AVY POINT OF VIEW
"Avy, tinatanong kita!" sigaw ni Mr sungit halos mapatalon ako sa gulat muntik tuloy matapon ang juice.
Huminga ako ng malalim at inayos ang dalawang baso ng juice para hindi mahulog baka kasi mapatay pa ako ng demonyo sa harapan ko pag matapon ko to sa pagmumukha niya.
"A-ah sir.." sagot ko sakaniya at binalingan ko lang siya ng tingin napatikhim nalang ito dahil sa inis.
Ramdam ko parin ang pagtitig saakin ni Ian nakangiti ito saakin tila masaya na nakita ako natatawa pa ito sa pagmumukha ko, sipain ko kaya to?!
"Hindi naman Ikaw ang inutusan ko.." sabi niya saakin taas kilay pa ito, "pero bakit Ikaw ang gumawa sa inuutos ko kay Lara?" nakataas parin na kilay na tanong niya saakin umubo ako para iklaro yung boses ko para sumagot sakaniya napahalukipkip ito habang hinihintay ang sagot ko.
"May Inutus kasi sakaniya si Madam." sagot ko umirap lang ito bumuntong hininga ko para ikalma yung sarili ko naiinis na talaga ako sa lalaking to.
"Ok. pakilapag nalang yan hawak mo baka matapon payan sa pagmumukha ko at baka masesante ka sa katangahan mo." sabi niya at may diin sa pagsabi ng 'ok'
Kung itapon ko kaya to sa pagmumukha niya, tapus mag dadahilan ako dahil sa katangahan ko? ayos yun para mahimasmasan din siya at hindi na magsungit.
Inilapag ko na ang tray ramdam ko parin ang pagtitig ni Ian sakin hindi ko nalang ito pinansin mamaya nalang ako makipag chika sakaniya pag umalis natong ungas nato. bigla nalang tumunog ang cellphone ng ungas taranta niya itong kinuha sa bulsa niya.
"Excuse me, magmeryenda ka muna magusap tayo mamaya." sabi niya kay Ian na kinakunot ng noo ko.
Maguusap para saan? ano na naman ang pinasok na gulo nitong lalaking to! tumango lang ito kay mr sungit tumayo na si sungit at pumunta sa may gilid ng pool para sagutin ang tawag.
Napatingin ako sakaniya ng masama dahilan para ngumiti ito ng nakakaloko saakin. bigla nalang ito napa sigaw sa hangin hinila ko lang kasi ang tenga nito paano ba naman may sinangkot sigurong gulo bakit to nandito.
"Hoy talipandas! anong ginagawa mo dito? may ginawa ka nanamang gulo noh?!" sigaw ko sakaniya habang hila hila parin ang tenga niya. inirpan niya lang ako tinaasan ko siya ng kilay at binitawan na ang tenga niya hinimas himas niya pa ito masakit siguro ang pagkahila ko.
"Tss.. hindi Kokey noh nag apply ako bilang driver ni Sir AJ." sagot niya saakin na may pataas baba pang kilay tila proud sa sinabi napaawang nalang ang bibig ko dahil sa narinig ko.
Tama ba yung narinig ko o sadyang tama talaga? ano nanamang pumasok sa kokote ng talipandas nato at naisipan pa talagang mag trabaho bilang driver.
Napakunot nalang ang sentido ko at hinila nanaman ang tenga niya napasigaw nanaman ang talipandas sa hangin.
"Masakit aray! isa, avy bitaw." sinamaan niya ko ng tingin pero mas hinila ko pa ito pero binitiwan ko naman agad halos mangiyak ngiyak na kasi to ayaw ko pa naman makarinig ng talipandas na umiiyak.
"Mashaket," nakangusong reklamo nito sakin humalukipkip nalang ako at mataray na nakatingin sakaniya.
"Magexplain kanga!" sigaw ko sakaniya bumuntong hininga ito at pinatong ang dalawang kamay sa lamesa.
"Dito ako inasign ng agency ko,okay and nagapply ako para may pantustos ako sa pag-aaral ko." pagpapaliwanag niya saakin dahilan para mapangiti ako yumuko ako at niyakap siya.
Namiss ko ang bestfriend ko pero sobrang liit ng mundo at nagkita pa talaga kami dito. umalis kasi siya nong highschool pa kami sa probinsya namin hindi ko alam kung bakit pero iyak lang ako ng iyak non. paano mawawalan ako ng superman yun yung bansag ko sakaniya, siya kasi yung palaging nagproprotekta saakin pag inaaway ako ng mga kaklase at kalaro namin noon. bumalik lang ako sa reyalidad ng biglang may sumigaw sa likod namin yung sigaw na aalingaw ngaw talaga sa buong mundo ang sakit sa tenga.
