Chapter 7

1513 Words
AVY POINT OF VIEW "SIR AJANI!" sigaw ko ng makita ko siya sa harapan ko. "Sir naman! bat kaba bigla biglang lilitaw?!" sigaw ko. Multo ka ba? kanina pa talaga ako nastestress sakit sakit na nang ulo ko pati yung paa ko. "Pinagchichismissan niyo ba ako?" taas kilay niyang tanong saamin ni Lara. "Hindi po ah!" sabi ko at may pailing iling pa napatingin ako kay Lara at umiling din inirapan niya lang kami at napahawak nalang sa sentido. "Bigyan niyo nga ako ng ice bag!" utos niya samin. Kumunot bigla yung noo ko at tinanong siya. "Bakit po? san mo po gagamitin?" tanong ko sakaniya. Hinintay ko ang sagot niya pero bago siya sumagot bumuntong hininga muna siya. bigla nalang akong nabilaunan sa laway ko sa narinig ko. "Yung kapatid ko sinapak ko.." walang buhay niyang sagot at napahawak pa sa sentido niya. "GIVE ME AN ICE BAG NOW!!" sigaw niya nataranta kami ni Lara at hinanap yong lintek na ice bag. Parang kasalanan pa namin na sinapak niya yung kapatid niya. kung makautos wagas kala mo may ginawa kaming kasalanan wala naman. ganito ba talaga ang mga mayayaman? pag mahirap yong kausap nila o walang maibuga pwedeng pwede na nila sigawan. tao din kaya kami parehas naman kaming tao tao din naman sila kung makaasta sila parang diyos. Shemsss.. ang OA ko Niisa-isa ko muna ang drawer si Lara naman ay hinahanap sa may ref yung ice bag wala akong nahanap sa drawer kaya tiningnan ko nalang sa taas ng ref don kasi namin nilalagay yung ice bag namin dati. tama nga ako nasa taas ng ref yung ice bag hindi ko maabot kaya kumuha pa ako ng bangkuan para maabot lang yon. "Shesh.. mahulog ka," palala niya pero bakas ang lamig sa boses. Nang maabot ko na ang ice bag ngiti ako binalingan siya ng tingin tinaas ko pa ang ice bag at taas babang kilay akong lumapit sakaniya pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "What's that for?" taas kilay niyang tanong saakin. "Wala po sir concern ka pala sakin." sabi ko at ngumuso. "Me concerned sayo?" dinuro niya pa yung sarili niya at tumawa pa ng sarkastiko. "Asaka? stupid" sabi niya at ngumisi at inirapan pa ako napa ngiwi nalang ako sa irap niya. "Heh!" sigaw ko May naririnig akong tawa ng bruha kung makatawa wagas binalingan ko si Lara na tawang tawa sa akin. "Heh! isa ka pa!" sigaw ko sakaniya at inirapan siya. Ngumuso siya saakin at binalingan nalang yung ginagawa niya napairap nalang ako at tinulungan siya sa ginagawa niya nang matapos kami ay pumunta na kami sa maid quarters para mag pahinga. wala din naman kasi kaming ginagawa hindi din namin nakita kanina si Manang Cala parang multo palaging nawawala. Kinuha ko yung cellphone ko at chineck kung may load pa ako lumiwanag ang aking mukha ng makita ko na may load pa ako buong galak kong pinindot ang number ni nanang para mangamusta sakanila. Calling 09********* Sinagot din naman nila kaagad iyon. [Hello anak?!] [Nanang! musta po kayo diyan?] buong galak kong tanong kay nanang. [Ayos naman kami, Ikaw okay ka lang ba diyan? pinapahirapan kaba? kumakain ka ba ng maayos?] sunod sunod na tanong ni nanang saakin napangiti nalang ako miss ko na kasi yung boses niya at yung papagalitan ako pag hindi ako kumakain ng maayos. [Oo naman po! may kaibigan mga na nga ako dito at mababait din po yung mga amo ko dito.] sabi ko at ngumiti Kaso yung isa po may mood swings paiba iba mood palaging masungit paminsan naman mabait. bigla nalang lumapit saakin si Lara na nakangiti tinuro niya yung phone ko gamit yung nguso niya. "Nanay ko," sabi ko sakaniya at tumango tango naman siya bigla nalang niyang inagaw saakin yong phone ko napasampal nalang ako sa noo ko. [Hipo tita! kaibigan po ako ni Avy! wag po kayong magaalala alagang alaga ko po namin si Avy at hindi namin siya pababayaan] sabi niya pa at tumingin saakin taas babang kilay ngumiti ako sakaniya at hinila yung buhok niya para maagaw ko yung cellphone ko. "Aray sakit non ha!" reklamo niya sakin ngumuso lang ako at tumawa ng sarkastiko. [Oh siya anak ibaba ko na to may niluluto pa ako baka masunog sasabihin ko nalang sa mga kapatid mo na tumawag ka.] sabi niya at binaba na ang tawag huminga ako ng malalalim at tinago yung cellphone ko. "Ayos ka lang?" taming saakin ni Lara. Tumango lang ako sakaniya at ngumiti ng pilit hinawakan