AVY POINT OF VIEW
NANDITO kami ngayon sa isang La Vegas restaurant halatang mamahalin pangalan palang. kaya pala nagmamadali ang gaga kanina may naghihintay pala saamin na pagkain napanalunan lang daw niya to sa internet sumali kasi siya sa pa game ng restaurant sa internet hindi naman nag atubiling sumali tong isa kaya yun nanalo ang bruha.
"Kumain kana punta agad tayo sa park mamaya." sabi niya at ngumiti saakin.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang kubyertos at magsisimula na sana akong kumain ng biglang sumulpot ang lalaking nakasuot ng Chef suit nakangiti ito saaming dalawa ni Lara. tinaasan ko siya ng kilay natawa naman ito at mahinang umubo bago nagsalita saamin.limang putahe pala ang hinain saamin, ewan ko lang kong mauubos ba namin to!
Nagsimula ng magsalita ang lalaki kaya nasakaniya muna ang buong atensyon ko hindi muna sa pagkain.
Weyt lang foodie ha! may epal kasing pasulpot sulpot.
"Hi Ladies! I'm chef Yam Before you eat, let me introduce each dish to you ladies." sabi ng lalaki na labas gilagid na ngumiti saamin.
Napangiwi nalang ako hawak hawak ko parin kutsara at tinidor, huminga ako ng malalim at tinago ang naiinis kong mukha.
"Kailangan po ba talaga yon?" tanong ni Lara sakaniya.
"Yes madam, that's our policy."
Wala na kaming nagawa kundi tumango nalang ibinaba ko muna ang kutsara, pero hawak hawak ko parin ang tinidor pagnainis kasi ako sa chef nato hindi ako mag dadalawang isip na tusukin to sa nakakaakit niyang mata.
"I'm going to start.. beautiful ladies," sabi niya at kinindatan pa ako napatikhim nalang ako at itinukod ang siko ko sa lamesa at ipinatong ko ang aking baba sa likod ng asking palad hawak ko parin ang tinidor.
Incase kasi, tsk!
"First this our, Bacon Wrap Pork Tenderloin this Pork tenderloin can be a tricky cut of meat. It’s super lean and very tasty, but it’s easy to overcook and make it dry. The good news is that wrapping this pork in bacon will not only help to keep the moisture inside, it’ll also boost the flavor." sabi nito habang tinuturo ang sinasabi niyang 'Bacon Wrap Pork Tenderloin' ang expensive, shesh!
Mukhang dudugo ang ilong ko dito wala akong maintindihan sa sinasabi niya gusto ko ng kumain. yung foodie ko naghihintay na!
Bigla nalang siya nagsalita dahilan para balingan namin siya ng tingin ni Lara.
"Oh, and did I mention it looks incredible? After brushing it with maple syrup, the bacon will turn shiny and crisp!" sabi niya at ngumiti saamin ni Lara.
Patango tango lang kami kunwari may naintindihan kami sa sinasabi nitong lalaking epal.
"This our Texas Roadhouse Prime Rib, It’s big, juicy, bursting with flavor, and not the easiest cut to get right. not to mention, it’s one of the more expensive sides of beef, so you’ll really want to do it justice." sabi niya habang tinuturo ang tinutokoy niya.
Patuloy lang siya sa pag iintroduce ng mga dishes sa lamesa namin nakinig nalang ako sakaniya baka kasi masayang lang yung laway niya sa kakasatsat saamin kung hindi lang man makinig sakaniya. tapos ng maipaliwanag at ipakilala saamin ang dalawang dishes na nakahilera sa lamesa namin rinig ko na ang pagreklamo ng aking tiyan tila nagsasabi na nagugutom na ito naginat inat na ako rinig ko ang mahinang pagtawa ng hinayupak na chef.
"Don't worry ladies, these are the final dishes and you can eat na." He said and messed up my hair I glared at him at inayos ang ginulo niyang buhok.
Narinig ko din ang mahinang ubo ni Lara saakin sinenyasan ko siya gamit ang mga mata ko para tumigil ito. tumigil naman ito at nakay chef Yam na ang buong atensyon namin ni Lara.
"And the last but not the least, the most popular dishes in our restaurant the Barilla Lasagna." sabi niya at dinuro ang lasagna.
