Chapter 11

1698 Words
AVY POINT OF VIEW "Avy!" tawag ng kung sino saakin. Binalingan ko ito ng tingin si Manang Cala lang pala buhaghag ang buhok maayos ito yung mukha niya lang talaga parang espaso. seryoso lang itong nakatingin saakin at may hawak hawak na papel sa isa niyang kamay at ballpen naman sa isa. ano kaya nililista nito? Listahan siguro ng mga papatayin niya. Nandito pala ako ngayon sa sala nagvavacume sina lara naman at abiy nasa pool area naglilinis habang ako ito iniwan nila gusto daw nila malanghap ang sariwang hangin. bakit ako ba hindi? "Ah bakit may dala ho kayong papel at ballpen?" tanong ko sakaniya bigla nalang siyang napatingin sa hawak hawak niyang papel at ballpen. "Pwede ba Ikaw muna ang mamalengke ngayon? may gagawin pa kasi ako." Napatingin ako sa hawak hawak kong vacume at saka lumingon kay manang na naghihintay ng sagot ko tumango nalang ako ngumiti siya saakin sinuklian ko din iyon ng pilit na ngiti na nag mukha namang ngiwi. "Ah ito mga listahan yan, oh siya Ikaw na bahala Avy ha salamat pala." sabi niya saakin at binigay ang listahan saka tumalikod na paalis. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang papel inamoy ko pa ito amoy pabango. alam niyo yung juicy na cologne yun yung amoy. Kunot noo ko itong binuklat at, shala! bumungad saakin ang mga bibilhin ko binasa ko ito isa isa nang matapos ko itong basahin inilagay ko muna ito sa bulsa ko at tinapos ang pagvavacume. tapos nako at bumalik sa kwarto at nagbihis lang ako ng damit. "Uy! saan punta natin?" tanong saakin ni Ian habang nagpupunas ng SUV. "Mamalengke." sagot ko "Where are you going Avy?" tanong ng kung sino. Hindi ko alam kung nasa likod ko ba o nasa gilid ko lang. lumingon ako sa likod ko at halos mapatalon ako sa gulat ng makita si mr sungit na nakaformal at medjo basa pa ang buhok. "Ah sir mamalengke ho." "Pwede pong samahan si avy sir? kung okay lang?" alanganing tanong ni ian kay mr sungit na nakakunot na ang mga noo ngayon. "No. I'll go with her, just stay here. is it clear?" Sabi saamin ni sir at may diin pa sa pag sabi niyang No na parang sasabog na sa galit kahit anong oras. halos lumaki din ang mata ko sa narinig ko na nag mula sa bibig ni sungit napalunok nalang ako at napatingin kay ian na gulat na gulat din. Hindi siguro niya inexpect yon. "Ah pero sir—" may sasabihin pa sana ako ng bigla nalang siya magsalita. "No pero pero… Let's go, get in the car." napaawang na labi akong tumingin sakaniya at alam ko na seryoso siya wala kasing bakas na emosyon sa itsura niya sumunod nalang ako at sumakay nalang ako sa SUV bigla nalang binato ni ian ang susi kay sir Ajani at nasalo niya naman iyon. Tumingin ako sakaniya ngumiti lang ito saakin at tinanguan pa ako nagpilit lang ako ng ngiti. pinagmasdan ko si mr sungit na umikot para tumungo sa driver sit. Tahimik lang kami sa buong byahe medjo malayo pa ang palengke sa bayan pa kasi yon. nakatingin lang ako sa bintana habang si sungit naman sinusulyapan ako tapos babalik din naman agad ang tingin sa daan. "May pera kabang dala?" tanong niya saakin at pagsira niya sa katahimikan namin. Kinapa ko yung bulsa ko pero listahan lang yon ng mga bibilhin sa palengke. dahan dahan akong napatingin kay sir Ajani na ngayon nakataas ng kilay saakin ngumiti ako sakaniya ng inosente inirapan niya lang ako at binilisan ang pagtakbo ng sasakyan. "S-sir wala po akong dalang p-era– ugh" Halos masubsub na ako sa sasakyan dahil sa pagbigla niyang pag break. mabuti nalang at nakahawak ako sa upoan ko nakalimutan ko pa pala mag seatbelt. "Aray! ingat naman!" sigaw ko sakaniya napatingin lang ito saakin tila nabigla din sa pagsigaw ko. Avy ang tanga mo sobra boss mo rin yang sinigawan mo. Napasampal nalang ako sa noo ko dahil sa pagsigaw ko. "Tss.. are you okay? Why aren't you wearing a seatbelt?" sunod sunod na tanong niya saakin nakayuko parin ako at nakahawak sa upoan ko. "Umayos ka nga ng upo ako na magkakabit ng seatbelt mo." sabi niya saakin at tinabi muna ang kotse. Umayos ako ng upo halos pigilan ko ang paghinga ko sa paglapit saakin ni sungit. naamoy ko din ang pabango niya halos hindi ako makagalaw nakatingin din ito saakin hindi ko nalang namalayan na tapos na pala. "Bat ganiyan ka makatitig? tapos na." sabi niya at pinitik ang noo ko napahawak nalang ako sa noo ko narinig ko pa ang mahina niyang tawa. Pinaandar na niya ang sasakyan at nagsimula ng mag drive tahimik parin ako sa buong byahe namin. nandito na kami sa palengke pinarada na niya ang sasakyan niya bumaba na ako lalakad na sana ako papasok ng palengke ng bigla nalang niya akong tinawag. Hindi sa pangalan ko kundi Hoy oo hoy yung pantawag niya sakin. "Hoy! wait me!" sigaw niya Napahalukipkip nalang ako at inis na hinintay siya. ang ganda ganda ng pangalan ko tapos hoy lang yung itatawag sakin. pagkababa niya halos pinagtitinginan siya