"Why are you two hugging each other?" tanong saamin ni sungit na sigurado akong nakataas na ang mga kilay non binalingan ko siya ng tingin at tama nga ako taas kilay at nakahalukipkip na pinagmamasdan kami.
Kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay Ian at tumayo na inayos ko pa ang nakakunot na damit ko.
"Bawal ang lovebirds sa pamamahay ko." iritableng pagpaalala niya saamin.
Napangiwi nalang ako sa pinagsasabi niya. anong lovebirds? sinong nagsabi na mag lovebirds kami ng talapandas nato?! nakakarindi kaya tsss pagmumukha nito parang temang.
"Lovebirds?!" sabay na sigaw namin ni Ian na nagtataka sarcastic akong natawa.
"FYI NIYO HINDI KO AT SECOND OF ALL, sinong nagsabi na mag lovebirds kami? mag besty lang kami and not lovebirds." nakangiwing sabi ko sakaniya inirapan niya naman ako at umalis na.
Ang hilig hilig umirap para namang TANGA. mas iconic parin ang irap ni Manag Cala nohh labas eyeball.
Bigla nalang bumalik si sungit na iritang tinawag ang pangalan ni Ian na umalingaw ngaw na naman.
Parang may microphone ang bibig apakalakas lakas kung sumigaw.
"Ian let's go! magusap tayo sa sala wag dito may babae kasing tsanak dito." inis na sabi niya at parang temang na tinalikuran ako.
Sumunod naman ang isa at ngumuso pa saakin nakangiwi ko siyang tiningnan at hinintay na makapasok sa loob. pailing iling pa akong niligpit ang meryenda nila na hindi man lang ginalaw.
Sayang effort ko dito hindi man lang ginalaw ng talipandas at ng ungas tinawag pa talaga akong tsanak ng ungas. kainis!
Tumungo na ako sa kusina at nilagay na ang tray sa kusina halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita na demonyo.
"Ay demonyo!" gulat na sigaw ko.
"Nagtatawag kaba ng demonyo?" tanong saakin ni Manang Cala tinaasan niya pa ako ng kilay.
Nakabalik na pala siya, si Abiy kaya kailan babalik yon? inosente ako tumingin sakaniya at nginitian pa siya umiling ako bilang sagot.
"Hay nako Avy, pumunta ka sa taas kunin mo sa kwarto ni sir Ajani ang mga labahan niya. maliwanag ba?"
"Ah sge manang.. huhugasan ko muna to." sagot ko sakaniya umiling pa ito at pumunta sa pool area.
Sinilip ko ang labas magdidilim na pala dinalian ko na ang paghugas ng baso ibinalik ko nalang sa ref ang sandwich hindi naman nagalaw kaya pwede pa kainin. nang matapos ako sa paghuhugas kumuha ako ng basket para lalagyan ng maruruming damit ni mr sungit.
Napadaan pa ako sa sala naguusap sila sinulyapan pa ako ni mr sungit akala niya makikinig ako sa pinaguusapan nila. aakyat na sana ako sa hagdanan ng bigla niyang tinawag ang beautiful name ko.
"Avy, where are you going?" tanong niya saakin dahilan para mapatingin saakin si Ian.
"Sa kwarto niyo kukunin ko ang mga marurumi mong damit mr su- este! sir Ajani." sagot ko sakaniya at nginitian siya ng matamis kong ngiti.
Sing tamis ng tobleron, rawr!
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umakyat na sa hagdan, wala akong balak makipag bardagulan sa CEO na masungit na yon.
Pumasok ako sa kwarto niya kumatok pa ako baka kasi may tao pero wala naman kaya pumasok na ako, ang akala ko ay ang aabutan ko ang bagyong yolanda pero hindi. sobrang linis amoy na amoy mo pa ang pabango ng lalaki ayos na ayos ang mga kama naka organize pa ang mga papeles at mga folder sa study table.
Minsan napapaisip nalang talaga ako, kung lalaki ba siya o bakla? mas organize pa ang kwarto niya kesa sa dalawang kapatid niya.
Hinanap ko ang basket mga maruruming damit ni mr sungit pumunta ako sa banyo niya at don pala nakalagay ang basket niya. mapawow ka nalang talaga dahil sa sobrang linis ng banyo niya at organize na organize ang mga shampoo at mga skincare niya.
idol ko na talaga siya sa pagoorganize.
KINAUMAGAHAN ay nandito ako ngayon sa may sala nangungulangot ngayon lang kasi ako nakapag kulangot nong kahapon kasi wala baka dumami na sila sa mahiwagang butas ko.
Avy dugyot!
Halos mapatalon ako sa kinauupoan ko ng may biglang magsalita sa tenga ko binalingan ko ito. and guess who? ang talipandas palang Ian, sinamaan ko siya ng tingin nakangisi pa ito sa sobrang inis binatukan ko siya.
"Aray! ang sakit non ha!" reklamo niya sabay himas sa batok niya.
"Nanggugulat ka kasi." sabi ko sakaniya at inirapan siya.
"Ang aga aga na ngungulangot kana. ang dugyot mong tingnan." sabi niya inirapan ko lang siya tinigilan ko na ang pangungulangot mukhang wala na naubos na ata.
Napatingin ako sakaniya na nakaupo na pala sa tabi ko sinandal niya pa ang ulo niya sa balikat ko
"Namiss kita," sabi niya saakin dahilan para mapangiti ako sinandal ko din ang ulo ko sa nakasandal na ulo niya sa balikat ko.
"Ako din naman." sagot ko sakaniya hinawakan niya pa ang kamay ko at hinimas yon.
"Wala akong sinabi na kasama sa trabaho na maglandian." napaangat nalang ang ulo namin ng makita ko ang naiinis na Ajani sa harapan namin.
Tong taong talaga to! ang hilig hilig sumulpot multo ata to ih. umayos ako ng upo at napatayo sa kinauupoan ko ganon din si Ian.
"Sorry po sir.. magcacarwash muna ako ng sasakyan." sagot ni Ian tiningnan niya pa ako ngumiti lang sako sakaniya lumabas na ito binalingan ko na ng tingin si mr sungit na nakataas na ang isang kilay.
"May kailangan po ba kayo sir?" tanong ko sakaniya.
"Nothing, I just want to remind you to work first before flirting with my driver." sagot niya at inirapan pa ako napaawang nalang ang labi ko dahil sa sinabi niya tiningnan ko pa siya paakyat ng hagdan padabog kasi itong umakyat.
Ano na naman ang pinagsasabi nitong lalaking to? na baliw na ata.
Kamot ulo akong pumunta sa kusina at maabutan kong nagluluto si Lara don. tumabi ako sakaniya at tiningnan ang niluluto at siniko ng mahina para pansinin niya ako binalingan niya lang ako ng tingin at hinihintay ang sagot ko.
"May problema ba si sir?" tanong ko kay Lara na kinakunot ng noo niya.
"Hah?" takang tanong niya sakin.
"Ang sungit niya," sabi ko sakaniya dahilan para matawa ito sakin.
"Hindi kana nasanay Av masungit naman talaga yan dika na nasannay." sagot niya saakin
"Mas nasobrahan ang sungit niya ngayon parang galit na galit siya sa mundo. pinaglihi ata ni madam sa sama ng loob." sabi ko dahilan para tumawa ng malakas si Lara inirapan ko siya at chineck ang niluluto niya.
Tahimik lang si Lara na nagluluto habang ako naman nagtitimpla ng orange juice para sa mga amo ko ng bigla nalang may sumigaw.
"GUYSS!!" sigaw ng kung sino.
"Ay kabayo na palaka na gumagapang!" sigaw ko napatingin ako kay Lara at Abiy na pinagtatawanan na ako ngayon napanguso nalang ako sa inis at tinapos ang ginagawa ko.
"Namiss niyo ba ako?" tanong niya samin.
"Hindi." inis na sagot ko
"Sorry na Avy hindi ko sadya maiba nga... sino yung gwapong nagcacarwash sa labas?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sakaniya.
"Gwapo sa labas? may gwapo sa labas?" tanong ni Lara
Tong dalawa nato basta gwapo ang hahype napakamot nalang ako sa noo ko at itinabi muna ang juice bago magsalita.
"Si Ian yun childhood bestfriend ko." sagot ko dahilan para mapatingin saakin sina Lara at Abiy saakin.
"Ah yon gwapo nga yon kausap ni sir Ajani yun ih." sabi ni Lara na may patango tango pa napailing nalang ako.
Pinagmasdan ko kung ano ang magiging reaksyon ni Abiy pero namula lang ang pisngi nito at ngumiti saakin napangiwi nalang ako binalingan ko si Lara na tapos na pala sa pagluluto.
"Sge mga beybee! dalhin ko lang sa kwarto ko to may pasalubong pala ako sainyo." sabi niya saamin at taas babang kilay pa bago tumalikod saamin at umalis na napailing nalang ako.
Natawa nalang ako sa inasta niya ang saya niya, siguro okay na yong problema niya kaya sobrang ganda ng ngiti niya.