Napangiwi ako ordinaryo lang naman itong lasagna at pinaganda lang ang pangalan para magmukhang mamahalin.
"Diba ordinaryong lasagna lang yan ih?! pinaganda mo lang ang pangalan." anya ko at tiningnan ng masama ang chef.
"I'm not done miss beautiful, this lasagna might not be the first thing that comes to mind when you think of fancy dinner recipes, but it’s always a crowd-pleaser. when you make everything from scratch, it’s one impressive dish!" sabi niya at may aliw na turo sa lasagna.
Napakamot nalang ako sa aking noo pinatuloy naman nitong yam ang pag iintroduce sa lasagna.
"As much as I love a good marinara sauce, I think lasagna needs a creamy layer to balance out all that rich flavor. So, this dish, with its ricotta, mozzarella, and Parmigiano-Reggiano filling, is pretty close to perfect! I like to dice up a bunch of veggies, like carrots, sweet potato, zucchini, and peppers, and add them to the meat. they’ll break up and melt into the sauce for added nutrients and lovely pops of color." sunod sunod na paliwanag nito ngumiti naman ito labas gilagid niya, natawa nalang ako parang bata itong impress na impress sa paliwanag niya.
Huminga ako ng malalim at ngumiti sakaniya, grabe ang policy nila halimbawa isang daan ang binili ng costumer at iba't iba pa ang mga putahe. edi kailangan niya pang ipaliwanag iyon? jusko ako ang nagaalala para sa chef nato dapat ipagtanggal na nila ang policy nayan.
"What you are thinking is wrong madam, I don't need to explain if the costumer ordered hundreds of dishes from us. if here he always buys in our restaurant, am I right? sabi niya at ngumiti yumuko ito ng kaunti saamin ni Lara at saka nagpaalam na umalis na.
Napanganga nalang ako sa sinabi niya. paano niya nalaman na yon yung iniisip ko? baliw ba ang mga tao dito o siya lang?
"Kumain ka nalang Avy. wag mo na yun isipin baka mabaliw kapa riyan." anya ni Lara at natatawa pa ito napanguso nalang ako at kinuha ang kutsara.
Tama siya wag ko nalang yon isipin, nagsimula na akong kumain naubos na namin ang lasagna ang most popular daw nila na dish. ang daming keme keme nila nakakarindi kaya ayaw kong kumain sa mga mamahaling restaurant ang daming pasabog.
Nang matapos kaming kumain ni Lara ay nagpaalam na kami sa lahat ng staff ng restaurant at sa impressive na chef na nagsayang ng laway saamin kanina sakaka paliwanag at introduce ng mamahaling pangalang dishes nila.
"Maraming salamat din po sainyo nabusog po kami!" sigaw ni Lara ngumiti lang saamin ang dalawang cashier at ang tatlong waiter.
Pinagbuksan pa kami ni Yam ng pinto ngumiti lang ito saamin at sinenyasan na kaming lumabas na kinindatan pa ako inirapan ko lang siya at lumabas na.
Naghintay lang kami ng masasakyan maya't maya naman ay may huminto saamin ang taxi. sinabi namin kay manong driver ang address ng mansion tumango naman ito at mukhang nakuha niya naman sumakay na kami at nagsimula ng umandar ang sasakyan.
Nagkwentuhan lang kami ni Lara sa buong byahe medjo may kalayuan kasi ang 'Alemeo's Mansion' sa bayan.
"Magkwento ka naman kung bakit ka nag apply ka sa mga Alemeo bilang maid?" tanong niya saakin hinihintay niya ang sagot ko huminga ako ng malalim at saka nagkwento sakaniya.
"Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kailangan ko kasing magtrabaho na agad may sakit kasi ang tatang ko.." sabi ko at huminto muna sa pagsasalita tumikhim muna ako bago magkwento ulit, "kailangan ko din ng pera. ako din kasi ang nagpapaaral sa mga kapatid ko kailangan nilang makapatapos para hindi sila matulad saakin." sunod sunod na kwento ko kay Lara bakas sakaniyang mukha ang pagkamangha sa sinabi ko at ang pagaalala.
"So ano lang ang natapos mo?" tanong niya ulit.
