"This retreat will help us relax. Just like our previous activity, we will be joining with other departments." sabi ni Linda. Ano kayang retreat nito? Ayaw ko pa namang makita ang mukha niya at ng babaeng retokada tapos heto siya ngayon at sinasabing magreretreat kami ngayong weekend.Wala sigurong mga magawa sa buhay ang mga ito kaya naisipang i-extend pa ang trabaho nila. Hay naku… napaka tamad ko talaga pagdating sa ganitong bagay. Hindi naman sa nagpapaka toxic pero weekends ko nga lang masisiguro na hindi malalapitan ang gurang at pogi kong asawa ng mga babaeng ahas na gusto siyang lingkisin kapag nakakita ng pagkakataon. “Anong department ang makakasama natin?” ang tanong ni Marco, isa pa din sa mga assistant secretaries ni Linda na feeling maganda siguro kaya puro lalaki ang ipinali