niya yung balikat ko at bumalik na sa higaan niya. kinuha ko nalang yung cream sa may side table at nilagay sa matigas kong pagmumukha hinintay ko lang ang ilang minuto bago tanggalin yon pumunta ako sa banyo at nanghilamos lumabas na ako sa banyo ng matapos kong manghilamos ng mukha pinunasan ko ito ng malinis na towel. "Day off natin bukas av," anya niya "Oh tapos?" tanong ko habang inaayos yung cream at binalik ko na sa drawer ko. "Gala tayo?!" sabi niya dahilan para balingan ko siya ng tingin. "Ayuko!" sabi ko at umiling iling napangiwi nalang ang bruha at umirap sakin. Sabi ko hindi ako sasama pero nakita ko nalang yung sarili ko na naliligo sa banyo habang may sumisigaw sa labas na ang tagal ko daw maligo isang oras na daw ako sa loob. sinuot ko na yung dress na bulaklakin ko na kulay dilaw at irap na binuksan ang pinto bumungad saakin ang naiinis na pagmumukha ng bruha. "Ano natanggal mona yung mga libag mo ha?!" sarkastikong tanong niya saakin. "Bat ba nagmamadali kang bruha ka?!" tanong ko sakaniya "May pupuntahan kasi tayo at kailangan ang maaga don. tapus Ikaw ang tagal tagal mong maligo isang oras kana sa banyo!" "Oh siya.. oh siya.. tara na nga!" sigaw ko at kinuha yung sling bag ko na kulay black. Pinauna kong lumabas ang bruha baka kasi kagalitan na naman ako parang kasalanan ko pang sinama niya ako sa gala gala keneme niya. tsk! Palabas na sana ako ng bigla nalang may tumawag saakin binalingan ko ng tingin kung sino yon si mr sungit lang pala. "Where are you going?" kunot noong tanong niya sakin. "A-ah inaya po kasi ako ni Lara na gumala daw." sabi ko at ngumiti sakaniya tumango lang ito saakin. Nakasuot ito ng long sleeve polo na kulay black at black jeans at sa sapatos naman nakasuot lang ito ng suede oxfords ang hot niyang tingnan este formal pala. sobrang bagay sakaniya idagdag pa yung basa niyang buhok. "San po ang punta sir? mukhang ang formal natin ah!" tinaas baba ko ang aking mata at iritable niya naman akong tiningnan. "None of your business," he said in a cold tone. Bakit pa kasi ako nagtanong sa lalaking to?! Nagtanong kapa kasi yan tuloy yung sagot sayo parang mood swings niya. Bigla nalang akong may narinig na sigaw na galing sa labas mukhang ang bruha ay naiinis na sa kakahintay saakin nginitian ko si mr sungit at sinenyasan siya na aalis na ako pinaningkitan niya ako ng mata at saka naman tumango. tumalikod na ako para umalis ng bigla na naman tinawag niya yung pangalan ko kamot anit akong lumingon sakaniya kahit inis na inis na ako dahil yung bruha alam ko na naiinis na yun sa labas at tinawag pa talaga ako ng lalaking to mukha hindi ako papaalisin pero tinago ko lang iyong ng pilit na ngiti pero nag mukha namang ngiwi. "Yes sir?" mahinahon kong tanong sakaniya. "MUKHA KANG NAIINIS SAKIN." may diin na sabi niya dahilan para mamilog yung mga mata ko sa sinabi niya. Sarkastiko akong tumawa at dinuro ko pa yung sarili ko may pahampas hampas pa ako sa may balakang ko. "Ako sir maiinis sayo?! hindi noh! ano ka ba!" sigaw ko at tumawa ng sarkastiko seryoso lang niya kong tiningnan at napahawak nalang sa bewang niya. "Damn! this girl is getting to my nerves!" sigaw niya at huminga pa ng malalim napahawak nalang ito sa sentido niya at may pa hawi hawi pa ng buhok. Char! may tumalsik pa talagang tubig na galing sa buhok ng ungas oh! Para daw dagdag katangahan, este! pogi points sa mga chixx. Uy chix si me! shems! baka mabatukan ako na wala sa oras nito. "Umalis kana! bumalik kaagad kayo kailangan pa namin ng maid dito." iritableng sabi niya at inirapan ako tumingin pa ito sa wrist watch niya at saka tumalikod na saakin. Ngumuso ako at lumabas na paglabas ko ay bumungad saakin ang naiinis na Lara sinamaan niya ko ng tingin at hinablot ang aking braso saka ako kinaladkad palabas ng mansion. "Aray! nasasaktan ako tangina!" sigaw ko binitawan niya lang ako ng nasa harap na kami ng gate at naghihintay na saamin ang taxi na sasakyan namin. "Kanina pa naghihintay yang taxi Avy jusqq! pumuti nalang yang buhok ng driver wala ka pa!" "ANG OA MO GAGA!!" sigaw ko at hinila yung buhok niya. Mababaliw ako sa ka OAyan ng babaeng to parang tanga! sapakin ko kaya to! "ARAY BITCHH!" sigaw niya at sinamaan pa ako ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD