“Dito Iris!” ang tawag sa akin ni Dennis habang naglalakad ako papunta sa bus na sasakyan namin. It’s saturday morning and we are in front of the company building para magkita kita at sabay sabay na pumunta sa Laguna para sa company activity. Nakangiti naman akong naglakad palapit sa kanya at nakita kong palapit naman sa akin si Vince kaya binilisan ko ang paglakad para hindi niya ako maabutan. Panay ang yaya niya sa akin na kumain pero hindi ako pumapayag dahil may palagay akong utos lang din naman ito ni Alessandro. At malamang, ang dahilan ng tangkang paglapit nito sa akin ay pasabayin ako sa sasakyan ng amo niya. Kanina ko lang nalaman na sasama pala siya dahil nagising din siya ng maaga. Hindi na ako makaurong at hindi naman ako dapat umiwas sa kanya dahil hindi naman ako ang gumawa

