walang boses.
"Si Sir AJ yun pero wag mo siyang tatawaging AJ Ajani lang daw dapat." bulong nito saakin nagtataka ako kung bakit bawal siyang tawaging AJ pero tumango nalang ako.
10000 year's later... Charot!!
Natapos na namin ang mga niluluto namin mga nasa anim na putahe ata yun ang dami. nilagay na namin yun sa Dining area inayos ko na din ang mga kubyertos nilagyan ko na din ng juice ang bawat baso.
Nandito kami ngayon nakatunganga sa mga kumakain sa lamesa.
how about us naman?
"Who is that girl mom?" tanong ng lalaki hindi ko alam ano ang pangalan niya pero sigurado akong anak siya ni Madam.
"Si Avy De Mapili son" sagot nito narinig ko ang pagtawa ng lalaki nagsimula na akong mainis.
Anong problema sa apelyido ko? ang ganda ganda kaya galing pato sa mga ninuno namin. tapus tatawanan lang ng ungas? no no no..
"Hindi ka pala pinipili? dito ka nalang saakin pipiliin kita everyday and anywhere." sabi nito at humagikhik poker face ko lang siyang tiningnan.
"Mhir!"
Bigla nalang may sumigaw dahilan para mapatingin kaming lahat sakaniya si Ajani na nakakatakot ang mukha.
"just eat you're so noisy." sabi pa nito kumain na ulit.
"Okay fine." sabi pa nito at tumingin saakin at kinindatan ako.
Inirapan ko lang siya. tapos na silang kumain kaya kami naman nasa likod kami sa may pool nandito lahat ng guard at mga maids nandito din si Manang espasol. akala ko magpapaka special na naman ang espasol pero kung makatawa daig pa ang baliw.
Dalhin na si espasol sa Mental!
Para silang isang pamilya tawa lang sila ng tawa. feeling ko may matutunan akong dahil sakanila.