Third Person Samantala, katatapos lamang ni Alessio na makipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Nai-set ang meeting nila sa PNP Chief at nagkasundo na sama sama silang haharap maliban sa kanya. Mas gusto niya na sila na lamang ang kumausap dito upang hindi na mahaluan pa ng politika. Isa pa ay hindi niya magagawang mawalay ng matagal kay Iris lalo na at nasa ika-7 buwan na ang kanyang ipinagbubuntis. Nag-aalala siya na baka mag-isip ng kung anu ano ito at ma-stress na mahigpit na pinapaalala sa kanya ng doktor. Nakahinga siya ng maluwag dahil alam niya na suportado ng kanyang mga kaibigan ang kanyang pamilya at talagang ibinibigay sa kanya ang lahat ng tulong na kailangan niya. Bumalik na siya ng kanilang silid at ang natutulog na si Iris sa kanilang kama ang kanyang unang unang nakita. Na