Mapait akong ngumiti sakaniya at nagsalita ulit.
"Second Year College." bulong ko pero halata naman narinig niya iyon halos dumikit na kasi siya sa pagmumukha ko.
"Second Year College." halos pabulong niyang sagot natawa nalang ako sa pagmumukha niya tila namangha ito sakin.
"Bakit?" natatawang tanong ko.
Napahilamos siya sakaniyang mukha kahit walang tubig mahina itong umubo bago nagsalita.
"Jusko Avy! ako nga Grade 10 lang ang natapos. so anong course ang kinuha mo?"
Tumawa ako ng mahina namimilog kasi ang mga mata nito habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Law and Criminal Justice." sagot ko at ngumiti ng mapait.
Yung pangarap ko na naglaho na parang bula malapit na sana ako sa finished line pero biglang nawala lang ang pinaghirapan ko. naalala ko pang nagbabasa ako ng mga makakapal na libro at tinatawag ng mga kapitbahay ko na future attorney.
But it's all fade.. all the nice things they had said to me before were replaced by insults and frustration.
Ang buong akala ko ay hindi na ako makakaahon pero ito ako ngayon ang isang kinamumuhian kong trabaho noon ay naging trabaho ko ngayon.
Naalala ko pa àng sinasabi ko noon na hinding hindi ako magpupunas ng lamesa na nakasuot ng uniform ng maid. at hindi ako maglilinis ng kwarto na hindi akin pero ano ako ngayon naglilinis ng kwarto na hindi ako ang mayari kundi ang mga amo ko.
Hindi ko na malayan na may tumulo na palang luha sa aking pisngi bigla nalang akong niyakap ni Lara dahilan para mapahagugol ako sa kaniyang balikat.
"Shhh.. I'm so proud of you Avy, I'm here always, I'm your friend na kaya pwede kang mag open saakin always. my ears are always open to listen to you Av." sabi niya at hinihimas ang ang aking likod tila pinapatahan ako.
Tumahan lang ako ng biglang magsalita nag driver nakangiti ito saamin ni Lara.
"Nandito napo tayo ma'am," sabi ni manong driver na may ngiti sa kaniyang labi.
Sumilip ako sa bintana para kumpirmahin kong nasa mansion na ba talaga kami. nasa harap na namin ang gate unang lumabas si Lara lalabas na sana ako ng bigla nagsalita si manong driver.
"Sobrang proud ako sayo ma'am naniniwala ako na yong pangarap mong naglaho ay maabot mo din, hindi man ngayon pero malapit na. palapit kana sa finished line ma'am." sabi ng driver at ngumiti saakin.
Napangiti ako sa driver naramdaman may tumulo ulit na luha sa pisngi ko.
"Maraming salamat manong driver." pagpapasalamat ko sakaniya at saka bumaba na.
Hinintay namin na umalis si manong driver bago pumasok sa gate.
Nakapasok na kami sa loob ng mansion ng bumungad saakin ang nanaliksik na mga mata ni mr sungit napalunok nalang ako at ngumiti ng pilit sakaniya. kumunot ang noo niya habang nakatingin sa pagmumukha ko nakuha ko naman iyon nakalimutan kong punasan ang mga luha ko nanuyot na ito sa aking pisngi.
"Why are you crying? inaway kaba ni Lara?" taas kilay niyang tanong saakin.
Natatawang lumingon ako kay Lara na gulat na gulat sa sinabi ni mr sungit napa 'o' pa ang bibig ni Lara sinamaan niya ko ng tingin at saka sumagot kay Sir Ajani.
"Hala! Sir hindi noh!" sagot niya at inirapan ako.
"Hmm.. So why does she have a tear on his cheek?" tanong ulit nito.
"A-ah e-eh.."
"What!? sigaw niya saamin halos mapatalon ako sa gulat sa sobrang lakas ng kaniyang boses mayroong itong deep voice at sisigaw lang ito ng kaunti ay aalingaw ngaw na sa buong mansion.
"Nothing sir, pasok muna ako sa kwarto magbibihis lang ako." paalam ko sakaniya ngumiti muna ako ng mapait bakas sakaniya ang pagtataka dahil sa inuusal ko bumuntong hininga ako at nakayuko na tumungo sa maid quarters.