ng mga babae na napapadaan nakangiwi akong tumingin sa mga babaeng talipandas na kanina pa kilig na kilig sa nakikita nilang gwapo at si sungit yon. sino naman kasi ang hindi kikiligin sa itsura nayan diba? halos lahat ng makakita sa pagmumukha niya ay kikiligin talaga. except saakin period. Nasa mga babae parin ang tingin ko mga apat sila bigla nalang silang tumingin saakin ng masama nagulat nalang akong ng may biglang magsalita sa harapan ko. "Who are you looking at?" tanong niya saakin. Kaya pala masama ang tingin saakin ng mga babaeita na yon nasa harapan pala ang crush nila tumingin ako sakanila at inirapan sila saka nagflip hair at tumalikod. una akong lumakad bigla nalang may humawak sa kamay ko halos maestatwa ako sa sobrang lambot ng kamay parang hindi nagtratrabaho. "Don't assume, I just held your hand baka kasi mawala ako say– I mean Ikaw." paliwanag niya saakin napailing nalang ako. "Okay sir sabi mo ih humawak ka lang sa kamay ko." sabi ko at nginitian siya ng nakakaloko inirapan lang niya ako napangiwi nalang ako at sa dinadaanan nalang namin ako tumingin. Nagsimula na akong tumingin tingin ng mga isda binalingan ko muna si sungit na ngayon ay nakangiti sa mga isda. baliw na ata to. "Sir sure kaba talagang–" hindi nalang natuloy yung sasabihin ko ng bigla nalang siya magsalita sa tindera. "1 kilo of milk fish please." sabi niya sa tindera na ngayon ay nagtataka sa pinagsasabi niya. "A-ah ateng bangus ho isang kilo." sabi ko kay ateng tindera tumango naman siya at nagsimulang ikilo ang mga bangus na kinuha namin. Nang matapos kami sa mga isda sa may gulay naman kami pumunta masyadong marami ang tao kaya nakahawak parin ang mga kamay namin. ng nakaabot kami sa mga gulayan pumili na ako ng mga gulay na nasa listahan. "I will carry the plastic bag." sabi niya ata binigay ko naman sakaniya ngumiti ako sakaniya sinuklian lang niya ako ng pilit ng ngiti binalingan ko na ang nagtitinda ng gulay. Habang namimili ako ng mga gulay may mga dumadaan na mga estudyante sa likod namin at nag ewan ng mga komento na kung mga ano ano. Ang gwapo naman. siguro asawa niya. Ay hindi sila bagay hindi naman kagandahan ang babae. Huminga ako ng malalim at binalingan ang isang babaeng nagsabi na hindi ako kagandahan tinaasan ko siya ng kilay napaiwas nalang siya ng tingin binalingan ko ang nagtitinda ng gulay na may sinasabi. "Asawa mo hija?" tanong saakin ng tindera napaubo nalang ako sa sinabi ng tindera. "A-ah hind–" may sasabihin pa sana ako ng bigla nalang nagsalita ang ungas. "Yes! I'm her husband." sagot ni sir Ajani naestatwa nalang ako sa kinatatayuan ko may sasabihin pa sana ako pero umurong yung dila ko. Napatingin ako sakaniya at nakangiti na ito ngayon ng nakakaloko sinamaan ko siya ng tingin at binalingan ko ulit ang tindera at tinuro ang mga bibilhin kong gulay. inilagay niya naman ito sa plastic bag at ibinigay saakin kukunin ko na sana nang biglang kunin ni sir Ajani binayadan niya na din ang tindera. para kaming magasawa na namamalengke. Pero malabo naman mag kagusto tong ungas nato sakin mas gugustuhin pa ata niya yung maganda ang trabaho at maganda at sexy. Wala akong maayos na trabaho pero kagandahan meron naman. Tapos na kaming namili marami parin ang mga tao nakahawak parin ang kamay niya saakin hinayaan ko nalang paminsan lang naman to. nakalabas na kami sa palengke at tumungo na sa kotse niya nang makaabot kami sa kotse nagtinginan pa kami hanggang sa pababa sa kamay namin at saka binitawan iyon umiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa mga ulap. Uy may ibon! "Hey! my wife sakay na!" sigaw niya dahilan para mapatingin ang mga tao sa gawi namin nilakihan ko ang mata ko para tumigil siya pero ngumisi lang ito nakasakay na pala siya sa kotse. Sumakay na ako sa harap kung saan ako umupo kanina sinamaan ko siya ng tingin at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan. "Easy my wife, masira!" Natawa nalang ako at tinapon sa likod ng sasakyan ang papel na hawak hawak ko. sinamaan niya ako ng tingin napanguso nalang ako bigla nalang namula ang tenga at pisngi niya. "Bat namumula ka? hindi naman mainit kanina ah?" sunod sunod na tanong ko sakaniya dahilan para umiwas siya ng tingin. "Mag seatbelt ka." utos niya dali dali ko naman kinabit ito. "Done." sabi ko at buong galak na ngumiti sakaniya napangiwi nalang ako ng pinaharurut niya bigla ang sasakyan. Mabuti nalang at naka seatbelt na ako kundi nasubsub na talaga ang pagmumukha ko. tahimik parin kaming dalawa sa byahe nakatingin lang ako sa labas ng bintana ilang oras din kaming bumyahe. bigla nalang huminto ang kotse nilibot ko ang tingin nasa loob na kami ng mansion tinanggal ko na ang seatbelt at kinuha sa sahig ng kotse ang mga plastic bag. baba na sana ako ng biglang tinawag ako ng ungas. "A-ah Avy..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD