Chapter 12

1474 Words
AVY POINT OF VIEW "A-Ah Avy…" Binalingan ko siya ng tingin at hinintay ang sasabihin niya tinitigan niya lang ako kunot noo ko siyang pinagmasdan. para siyang may sasabihin pero hindi niya lang masabi sabi. "Nothing." tipid na sagot niya at nagalanganin na tumingin sa manibela. Napangiwi nalang ako sa inasta niya, ano daw yon tinawag niya ko tapos nothing lang isasagot? ano trip ng ungas nato. bumaba na ako at sinarado ang pintuan ng kotse pagpasok ko sa loob bumungad saakin ang ian na parang may bulate pabalik balik siyang lumakad at tila hindi mapakali taka ko siyang tiningnan mukhang hindi niya naramdaman ang presensiya ko. "Hoy! para kang timang sa ginagawa mo!" sigaw ko sakaniya dahilan para tumigil siya sa pabalik balik niyang lakad para siyang may bulate sa pwet. Tumingin siya saakin at ngumiti bumuntong hininga pa siya at kinuha ang mga bitbit kong plastic bag. Syempre hindi naman ako chossy kaya binigay ko na sakaniya. Mabigat din kaya yung dala ko kaya binigay ko noh. "Ang dami naman ng pinabili sayo kawawa ang avy ko." sabi niya at ngumuso saka tumalikod at tumungo sa kusina napairap nalang ako sa hangin. Sobrang OA! "Hindi naman ako nagbitbit niyan tinulungan din kaya ako ni sung– sir ajani." sabi ko sakaniya dahilan para mapahinto siya at lumingon sa gawi ko. "Hah? tinulungan ka niya?" hindi makapaniwalang tanong niya tumango lang ako napa 'ah' nalang siya at tumango ng alanganin. Nilagay na niya sa counter table ng kusina ang mga plastic bag tinulungan niya din ako sa paglagay ng isda sa tupperware at ng mga gulay sa ref. napangiti nalang ako ayaw talaga ni ian na nahihirapan ako. Ito kaya ang dahilan kung bakit siya dito inasign ng agency niya? Nang matapos kami sa paglagay ng mga gulay hinugasan ko din ang mga plato na nakatambak lang sa lababo habang si ian naman kumakain lang sa counter table ng cake. nilingon ko siya ngumiti lang ito saakin habang may laman ang bibig napangiwi nalang ako at tinuloy ang paghuhugas nang matapos ako ay pumunta ako sa counter table kung saan may lalaking talipandas na kumakain ng cake. "Ghusto mo?" tanong niya habang may laman ang bibig natawa nalang ako sa itsura niya may mga chocolate pa siya sa gilid ng labi niya. Kumuha ako ng tissue at hinawakan ang pisngi niya para punasan ang gilid ng labi niya titig na titig pa to saakin pero hindi ko nalang pinansin. "Ayan tapos na, ang dugyot mong kumain." sabi ko at napangiwi at tinapon sa trash can ang tissue na pinamunas ko. Nang matapon ko na sa trash can bumalik kaagad ako sa tabi niya kumakain parin ito. pinagmasdan ko siyang kumakain sarap na sarap pato sa kinakain niya natawa nalang ako sa itsura niya. para kasi siyang batang patay gutom. Tumatawa pa ako ng bigla nalang niyang sinubo saakin ang cake halos mabilaukan ako sa pagsubo niya ang laki panaman yon hindi ko tuloy malunok sinamaan ko siya ng tingin tinawanan niya lang ako. inirapan ko lang siya at kumuha ng tissue saka pinamunas sa gilid ng labi ko. halos mabilaukan ako sa gulat ng bigla nalang may nagsalita sa harap namin seryoso ang boses nito at hindi mo alam o naiinis o ano ih. "What are you two doing?" tanong niya saamin ni ian. Kumakain. diba halata? yan sana ang isasagot ko pero baka masisante ako ng wala sa oras. "A-ah sir–" magsasalita na sana ako ng bigla nalang magsalita ang ungas. "I really don't care what you two are doing there, ang saakin lang kung sa oras ng trabaho ayaw kong makita na naguusap kayong dalawa sa oras ng trabaho niyo. nakakaintindi ba kayo?" Napalunok nalang ako sa sinabi niya. hindi ko alam kung bakit nagka ganiyan nanaman tong lalaking to kanina ayos lang naman siya nakikipagusap panga siya saakin. pero bakit ngayon para siyang inis na inis saamin ni ian pagnakikita niya kaming magkasama? Nakahalukipkip siyang pinagmamasdan ako tumango nalang ako at saka ngumiti tinaasan niya lang ako ng kilay at inirapan napangiwi nalang ako sa itsura niya. Temang! tsss.. "Ian let's go ihahatid mo ako ngayon." sabi niya at tatalikod na sana ng biglang nagsalita si ian. "Diba sir every Monday and Friday lang kita ihahatid ih Thursday ngayon ih." sabi ni ian na ikinangisi ni sungit. "I know.. I don't want to drive so you will take me to the