Alessio “Vince, ilang buwan na pero wala pa rin tayong lead sa kinaroroonan ni Iris. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” ang nasabi ko na lang sa aking assistant at kaibigan. Pinanghihinaan ako ng loob dahil kahit anong hanap nila at pagsubaybay sa mga taong maaaring may kinalaman sa pagkawala ng asawa ko ay wala pa rin. Lagi na lang kaming nauuwi s dead end. Alam ko na ginagawa din nila ang lahat at base sa mga tingin nila ay naaawa na sila sa akin. Hindi na ako nakakapagtrabaho ng maayos. Ayaw kong um-attend sa mga meeting at palaging si Vince ang pinapaasikaso ko ng lahat. Kagaya ngayong araw, nasa bahay lang ako at kasama ang aming si little Lessy. Nakakagabay na siya at nalulungkot akong maisip na hindi manlang ito nakikita ni Iris. Ito pa naman ang pinaka excited siya sa pagiging ina