company and wait for me until I finish my work." sabi niya saakin at ngumisi saakin kumunot nalang ang noo ko. May problema ba siya kay ian? bakit ganiyan siya? gusto niyang maghintay si ian hanggang sa matapos ang trabaho niya. baliw na ata to! "Sir bakit–" magsasalita na sana ako ng bigla nalang magsalita si ian. Tangina! ayaw niyo ba akong pasalitain? Kung magsasalita ako bigla bigla nalang may magsasalita. naiinis na ako! "Okay sir!" galak na sabi ni ian na ikagulat ko hinawakan ko siya sa braso pero ngumiti lang ito na parang okay lang sakaniya sinamaan ko ng tingin si sir sungit na inirapan lang ako. Pinagmasdan ko silang dalawa na tumalikod at lumakad paalis bumuntong hininga nalang ako at inilagay sa lababo ang pinagkainan ni ian. Pumunta ako sa pool area para hanapin sina lara pero wala sila doon sunod kong pinuntahan ang maid quarters pero wala din sila don. napakamot nalang ako sa noo ko at tumungo nalang sa sala para magpahinga bigla nalang may bumaba sa hagdan si sir mhir lang pala. "Hi sir goodafternoon!" buong galak kong bati sakaniya ngumiti lang ito saakin at sinuklian ako ng walang ganang pagbati. "Goodaftie ate." pagbati niya saakin mahina lang ito pero rinig ko naman. "Bakit parang wala kang gana?" tanong ko sakaniya nilapitan ko siya at hinawakan ang noo niya. " wala ka namang sakit?" kunot noong tanong ko mahina lang itong natawa at tinanggal ang likod ng palad ko na nakahawak sa noo niya. "Pagod lang ate." sagot niya na ikinangiwi ko. Pagod saan? saan naman to mapapagod sa bagay palagi naman tong wala sa bahay palaging gabi umuwi tapos tung isang kuya niya naman palagi din wala gabi din kung umuwi busy daw sa school na pinamana sakaniya. habang tung amhir naman palaging tambay sa casino. "Sa alin?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay. "Sa babae––pinagod ako ng babae." sabi niya na ikangiwi ko humalakhak siya dahilan para hampasin ko ang braso niya napa aray nalang siya at hinimas ang braso niya. "Ate paano kung na obsessed ka sa pabango niya dahilan para hanap hanapin mo siya?" tanong niya dahilan para kumunot ang noo ko. "Hah?" Napa hah tuloy ako naguguluhan ako sa pinagsasabi nitong batang to. ano Obsessed sa pabango? may ganon ba? ngayon ko lang to nalaman. "Wala ate" sagot niya at ngumiti saakin. "Birthday mo na next week diba?" tanong ko tumango lang ito at tumungo na sa kusina napaupo nalang ako sa long sofa at nilaro laro ang mga daliri ko. Para akong siraulo sa ginagawa ko. NANDITO ako ngayon sa labas dinidiligan ang mga halaman 6:50 pm na madilim na ang paligid may naglalaro pang mga bata sa labas nag pasama din ako kay lara at abiy na iniwan ako kanina pumunta sila sa parke na sila lang dalawa kaya ito ngayon sinusuyo ako ng mga bruha. Kanina ko pa sila iniirapan pero dahil baliw sila tawa lang sila ng tawa sa bawat irap ko ng matapos ako sa pagdidilig pumasok na ako at inilagay ang hose sa gilid at pinatay ang gripo. itong dalawa naman para buntot sunod ng sunod alam kong gusto na nilang matawa pero pinipigilan lang nila. Sarap pag untugin ang ulo ng dalawang to! It's 8:00 in the evening uuwi na ang ungas at ang talipandas ganito kasi ang oras ng uwi ng sungit. naririnig ko na ang pagpatay ng makina ng sasakyan hinintay kong makapasok ang dalawa pero si sungit lang ang unang pumasok tiningnan niya lang ako pagod na pagod ang mukha nito at parang stress na stress sa trabaho makalat ang buhok parang nakipag sabunutan sa labas. sunod namang pumasok si ian pagod din ito at mukhang antok na antok ngumiti ako sakaniya at sinuklian niya lang iyon ng matamis na ngiti at saka lumapit saakin. "Musta?" tanong ko sakaniya at saka inayos ang buhok niya. "Okay lang medjo inaantok." sagot niya naman bumuntong hininga ako saka nagsalita. "Matulog ka muna sa guard's quarters." sabi ko at tumango lang naman ito pinagmasdan ko siyang lumakad palabas ng makalabas ito ay naramdaman ko nalang may nakatingin sa taas. Halos mapaatras ako sa gulat ng makita si sir Ajani na titig na titig saakin mula sa taas inirapan niya lang ako at saka tumalikod at tumungo sa kwarto niya napakamot nalang ako sa anit ko. Yung lalaking yon, ang hilig hilig akong gulatin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD